Chapter 7

3 0 0
                                    

[Vince]

"Sure kang ok kana?" Tanong ni Andrei.

"Oo nga sabi. Ilang beses niyo bang tinanong sakin yan?" Sabi ni Ella.
Tsk! This girl is unbelievable

Kasalukuyan kasi kaming papunta ngayun sa kabilang parte ng isla kung saan gaganapin ang photoshoot nina Ate Marielle at kuya Christian.

Hindi kami nagpapansinan ngayun ni Ella, gusto Kong mag sorry sa kanya kasi dahil sakin muntik na siyang mapahamak. Ang gag* ko lang kasi.

"Kuya? Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Jane sa lalaking nag ga-guide samin.

"Malapit na po tayo ma'am"
Sabi niya at tama nga siya.
Namangha naman kaming lahat sa ganda ng tanawin.  Tama nga ang sinabi nila. This Island is like a Paradise.

"Ahh guys, baka gusto niyong maglibot-libot muna. I'm sure matatagalan kami dito" sabi ni ate Marielle. Sumang-ayon naman kami Pero langya! Ang tatlo nagkanya-kanya na kasama ang mga girlfriends nila. Tsk! "Oh? Kayo Vince at Ella, hindi ba kayo maglilibot-libot muna?" Tanong samin ni Ate Marielle

"Geh.! Kukuha lang po ako ng pictures dun" sabi niya at tinuro ang parang burol sa di kalayuan.
"Magpasama ka na Kay Vince. Baka maligaw ka" sabi ni Kuya Christian

Nagkibit balikat lang siya.
"Sige na Vince, alam naming kanina ka pa kating-kati makausap siya. But please sana naman this time hindi ka na gagawa ng kalokohan" sabi ni ate Marielle

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Tama si ate. I should stop this childish act. Baka ito pa ang dahilan ng pagkapahamak ulit ni Ella.
Sinusundan ko lang si Ella ngayun na busing-busy kakakuha ng pictures.
Siguro mamaya na ako magpapakita sa kanya. Pumunta naman siya sa side kung saan maraming puno or matatawag naring parang gubat.
Tsk! Itong babaeng to talaga oh, wala man lang kinakatakutan. Di niya ba naisip na pwede siyang maligaw sa ginagawa niya?

Natigil naman ako kakamatyag sa kanya nang may narinig akong kaluskos sa may damuhan.
Akala ko kung ano na, aso lang pala.
Nung napatingin naman ulit ako kay Ella bigla nalang siyang nawala.
"Aish! San naman nagpunta ang babaeng yun?"

Janella POV

Abala ako kakaselfie. Ang ganda ng island na to. Hihihi.^__~

May nakita naman akong burol and I take a lot of guts para pumunta duon.
Tumuntong ako sa malaking bato at kumuha ng litrato kaso bigla nalang akong na out of balance kaya napatumba ako.

"Aww! Ouch! Ang sakit"
Nabalian yata ako ng buto sa paa.
Sinubukan Kong tumayo Pero Hindi ko talaga kaya. Huhuhu. Anong gagawin ko? Tiningnan ko yung phone ko Kung may signal na nasasagap kaso wala talaga. Oh no!

Sinubukan Kong humingi nang tulong kahit Alam kong imposibleng may tumulong sakin dito. Ang layo ko kaya sa kanila. (T_T).
Ang sakit ng paa ko. Huhuhu
Pano na ako ngayun? Ayoko dito.!
Pano ako kakain? Pano ako makakauwi? Pano ako mabubuhay? Waaaah! Ayokong mamatay ng
mag-isa sayang ang mala diyosang lahi ko. Huhuhu

"TULONG! WAAAAH!" sigaw ko.
I feel so hopeless. Sinubukan ko uling tumayo kaso hindi talaga carry ng powers ko. Malapit nang magdilim
kaya naiiyak na talaga ako. May narinig naman akong kaluskos sa may damuhan kaya natakot na talaga ako. OMG! Ayoko maging hapunan ng mga wild animals dito. Huhuhu.

Hindi ko na talaga mapigilang hindi mapahikbi. Oo na! Ako na ang matatakutin. Mas lalong lumakas ang kaluskos kaya sobrang natatakot na talaga ako, baka bigla nalang akong atakihin at lapain.
"S-sino y-yan? Huhuhu! P-please somebody H-help me" Naiiyak Kong sabi. May bigla namang lumabas sa may damuhan kaya napapikit ako ng mariin at sumigaw ng bonggang-bongga. "AAHHHHHHHHHHH!!"

"Ella!"

Napaangat naman ako ng tingin and with that bigla ko nalang siyang niyakap at humagulhol sa pag-iyak.

"Ssshh! Its ok Ella nandito na ako." Sabi ni Vince.

Hindi ko inaakalang darating siya para iligtas ako and for the record this is the first time na masaya akong
makita siya.

Nakayakap parin ako sa kanya nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Tatayo na sana kami ng maalala Kong masakit nga pala ang paa ko. "Aww! Yung paa ko"
Tiningnan niya naman Ito.

"Namamaga na yung paa mo" sabi niya.

"Mamaya na natin problemahin Yang paa ko maghanap muna tayo ng masisilungan." Sabi ko

"Kaya mo pa bang maglakad?" Tanong niya.  Umiling lang ako.
Hindi ko Talaga kasi kaya. Kung kaya ko edi kanina pa sana ako naakaalis sa lugar na to.  bigla naman siyang Umupo sa harapan ko.
"Ano ba naman tan Vince. Ngayun mo pa talaga naisipang tumae at sa harapan ko pa talaga huh! eww lang Vince huh! Eww Lang!" Sabi ko

"Silly! Sumakay ka sa likod ko. Nahihirapan kang maglakad diba. Bilisan mo na kasi basang-basa na tayo" Sabi niya. nagkibit balikat Lang ako. Choosy pa ba ako?
Eh Nahihirapan na ngang akong maglakad aarte pa ba ako?
kaya heto, naka piggy-back ride ako sa kanya ngayun.  Masyadong magkadikit ang katawan namin kaya Nahihirapan akong huminga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Shocks! Ano bang nagyayari sakin?

"OK ka Lang ba diyan?" Tanong niya at biglang lumingon sakin. Ang lapit-lapit ng mukha namin kaya bigla akong nailang.

"I-im f-fine!" I quickly  said.

Ngumiti Lang siya.
"May nakita akong maliit na kweba malapit dito. Dun muna tayo" Sabi niya

"OK" sagot ko.

Nakarating naman agad kami sa kweba na sinasabi niya.
Mukha kaming basang sisiw sa itsura namin. Hahaha ang Eww ng pagkaka describe ko.

Bigla naman siyang naghubad ng
T-shirt sa harapan ko.
"A-anong g-ginagawa mo?" Bat na ako nauutal?

"Pinapatuyo ang damit ko.ikaw rin patuyuin mo na Yang damit mo Baka magkasakit ka pa" Sabi niya

I rolled my eyes.
"Edi mamatay naman ako sa lamig." Sabi ko

"Tsk! Bahala ka." Sabi niya at hinubad ang pantalon niya kaya naka boxer short nalang siya ngayun.

I smirked!
Ginaya ko na rin ang ginawa niya.
Ayokong magkasakit nuh!
Hinubad ko naman ang suot kong blouse. Kaya naka bra nalang ako ngayun pero naka maong shorts parin naman ako. Nanginginig naman ako sa sobrang ginaw. Shocks.! Ngayun  naman mamatay ako sa lamig.
Niyakap ko naman ang sarili ko Pero no effect parin.

"Come here" sabi niya.

"W-what?"

"Halika dito.!" Sabi niya

Napairap naman ako.
"tinagalog mo lang yung sinabi mo eh. Bakit nga!" Nanginginig Kong sabi.

"Body heat. Ayaw mo naman yatang mamatay sa ginaw nuh?" Sabi niya.

"Tsk!" Sabi ko at lumapit naman siya sakin at  niyakap ako.
Nakaramdam naman ako ng antok dahil sa yakap niya. I feel so safe and warm.

Gumalaw naman ako ng bahagya kasi nahihirapan ako sa posisyon namin Ngayun. Nakasandal kasi siya ngayun sa malaking bato at ako naman Nakasandal sa kanya, So bale nakayap siya sa likod ko. Bigla namang humigpit ang ang pagkakayakap niya sa beywang ko.

"P-please don't make it harder for me. Wag kang malikot" Sabi niya.

Hindi ko naman magets ang sinabi niya. Sumandal Lang ako sa kanya at hinayaang lamunin ng dilim.

"Pasalamat ka jslan bsJr hjbbjs Javdkwubslahvdlah"
Bulong niya Pero dahil sa antok ko di ko na naintindihan ang sinabi niya.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon