Chapter 12

6 0 0
                                    

Marielle POV

Lahat kami busy para para sa kasal bukas.

Stress na stress na ako lalo na nung nalaman kong nagkakamalabuan na naman sina Vince at Ella.

"Babe don't stress yourself" sabi sakin ni Christian

"Nandito na ba sina Vince? Magsisimula na ang rehearsal natin ah" nag-aalala kong sabi.

Akala ko pa naman ok na yung dalawa. Kaso nung sinabihan ako nina Ivan tungkol sa nangyari kagabi na nagawa nang magconfess ni Vince kay Ella, nag-aalala ako kasi baka hindi na nagpapansinan yung dalawa.

"Ate late na ba kami?" Napalingon naman ako sa nagsalita

"Thank goodness, I thought hindi na kayo dadating" nawala bigla ang pag-aalala ko

"Ok na ba kayong dalawa?" Tanong ni Christian

Tumango naman si Ella

"Nakapag-usap na kami Kuya" nakangising sabi ni Vince.

"Mam ok na ba lahat? Completo na ba tayo? Can we start the rehearsal?" Sabi ng wedding organizer ko

"Yes. Ok na lahat, mag start na tayo" sabi ko

"Babe, I think nagwork naman ang plano mo" bulong sakin ni Christian

"I think so babe, sana talaga tuloy-tuloy na ang pagkakamabutihan ng dalawa" nakangiti kong sabi.

"Aba dapat lang. Para hindi naman masayang ang effort mo hahaha" tawa naman siya ng tawa

"Umayos ka na nga dun, magsisimula na ang rehearsal." Sabi ko Sabay tulak sa kanya palayo

"Oo na po" sabi niya at pumunta na kong San ang pwesto niya.

Sana nga nag work ng plano ko.
Sayang naman ang ginawa kong plan para sa kanila nuh. Alam niyo kung ano yun?

At first plano ko talagang isama sila sa iisang kwarto. And nung nasa isla kami pinlano ko talaga na iwan sila na silang dalawa lang pero di ko naman alam na mawawala talaga si Ella, pero at least nahanap parin siya ni Vince. Oh diba? Ang cool ng plano ko. At pinapunta ko talaga dito si Ken. Yung best friend ni Ella para magselos si Vince, at nagwork naman ang plan ko kasi nag confess na siya Kay Ella. Ang hina kasi nitong kapatid ko pagdating Kay Ella eh. Ilang taon na niyang gusto si Ella ng patago. Na kahit hindi pa siya na memeet ni Ella, dati pa talaga siyang may gusto dito.

Nilapitan ko naman si Vince

"Ano? Ok na kayo?" Sabi ko

"Binigyan niya ako ng chance ate na manligaw sa kanya." Nakangiti niyang sabi

"I'm happy for you little bro. Ngayung binigyan ka na niya ng pag-asa gawin mo na ang lahat,Baka mabokya na naman." Sabi ko

"I will ate."

"Haays.nakakatawang isipin na ang Kapatid kong playboy natitiklop at natotorpe lang Kay Ella." Natatawa kong Sabi

"She's so different from the other girls ate. She's the kind of girl na hindi dapat saktan, kagaya mo rin. I'm so Happy for you ate, masaya akong nahanap mo na ang lalaking makakasama mo habang buhay" sabi niya

"Ikaw rin naman little bro. Nahanap mo na rin ang para sayo. Just take good care of her" sabi ko at tinapik siya sa balikat. "Oh gotta go, puntahan mo na yung partner mo" sabi ko. 

I think hahayaan ko nang si Vince na ang bahalang magpaimprove ng status nilang dalawa. ^__^

Basta ako focus muna ako para sa pinaka special na araw ng buhay ko. Hihihi. ^__^

Janella POV

Kasalukuyan kaming nagre-rehears para sa kasal bukas. Ewan ko ba dito sa kinuhang organizer nina Kuya. Ang daming Alam eh.  Anyways. Dito sa tabing dagat ang venue ng wedding tapos sa luob na ng hotel ang reception. 

Natapos naman gami agad. Tinuruan niya lang kasi kami kung saan banda kami uupo at kung ano-ano pa. Ready na kaming lahat para bukas. At bakas naman sa mukha ng dalawang love birds ang saya at excitement.

"Ate, ano pong feeling ng malapit nang ikasal?" Tanong ko

"Masaya na exiting na nakakakaba. Yung feeling na hindi ko maexplain. Basta ang Alam ko masaya ako kasi pangarap ko to eh. Ang maikasal sa lalaking mahal na mahal ko" nakangiting sabi ni Ate Marielle Sabay tingin sa gawi ni Kuya Christian na kasalukuyang kinakausap ang boys.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila nuh?" Sabi ni Andrea

"Oo nga, ano kayang pinag-uusapan nila" tanong ni Katie

"Hayaan niyo na sila girls. Ayusin nalang natin tong mga flowers para bukas" sabi ko.

"Kailan kaya ako ikakasal?" Biglang tanong ni Jane

"Kailan saluhin niyo yung bouquet ko bukas para isa sa inyu ang susunod na ikakasal. Hahaha" sabi ni Ate Marielle

"Yiiieeeh! Ako ang sasalo nun bukas" exited na sabi ni Katie

"Echosera to! Ako ang sasalo nun nuh" sabi naman ni Andrea

"Edi kayo na! Hahaha" sabi ko

"Nakita niyo na ba ang gowns niyo?" Sabi ni ate Marielle

"Nandito na yung gowns?" Tanong ko

"Yeah. Gusto niyong tingnan? Sukatin niyo na rin"

"Yiiieeh! Sige tingnan natin, I'm pretty sure I will look gorgeous with that gown" sabi ni Jane

"Hahaha geh tara" nag agree naman ako

Imiwan muna namin ang boys. mukhang busing-busy sila sa boys talk nila eh.

Christian POV

"Ok na ba yung plano natin?" Tanong ni Ko

"Naman! Kami pa! hahaha" - Ivan

"Basta wag kayong magkalat kung ayaw niyong makatikim ng tig-iisang sapak" pagbabanta ko

"Areglado bosing!" Sabay-sabay naming sabi. .

I so-surprice ko kasi si Marielle bukas sa kasal namin. Kaya kinausap ko ang boys. Matagal ko na tong pinaghandaan. May gagawin ako bukas na hindi ko talaga ginagawa. Pero para sa taong mahal ko, gagawin ko lahat kahit magmukha akong tanga.

"San na nagpunta ang mga girls?" Tanong ni Andrei

"Baka nag girl talk din hahaha" sabi naman ni Kurt.

"Hanapin muna namin sila" pagpapaalam ni Ivan kaya umalis na ang tatlong ugok kaya kaming dalawa nalang ni Vince ang naiwan.

"Kuya, masaya ako para sa inyo ni ate. Sana ingatan mo siya at wag mo sana siyang sasaktan, pero alam kong hindi ko na kailangang mag-alala kasi Alam kong mahal na mahal mo si ate Marielle" sabi niya sakin

"Mahal ko ang ate mo kaya hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sakanya.kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kanya,ganun ko siya kamahal. Eh ikaw? Gaano mo kamahal ang kapatid ko?" Tanong ko
na sinabayan ko pa ng nakakalokong ngisi.

"Alam kong hindi kapanipaniwala ang mga sinasabi ko dahil nga kilala ako bilang isang playboy but believe me or not. Mahal ko si Ella. Kahit kinaiinisan ako nun at kinamumuhian gagawin ko ang lahat para magbago para lang sa kaniya."

Tinapik ko ang balikat niya.

"Mabuti naman kung ganun. Ayoko lang kasing masaktan ulit ang kapatid ko." sabi ko

"Masaktan ulit?" Naguguluhang tanong niya

"Wala yun. Basta kong kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako." sabi ko at umalis na

"Kuya!" Sigaw niya "Salamat"

Tinanguan ko lang siya at tuluyan na nang umalis.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon