Chapter 10

5 0 0
                                    

Vince POV

"Bro. Anong problema ni Janella? Bat parang aligaga siya kanina" sabi ni Andrei.

"Sinabi ko na sa kanya" sabi ko

"Yun oh! kaya pala ganun siya kanina" sabi ni Kurt

"Gusto ka rin nun" biglang sabi ni Ken

"Pano mo naman nasabi yan. Diba nga gusto mo siya" sabi ko

Nagsitawanan naman silang lahat.
Kaya napa poker face ako.

"Baliw ka ba?  Parang kapatid ko lang yung si Ella." sabi niya

"Hahaha oo nga. Staka bro. May fiance na yang si Ken" sabi ni Ivan.

Nanlaki naman ang mata ko.
Nagselos ako sa walang dahilan?!

"Ahaha kailangan pa palang magselos nitong si lover boy para umamin." Sabi ni Kurt

"Tsk! Asan siya ngayun?" Tanong ko

"Hayaan mo muna siyang mapag-isa. Nalilito pa yun ngayun dahil sa sinabi mo. Mukha kasing lumalambot na si Ms.Manhid." sabi ni Ken.

Tsk! Baka ano na namang mangyari dun.

"Wag kang mag-alala, Alam niya ang ginagawa niya, hayaan mo muna siya ngayun. Kahit ngayung gabi lang" sabi pa ni Ken.

"Bat mo sinasabi sakin to" tanong ko

"Gusto mo ba talaga siya?" Tanong niya. Silang lahat naman nakatingin sakin.

"Hindi ko siya gusto, dahil mahal ko na siya" sabi ko

"Cheesy mo bro." Sabi nung tatlo kaya binatukan ko.

Natawa naman si Ken. "Trust me, gusto ka rin nun" sabi niya. "Geh punta na ako sa room ko may jetleg pa ako eh. Ahh nga pala. Wag mo siyang sasaktan Kong ayaw mong sirain ko yang pagmumukha mo" sabi niya at tinalikuran na ako.

Napangiti naman ako.
Its a relieve na may nagsabi saking malaki ang pag-asa ko para Kay Ella.
Wala na akong dahilan para itago sa kanya ang nararamdaman ko. Now I already realized that from the start I already like her. No scratch that,
I Love Her and I'm willing to wait until she learns to love me back.

Janella POV

Nandito ako ngayun sa may pool area. May mini bridge kasi dito kaya dito ko naisipang mag isip-isip tungkol sa pag confess sakin ni Vince.
Napangiti naman ako nung naalala kong iniligtas niya ako Kay Dave. Naaalala niyo Si Dave? Yung lalaking bumastos sakin. Naaalala ko rin nung nasa island kami. He saved me. And I never realized that he became my saviour. Ngayun ko lang naisip na hindi lang pala puro pang-aasar at paninira ng araw ang ginagawa niya sakin.may mabuting naidulot din pala siya.

"Hi!"

Napalingon naman agad ako sa nagsalita.

"Hi!" I greeted her back.

"By the way I'm Leslie and you are?" Tanong niya. She's so beautiful. Maputi, may mahaba at wavy na buhok, chinita,matangos ang ilong, at may manipis na labi. Mukha siyang koreana.

"Im Janella" nakangiti kong sabi

"Why are you alone?" Tanong niya

"Did you ever fall inlove?" Out of the blue Kong tanong

She just smiled at me.

"Your confused about your feelings don't you?" Sabi niya

Tumango lang ako.
"I don't know what to do with him anymore. I hate him for being a jerk pero sa tuwing kasama ko siya I feel safe" sabi ko. "When im with him I feel like there's butterflies in my stomach, and my heart,It couldn't stop beating fast." Sabi ko pa

"Your truly inlove, believe it or not yan rin ang naramdaman ko nuon bago kami nagkatuluyan ng lalaking minahal ko. Lahat ng nararamdaman mo ngayun those are signs that your inlove. Maybe, kaya mo lang nasasabi na Kinamumuhian mo siya kasi yan ang sinasabi ng isip mo. Just try to listen to your heart, lahat ng tanong mo masasagot, and all your doubts will be gone." sabi niya

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Maybe your right. Thank you for your advise. BTW we can be friends right?" Tanong ko

"Yeah sure." Nakangiti niyang sabi.

"Anyway anong nangyari sa inyo ng lalaking minahal mo?" Tanong ko

"He become my husband" nakangiti niyang sabi "Oh? Gotta go nandito na pala siya" sabi niya. nag wave naman siya ng kamay sakin at lumapit sa lalaking sinasabi niya. Ang gwapo ng asawa niya. Hindi ako makapaniwalang mag-asawa na sila they look si young.

Mag-isa na ulit ako ngayun.
Sinubukan kong sundin ang sinabi ni Leslie. And with that I realized that I also like him. Kaya ko lang nasasabi na kinamumuhian ko siya dahil sa mga ginagawa niyang pang-aasar sakin. Nilisan ko naman ang pool area at pumunta sa lobby ng hotel. May nabunggo naman akong lalaki.

"I'm sorry Miss." Pagpapaumanhin nung lalaki.

"Sorry din" sabi ko at nag bow.

"Janella?" Sabi niya

Pag-angat ko ng tingin nagulat ako kung bakit niya ako kilala.

"I'm sorry, do I know you?" I asked confusely.

"Hindi mo ako naaalala? Girl, nagka amnesia kana ba?" Tanong niya.

"OMG! Kenneth? Kumusta ka na?" Tanong ko

"FYI girl Kisses na ang name ko. Di mo na ako pwedeng tawaging Kenneth nuh" sabi niya.

"Yeah oo nga naman Kisses" sabi ko with matching taas ng kilay.

He or should I say She is my friends friend way back when I was on highschool.

"Di ka parin nagbabago girl. Diyosa ka parin tulad ko. Kaso nga lang diyosa ako na nag-aayong Boylet. Sad right?" Sabi niya

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Alam mo na, diba nga dati palang tinatago ko na ang pagiging dalagang pilipina ko." Sabi niya

Tumango lang ako at natawa.
Yeah, kahit kilos girl siya lalaking lalaki parin siya kung pumorma. Military kasi yung dad niya at ayaw nun or should i say galit yun sa mga LGBT.kaya hindi niya magawang magkilos lalaki sa harap ng maraming tao kami lang ng mga kaibigan niya.

"Anyways. Its really nice to see you again but nagmamadali kasi ako. Alam mo na" sabi niya.

Tumango lang ako.

"Give me your calling card nalang so that I can call you later. Para naman makapag chikahan tayo" sabi niya kaya binigay ko sa kanya ang calling card ko.

"I have to go. Bye girl" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nagpaalam na kami sa isat-isa.

I smiled

Ang saya pala sa pakiramdam na may makita ka ulit na kaibigan. Namiss ko tuloy yung highschool days ko.

Nakangiti akong nagtungo sa room namin ni Vince. I need to see him. kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko Alam Kong pano ko sasabibin sa kanya na gusto ko rin siya. Aish! Basta! Bahala na si batman.
Pagdating ko sa room namin wala siya dun kaya hinanap ko siya.

Nakasalubong ko naman si Ivan kasama si Katie

"Si Vince?"

"Baka nasa may tabing dagat. Bakit?" Sabi ni Katie

"Kailangan Kong sabihin sa kanyang gusto ko rin siya" sigaw ko

Pagdating ko sa may tabing dagat nakita ko kaagad si Vince pero di siya nag-iisa, may kasama siyang babae.
Hindi ko maaninag kung sino pero ang ikinagulat ko nang bigla siyang halikan ng babae.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang bang tinutusok-tusok ng maraming beses ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, nilisan ko ang lugar na iyon at tumakbo papalayo,hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

I realized na mahal ko nga siya. Kasi hindi ako masasaktan ng ganito Kong hindi ko siya mahal.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon