Chapter 9

5 0 0
                                    

Joshua Ken POV

I'm Joshua Ken Lopez
Janella's Best friend, magkababata kasi kami but, unfortunately we  migrated to Korea when I was 16
Kaya nagkahiwalay kami.  and I'm really happy to see my best friend again.

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong niya

"Kahapon lang" sabi ko "Alam mo bang grabe ang pag-aalala ko sayo nung nalaman kong nawawala ka?"

"Mmm ang sabihin mo namiss mo lang ako" sabi niya Sabay tawa ng malakas.

"Siyempre namiss ko ang cupcake ko" sabi ko

"Yah! Hanggang ngayun ba naman JK. can you just quit with that cupcake? Ang chessy masyado." Sabi niya

"Hahaha yan kaya ang pang-aasar ko sayo" natatawa Kong sabi

"Hindi na effective sakin ang pang-aasar mo nuh!" Sabi niya Sabay irap

"Hindi raw Pero kung makairap
Wagas! Haha" sabi ko
Cupcake kasi ang pang-aasar ko sa kanya kasi grabe siya kung makakain ng cupcake na binibake ko. Takaw niyan pagdating sa cupcake eh

"Tsk! Whatever!" Sabi niya at umirap. Kaya ang ginawa ko ginulo ko ang buhok niya.

"Yah! You mess my hair!" Sigaw niya Sabay pout.

"Cute mo talaga" sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

"Awwaay! Mashakiit!"

"Pwede bang mamaya na yang landian niyong dalawa. oras na para kumain" masungit na sabi ni Vince at pumasok na sa restaurant.

"Anyare dun?" tanong ko sa isang kaibigan niya.

"Jelly allert!" Sabay nilang sabi.

"Huh?" Tanong ko.

"Wala. ibig naming sabihin gutom na kami. Kain na tayo?" Sabi ni Andrei.
At sumunod nang pumasok.

Nagkibit balikat lang ako at pumasok narin.

Vince POV

Tsk! Cupcake! kadiri men, ang baduy niya! Kasing baduy ng mukha niya.

Nandito kami ngayun sa restaurant kumakain at kasama namin yung kupal na tumawag kay Ella na Cupcake. Tsk! Kadiri lang ng endearments niya kay Ella, Cupcake? Yuck! Ang baduy!

"Pakilala mo naman samin yang kasama mo Janella." Sabi ni Katie

"Ahh pasensiya na kung hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Joshua Ken Lopez best friend nitong si Ella." Pagpapakilala niya.

"Ohh. So magkababata kayo?" Sabi ni
Andrei.

Tumango lang si Ella.
Napatingin naman siya sa gawi ko Sabay iwas ng tingin. Tsk!

"Sure kayong mag best friend lang talaga kayo? Nothing special?" Tanong ni Ivan. Aba! Loko tong ogag na to ah!

"Special? Oo naman!" Nakangiting Sabi nung Ken. Napatayo naman agad ako.

"Bro. May problema ba?"tanong ni Kurt

"Bigla akong nawalan ng gana eh! Geh labas muna ako" sabi ko at umalis na sa lugar nayun.

Tsk! Yeah I admit it. Nagseselos ako! Bakit? May magagawa ba kayo?

Janella POV

"Hahaha jelly yata si Mr.Lover" natatawang sabi ni Ivan.

"Sino yun Ella? Manliligaw mo?" Tanong ni JK

"H-huh? Hindi nuh!" Sabi ko

"Hahaha eh kinamumuhian niya yun eh!" Sabi ni Katie.

"Ahh talaga? I don't think so. Mukha kasi siyang nagseselos na boyfriend" sabi pa ni JK.

"Eh manhid kasi yang isa diyan" sabi naman ni Andrei.

"Hahaha mismo!" Sabi ni JK

"Huh? Sinong manhid?" Tanong ko

"Ay naku! Nagtanong pa!" Sabay nilang sabi.

"Tsk! Ewan ko sa inyu!" Sabi ko nalang.

"Anyways. Hindi mo pa nasasagot ang tanong namin. May something special ba sa inyong dalawa ni Ella?" Tanong ulit ni Andrea.

"Hahaha oo naman special siya sakin. Para ko na nga siyang kapatid eh" sabi ni Ken at inakbayan ako.

"Ows? Talaga? Di nga!?" Pag-iintriga pa nila.

Napairap naman ako.
"Duh! May fiance na kaya yan." Sabi ko

"Huwhat? Hahaha ayos yan! May pag-asa pa si Mr.Lover natin." Sabi ni Kurt

"Ewan ko sa inyo. Labas muna ako." Sabi ko.

Nagsitawanan naman sila at kinantyawan ako. Keshyo nga raw pupuntahan ko lang si Vince. Tsk! Pero yeah! Pupuntahan ko nga siya. Hindi kasi siya kumain eh at bigla bigla nalang nag walk out. Ano kayang nangyari sa isang yun? Inataki na naman ng topak. Kahit hate na hate ko yun may pakialam naman ako sa kanya nuh. K-kasi ahh niligtas niya ako! Y-yeah t-tama dahil niligtas niya lang ako.

Nakita ko naman agad siya sa may tabing dagat nakaupo.

Tumikhim naman ako para mapansin niya ang presensiya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold niyang sabi.

Napa buntong hininga naman ako.
"Ok ka lang ba? May problema ba?" Tanong ko at tumabi sa kanya.

"Bakit ba ang manhid mo?" Sabi niya

"Huh?" Yan lang ang tanging nasagot ko.

He look frustrated.
Napasabunot naman siya sa buhok niya.

Nilingon niya ako kaya nagka eye to eye kami. I don't know why pero parang ayokong bumitaw sa mga titigan namin.

"Im falling in love with you. No!  I think I Love You" mahina ngunit malinaw na pagkasabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya
"Hey! Ceasefire muna tayo diba? Wag ka namang mang good time diyan.hindi nakakatawa yang biro mo." Sabi ko.
Kung kanina ang cold  ng expression niya ngayun naging mas cold siya.

"tingin mo nagbibiro ako?" Seryosong tanong niya.

Urgh! Nakaka frustrate siya! Hindi ako sanay na sobrang seryoso niya.
Nasanay kasi akong puro pang-aasar ang ginagawa niya.

"A-ano bang pinagsasabi mo Vince. Halika na nga pumasok na tayo dun." Sabi ko. Tatayo na sana ako nang bigla niya lang ako hilahin.

I was shocked nang bigla niya akong hinalikan. At first I was stunned pero di nagtagal nagulat nalang ako kasi I'm already responding to his kisses.

We were both panting nung inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Hindi ako nagbibiro Ella. I like you  at yun ang totoo. Sana naman paniwalaan mo ako this time" seryosong sabi niya kaya napalunok ako.

"I... I don't know what to say." Sabi ko.

Tumayo agad ako. "I... I have to go" sabi ko pa at tumakbo papalayo sa kanya.

Nalilito na ako ngayun.
I hate him nga diba? Dapat kinamumuhian ko siya. Napahawak naman ako sa labi ko. pero bakit parang hati ang nararamdaman ko. There's a part of me na gustong maniwala sa sinabi niya pero there's also doubts na baka parte din ito ng ng pranks niya.

Urrrgggh! I hate you Vince for making me crazy! Mababaliw na ako kakaisip!

"Ella. Are you ok?" Tanong ni JK
Lahat sila nakatingin lang sakin.

Umiling lang ako at tinalikuran sila.

"W-wait! Janella" narinig kong sigaw ni JK.

"Please JK. Not now, Gusto Kong mapag-isa." Sabi ko at tuluyan na ngang umalis.

Hindi ko Alam Kong san ako pupunta.
Ayokong pumunta sa room namin kasi nga diba magka roommates kami. I want to be alone right now.
Nalilito kasi ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Am I starting to like him?

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon