Chapter 19

5 0 0
                                    

Janella POV

Nandito ako ngayun sa condo ko at walang tigil kakaiyak. Bakit ba bumalik pa siya?
Masaya na ako eh!

Kriiiiiinnnng!

Nang makita ko kung sinong caller sinagot ko ito agad

"Hello Mom"

"Baby? Are you crying?"

"Mom"

"Hintayin mo ako diyan baby. Pupunta na ako diyan sa condo mo" sabi ni mom at pinatay na ang tawag.

Tiningnan ko naman ang messages kong may natanggap ba akong text galing sa kaniya, Pero wala.  May text ako galing kay mom na nakauwi na sila dito sa pinas galing France.

*Dingdong!

Dali-dali naman akong pumunta sa pintuan para buksan ang pinto. And I'm sure si mommy na yun.

"Baby what happened?" Nag-aalalang tanong ni mom. Bigla ko nalang siyang niyakap.

"Mom!"

"Sssshh..don't worry baby nandito na si mommy." Pag-aalo sakin ni mom.

"Mommy ang sakit. Nagmahal lang naman ako eh! Bakit kailangan ko pang masaktan nang ganito. Nasasaktan ako kasi nasaktan ko ang lalaking mahal na mahal ko, pero nasasaktan din ako kasi bumabalik ang dating sakit na binaon ko na dapat sa limot" umiiyak na sabi ko.

"Sssshh. Halika umupo muna tayo." Umupo naman agad kami sa sofa.

"Anak I know your hurt right now. But always remember na ang pagmamahal may kaabikat yun na sakit. Malalaman mo lang na nagmahal ka kapag nasasaktan ka. hindi naman kasi pwedeng masaya lang lagi. Trials like this will help your relationship grows stronger. Kasi pagmahal mo talaga siya, walang kahit anong bagay ang makakasira nun, even your past. Maybe nasasaktan ka ngayun kasi you and Steve has no closure. You were hurt kasi binaon mo lang sa limot ang sakit, pero kahit anong gawin mo bumabalik at bumabalik ang sakit kasi hindi niyo naitapos ng maayos ang lahat."

"Mom! Nasaktan ko si Vince. Alam ko nasaktan ko siya."

"Tahan na anak. I know Vince loves you very much at alam kong naiintindihan ka niya ngayun. Siguro binigyan ka lang niya ng space para makapa-isip isip ka."

Niyakap ko si mom nang mahigpit.

"Im sorry anak kung wala si mommy sa tabi mo nung mga panahong nasaktan ka. But anak nandito lang si mommy para sayo" sabi niya habang yakap yakap ako. "Nandito lang kami lagi nang daddy mo."

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak sa bisig ni mommy hanggang sa nakatulog ako . Iba talaga pag ang ina ang dumadamay sayo. I really feel safe and loved.

Paggising ko naabutan ko si mom na nagluluto ng pasta. Niyakap ko siya mula sa likod. "I love you mom. Alam na alam mo talaga ang food na gustong gusto ko." Sabi ko.

"Minsan na nga lang kita mapagsisilbihan. Teka, binati mo na ba ang daddy mo? He's in your living room"

"Really?" Nagmadali naman akong puntahan si Dad.

"Dad!" Sigaw ko at niyakap agad siya.

"Princess" niyakap din ako ni Dad. I'll tell you. Daddy's girl ako ever since I was young.

"I miss you daddy"

"I miss you too princess. Your mom told me about you and Vince." Sabi ni dad. Tiningnan ko si Dad. Nangingilid na naman ang luha ko pero pinipigilan ko lang. "Its ok to cry princess, nandito lang si daddy" sabi niya kaya naiyak na ako. Ilang balde nang luha na ba ang naiyak ko?

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon