Chapter 2

7 0 0
                                    

Christian POV

5:30 A.M na at tulog parin si Ella.

Tsk!Tsk! Pasaway talaga.
sabi ko gumising ng maaga Pero wala parin. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto niya.

"Ella! Gising na!" Paggigising ko sakanya

"Mmmm. Five minutes more Kuya" she murmured

"Tsk! Tulog mantika talaga, Balikan kita after 5 minutes. Aayusin ko muna ang mga baon natin." Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Nauna na pala yung iba sa Baguio.
Nandun narin sina mom at dad at ang parents nina Marielle.

Nakatanggap naman ako ng text galing sa pinakamamahal ko.. At papunta na raw sila dito.

After 5 minutes natapos kunang ihanda lahat ng baon namin.
Papunta kasi kami ngayun sa Baguio dun kasi ihe-held ang kasal namin ni Marielle.

Grabe! Kinakabahan ako na
nae-excite.

Beep! Beep!

"Sir nandito napo sina Maam Marielle" sabi ng katulong namin.

Tumango lang ako at tinapos na ang niluluto kong breakfast.

"Good morning babe" Marielle Greeted me.

"Good Morning Babe" I greeted back.

"Tulungan na kita." She volunteered

"Kuya! Si Ella?" Tanong naman sakin ni Vince kasunod naman niya ang mga Kaibigan niya.

"Nasa taas! Tulog mantika yun eh.pakigising nga muna." Sabi ko

"Geh!" Yun lang ang sabi niya at gumayak na papunta sa Kwarto ni Ella.

"Babe? May plano ako. Pero mamaya ko na ikikwento sayo. Hihihi." Sabi ni Marielle sakin.

I pinch her nose.

"Ikaw huh! Pagtitripan mo na naman yung kapatid mo" sabi ko.

"Tsk! Dapat lang nuh! Para matuto na. At hindi na magpaka torpe." Bulong niya sakin. Kaya nagtawanan lang kami.

Vince POV

Ang aga-aga naming pumunta kina Ella. Pero buti nalang nandito ang tatlong itlog. Pero ang mga walangya!
Nagdala pa ng sarisarili nilang girlfriends! Tsk! Aba! Agrabyado yata ako ngayun kasi ako lang ang walang Kapares.

"Oh? Asan na yung chikababes mo tol?" Tanong ni Andrei

"Hahaha akala ko ba tol popormahan mo na ang kapatid ni Kuya Christian, wala ka pala eh!" Sabi naman ni Ivan

"Hindi tol.! Natotorpe lang yan kaya dinadala nalang niya sa pang-aasar. Hahaha" sabi naman ni Kurt

"Hahaha..ang ultimate playboy natin natutorpe lang sa isang babae." Pang-aasar naman ni Andrei.

Sinamaan ko naman sila ng tingin.
At isa-isang binatukan.

"Tsk! Pumunta lang ba kayo dito sa pilipinas para asarin ako?" Sigaw ko.

"Chill lang tol..hahaha HB ka eh" natatawang sabi ni Ivan habang hawak hawak ang batok niya.

"Tsk!" Sabi ko at tinalikuran sila.

"Oh? San ka pupunta?" Tanong ni Kurt

"May gigisingin lang ako." Nakangisi kong sabi.

"Yun oh!" Sabay Sabay nilang sabi.

Pumunta naman agad ako sa Kwarto ni Ella.

Hindi na ako kumatok kaya pumasok
Na agad ako sa kwarto niya.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon