=Asher Pov=
Dito na ako ngayon sa room ko. Nakakatuwa si Rj nung umamin siya kanina. Halata talaga na kinakabahan siya. Hahaha gusto ko yung attitude niya walang paligoy ligoy.
Ang cute niya, ay hindi pala ang gwapo niya pala. Mas gwapo pa siya kay Ray. Speaking of Ray masaya din siyang kasama. Makatulog na nga.
Kinaumagahan......
Nakahanda na lahat ng gamit ko. Ready nadin sila Rj and Ray si Cristine nalang hinintay namin para pumasok na sa plane.
"Good morning Ash!" bati sakin ni Rj.
"Good morning din Rj."
"Akin na mga gamit mo. Ako na magbubuhat papasok sa plane."at kinuha niya gamit ko.
"No, ako na. Magaan lang naman to e. Kaya ko na to." sabay kuha ko sa gamit ko.
"No, ako na. Ayaw kong mapagod ang prinsesa ko."
"Alam ko ikaw umamin ka lang ang corny mo na."
"Corny na kong corny basta nagsasabi ako ng tutoo, honest kaya ako. Ikaw naman talaga ang prinsesa ko. Sige na akin na yang bag mo. Tabi tayo ha."
"Sige na ito na oh. Thankyou. Okay tabi tayo." sagot ko naman.
Pumasok na kami sa plane. Buhat buhat ni Rj mga gamit ko. Gentleman din pala siya, para kasing wala sa looks niya.
Madami pa akong hindi alam sa kanya. Akala ko suplado siya pero hindi pala. Masaya siyang kausap at may pagka corny siya. Pero aaminin ko kinikilig ako sa mga banat niya. May gusto na ba ako sa kanya? Pero ang bilis naman ata.
"Hey, Ash, bakit ang lalim ng iniisip mo? Ako ba iniisip mo?" nagulat ako ng biglang nagsalita s Rj. Nakaupo na pala kami ng hindi ko manlang namalayan.
"W-wala inisip ko lang si Nanay. Hindi ikaw no tse!"
"Akala ko kasi ako e hehe."
Habang nasa loob kami ng plane nagkwentohan lang kami. Ang dami niyang kinikwento sakin tungkol sa family niya.
Dalawa pala silang magkakapatid tapos yung Mommy niya nasa bahay lang daw tapos yung Daddy niya naman ay minsan nasa ibang bansa para sa company nila.
Sobrang yaman pala nila kasi may sarili silang company. At nag kwento din ako tungol sa buhay ko. Hindi naman interesting ang buhay ko, dalawa lang kami ni Nanay at iniwan kami ng ama ko.
Nagboarding na ang palne na sinakyan namin. At bumaba na kami ng plane. Dala dala parin ni Rj ang mga gamit ko. Kung tatanungin niyo kung saan sila Ray at Cristine? Yun magkasama silang dalawa nangako kasi si Ray kay Cristine na siya daw ang patutuunan ng pansin nito.
Alam na din ni Ray at Tine na nanliligaw si Rj sakin. Nagulat pa nga sila kasi di nila akalain na manlligaw kasi hindi naman daw ito nagpaparamdam sakin noon. At bati na din pala kami ni Cristine.
Flashback.....
"Asher parang close na kayo ni Rj ah." sabi sakin ni Ray at tumabing umupo sa tabi ko.
"Ah, oonga e. Kinausap niya kasi ako at nagsorry din siya sa pagsususungit niya sakn."
"Oh diba sabi ko sayo na mabait yun."
"Oo nga mabait pala siya. At Ray sinabi din niya sakin na may gusto daw siya sakin. Ang bilis ng bestfriend mo no haha. At manliligaw din daw siya sakin"
"Bakit mo sinabi sakin to lahat Asher?"
"Kasi kaibigan kita Ray. Ikaw lang ang una kong nakaibgan sa school. Parang bestfriend na din ang turing ko sayo. Ayaw kong may nilihim sa kaibigan ko. Kaya sinabi ko to sayo dahil kaibigan kita at bestfriend mo si Rj."
"Sa totoo lang Asher may gusto din ako sayo. Pero habang maaga pa hindi ko na to itutuloy. Ayokong maging karibal si Rj sayo. Alam kong aalagaan ka ni Rj, at halata naman na may gusto na siya sayo, nahihiya lang ata umamin nung unang beses tayong magkakasama.
"Hoy ang drama mo naman. Manliligaw palang yung bestfriend mo haha. At thankyou Ray sa lahat.
"Sige ha una na ako." at umalis na siya para magpapack ng things niya. Papasok na sana ako ng tinawag ako ni Cristine.
"Asher can I talk to you?"
"Oo naman. Bakit anung pag-uusapan natin?"
"Nasabi kasi sakin ni Rj na manliligaw daw siya sayo. Pinayagan mo ba?" derestong tanung niya sakin.
"Sabi niya kausapin pa daw niya ang Nanay ko. Kung payag si Nanay, payag din ako. Why not diba mukha naman siyang mabait. Bakit mo pala natanong?" mukha atang bumaet to.
"Ahm, aaminin ko na may gusto ako kay Ray matagal na. Kaya nagalit ako asyo dahil naging close kayo, at may gusto din siya sayo. Pero nung narinig ko ang pinag-uusapan niyo ni Ray nawala ang galit ko sayo. Asher sorry ha, selfish lang kasi ako. Sorry sa lahat lahat. Sorry din sa mga pinagsasabi ko sayo. Sana mapatawad mo ako."
"Okay lang yun. Sorry din sa mga pinagsasabi ko. Totoo nga ang sabi sakin ni Ray na mabait ka rin pala. Magustuhan ka din ni Ray, think positive lang Tine. Tine na tawag ko sayo ha friends na naman tayo diba?"
"Thankyou talaga Asher ah. Oo naman friends na tayo. Tara na pasok na tayo. Baka hinihinatay kana ng Prince charming mong si Rj hahaha. Ayieeeh ang bilis ng friend ko no."
"Hahaha sira. Oonga e. Tara."
End of flashback.....
BINABASA MO ANG
A Girl Like You (AshRald FF) Completed
FanfictionI'm a big fan of Sarah Geronimo and Gerald Anderson kaya napag-isipan kung gumawa ng fanfic story nila. This is my first story to write, Hope you like it. Sorry for the wrong grammar, typo errors. Thank you!