Chapter 15

2 0 0
                                    

[Janella]

Pagbalik namin sa hotel lahat sila sobrang naintriga saming dalawa ni Vince. Kaya ayun! Wala kaming nagawa kundi sabihin sa kanila ang status naming dalawa.

Yes!Maybe sobrang bilis ng pangyayari. Akala ko aabot ng ilang buwan or taon siyang manliligaw sakin,pero mali pala. Hindi nga yata umabot ng One week ang panliligaw niya sakin eh. At sana hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko. Sinagot ko siya ng biglaan, sana naman hindi siya mawala ng biglaan.

"Yieeeeeh! Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala bigla nalang kayong nawala kanina, yun pala...hahaha" sabi ni ate Marielle

"Congrats bro. Binata ka na hahaha" -Ivan

"Galing mo bro.hahaha ano? Iiskor ka na ba agad?"-Andrei

"Hoy! anong iiskor!? Umayos ka Vince kung ayaw mong makatikim ng sapak!" Pagbabanta ni Kuya Christian Kay Vince

"Good boy na ako Kuya. Takot ko nalang Kay Ella. Amazona pa naman yan." Sabi niya

"Ahh ganun? Amazona pala huh! Sige! Break na tayo!" Naka cross arms kong sabi. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Hahaha

"Ano ba babe! Joke lang yun. Ito naman di na mabiro.sorry na!" Sabi ni Vince at umakbay sakin.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sakin at kinurot siya sa teynga.

"Heh!" Sabi ko at nag walk out. Tsk!

"Woooh! Ano ba yan bro. Kakasagot lang sayo eh. LQ agad? Hahaha" -Kurt

"Babe! Sorry na please" sabi niya with matching puppy eyes pa.
I was shocked. I can't imagine na may ganitong side pala siya. Hihihi.
Napangiti naman ako.

"Matitiis ba naman kita! Hahaha pangit mo eh!" Sabi ko at kinurot siya sa pisngi. Pinanggigilan ko ang pisngi niya. Hahaha pambawi narin sa lahat ng pang-aasar niya sakin. Bwahaha!

"A-awway! M-mashakit babe!" Reklamo niya.

"Ayy sorry! Ang cute mo kasi eh!" Pangangatwiran ko.

"Hindi ako cute! Kasi gwapo ako GWAPO!" Proud niyang sabi

"Oo nalang hahaha" sabi ko Sabay tawa. Nakitawa naman ang iba.
Nakita ko namang napa pout siya.
Ayiiieh! Ang cute niya talaga! Pero walang duda, Ang Gwapo nga ng boyfriend ko. Hihihi ^___^
Lumapit siya sakin at inakbayan ulit ako.

"Babe, balik na tayo sa room?" Pag-aaya niya.

"Teka!teka! Anong babe?" May bigla namang nagsalita sa likuran namin.
Kaya Sabay kaming napalingun.
Bigla Kong naitulak si Vince at tumakbo papalapit sa nagsalita.
"Kyaaah! Sam!" Sigaw ko at niyakap agad siya.

"Ella! Ayiieeeh! I miss you Girl!" Sabi naman ni Sam.

"Kailan kapa dumating dito sa pilipinas?" Tanong ko

"Ngayun lang. Sinundo ako ni Ken. Right Babe?" Sabi niya at nilingon si JK at tinanguan lang siya. Anyways.
Siya nga pala si Samantha Mendez, JK's Fiance.

"Na miss kita ah! Kumusta ka?" Tanong ko

"Eto maganda parin. Hahaha" sabi niya. Hindi talaga siya nagbago. Ang ingay niya parin kahit kailan.

"Teka nga! Wag mo nga akong inaaliw. Sinong yung babe na binanggit mo kanina?" Tanong niya

"Ahh ano, si Vince nga pala. my boyfriend" pagpapakilala ko Kay Vince. Nginitian lang siya ni Vince,
Nakita ko ang unti-unting pag kunot ng Noo ni Sam.

"Vince? Akala ko ba Steve ang pangalan ng boyfriend mo. Anyare girl?"  natigilan naman ako sa tanong niya.

"A-ahhh. Pagod ka diba babe? Come on dalhin na natin tong mga gamit mo sa room" biglang sabi ni JK.

"Ahh yeah! Mamaya na kita kakausapin Girl." Sabi niya.
Tinanguan ko lang siya.

"A-ahh balik narin kami sa room namin" sabi nila.

"Kailangan ko pang mag beauty sleep. Ahh. By the way ok lang bang tayo muna ang magka roommate Ella? Alam mo na" sabi ni ate Marielle.

"Sure ate." Sabi ko

"Ok. Mauna na ako sa inyo. Kailangan ko pang mag beauty rest" sabi ni Ate Marielle. Tinanguan lang ni Kuya Christian si Vince. Pero bago sila umalis tinapik muna ni Kuya si Vince sa balikat.

Haaays! Ngayun kaming dalawa nalang ang naiwan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. I know gusto niyang malaman ang tungkol Kay Steve. kaso nag-aalangan ako.
Nagpakawala muna ako ng malakas na buntong hininga. Pero bago pa ako makapagsalita, naunahan na niya ako.

"Siya ba ang dahilan?" Tanong niya.
Kaya napapikit ako.

'It's ok Ella, sasabihin mo lang naman ang dahilan Kong bakit takot ka nang magmahal ulit diba? I know he'll understand..' Sabi ko sa isipan ko.

Vince POV

"Siya ba ang dahilan?" Tanong ko. Hindi naman kasi ako tanga para Hindi maintindihan ang sinabi ng babaeng hilaw na fiance ni Ken.

"Y-yeah! H-his Steve, my ex, p-pero masaya na siya ngayun dahil kasama niya na ang taong mahal niya" nakatungo siya habang sinasabi iyon.

"Ella" napabuntong hininga nalang ako.

"Don't worry, we don't have any connections anymore. Ni wala na nga akong balita sa kanya eh." Sabi niya
I smiled and hug her.

"Its ok, ang importante tayong dalawa. I know nasaktan ka, at natatakot kang masaktan ulit. But, trust me, gagawin ko ang lahat para sayo and I will protect you no matter what" sabi ko

"I know you will. At sana hindi mo rin ako iwan gaya ng pag-iwan niya sakin" she said, I can see sadness in her eyes. I hug her and kiss her forhead.

"Do you trust me?" Tanong ko.
Tumango tango naman siya.
"Then you don't have to worry. Naririnig mo to?" Tanong ko at kinuha ang kamay niya at initapat sa may chest ko. "I love you. At alam mo bang pangalan mo lang ang sinisigaw nito? " tanong ko.

"I love you too" sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. She smiled bago magsalita.
"Alam mo bang at first I really hate you like hell. I hate you for being a jerk, but it turns out. Yung galit ko sayo at napalitan ng love. Hindi ko Alam Kong papano pero isa lang ang sigurado ako this time. " sabi niya. She cupped my both cheeks.
"Is that,I really love you Vince" sabi niya at hinalikan niya ako, pero smack lang.

"Punta muna ako sa room nina Ate Marielle, kami raw ang magka roommate ngayun eh." Sabi niya.
Tumango lang ako. Pero bago kami tuluyang magka hiwalay ng tutunguhan. I hugged her again.

I cant promise na hindi ako makakagawa ng mga bagay na makasasakit sayo. But I can assure you that I will be right here for you.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon