Chapter 4

6 0 0
                                    

[Janella]

Pagpasok namin ng hotel sinalubong agad kami nina mommy at parents nina Ate Marielle.

"Mom." Bineso ko naman si mom.

"Hi po." Bati ko sa parents mommy nina Ate Marielle

"Ang ganda ng anak mo Cynthia. No doubt gusto siya ng ana.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang sumabat sa usap si Vince.

Tsk! Bastos talaga kahit kailan.

"Mom! San yung room namin? Magpapahinga na ako. Nakakapagod ang biyahe eh." Sabi niya

"Ahh oo nga pala..magpahinga muna kayo."

^___^ yeeeey! Makakapagpahinga na talaga ako ng maayos.

******************><

"What? Mom ayoko.! Hindi ako papayag na maka room mate tong unggoy na to! NEVER!" Sabi ko sabay turo Kay Vince na ngayo'y nakangisi.

"Tsk! Arte.! Ayoko rin namang makasama ka sa iisang kwarto nuh! baka may gawin ka pang hindi kaaya-aya sakin." Sabi niya.

Inirapan ko lang siya..
Kapal ng pagmumukha!

"Mom! Ayoko talaga..si Jane nalang yung ka room mate ko. Please Jane." Sabi ko sa girlfriend ni Andrei

"H-huh?" -Jane

Please pumayag ka.

"Ok lang naman sakin." Sabi ni Jane

"Great. Tayo na ang magka room mate." Natutuwa Kong sabi.

"Wag! Hindi pwede.! Babe akala ko ba tayo ang magkasama" hindi pagsang ayon ni Andrei at hinawakan ng mahigpit ang girlfriend niya.

Tsk! Possessive naman ng isang to.

"Sorry Janella, Alam mo na." Sabi niya kaya bigla akong nalungkot

Ibinaling ko naman ang atensiyon ko Kay Kuya.

"Kuya" sabi ko

"Ella. Wala ka nang choice. Limang room nalang ang available, kaya by two's ang magsasama sa iisang room." Sabi ni Kuya .

"Edi kami ni ate Marielle ang magka room mate." Sabi ko

"Ayy naku anak! Hindi pwede. Kailangan nilang magsama. Wag ka nang makulit. Mabait naman si Vince eh. Staka may tiwala kami sa kanya." Sabi ni Mom.

Umiiling iling lang ako.

Eh ako? Pano ako?
Wala akong tiwala sa lalaking to.

"Dad?"

"Ella.! Don't be such a brat.! Sundin mo ang sinabi ng mom mo" sabi naman ni dad kaya Napa pout nalang ako.

Walangjo! Anong klaseng magulang ang meron ako?

"Tsk!" Yan lang ang sinabi ko at nag walk out.

Bahala na.!

Sinundan naman ako ni Vince.

"Bat ayaw mo akong maka room mate? Ayaw mo nun? Ang gwapo at ang hunk ng kasama mo. Hahaha" sabi niya.

"......"

Hindi ko siya pinansin.

"Hoy! Ella!"

"......"

Manigas ka!

"Tsk! Sungit talaga" tumahimik na naman siya.

Mabuti naman at napagod na siya kakakulit sakin.. Tsk! Wala rin naman siyang mapapala sakin eh.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon