Chapter 21

3 0 0
                                    

Vince POV

"Mom I have to go!" Sabi ko kay mom.

"hindi ka ba talaga magpapaalam kay Ella?" Tanong ni mom.

"Its ok mom."

"Are you sure?" Paninigurado niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Mag-ingat ka dun Vince. Ikaw nalang mag-isa dun. Alam mo namang kailangan pa kami dito dahil sa pag merged ng kompanya natin at nang Villaflore."

"Don't worry mom. I'll be fine there. Sanay na naman ako eh." Sabi ko.

"Oh son! I'm gonna miss you." Sabi ni mom.

"Im gonna miss you too mom." Niyakap ko naman siya.
"Mom? Don't forget.."

"Yes son. Wag kang mag-alala, ibibigay ko to sa kaniya"

"I have to go mom. Ingat kayo. Dad!" Pagpapaalam ko. Tumango lang si Dad sakin. Bago ako pumasok sa Check-in area. Kumaway muna ako kina mom at dad.

Beeeep!

Binasa ko naman agad ang message.

"Vince, pwede ba tayong magkita?"
Gusto kong magreply at puntahan siya. Pero I already know kong anong gusto niyang sabihin. Pumili na siya and I think thats enough reason para hayaan ko na siyang maging masaya.
Mahal na mahal ko siya, Pero kahit masakit. I need to accept na pinili  niya ang past niya keysa sakin.
Ano namang halaga ko sa kaniya?
Kunting panahon lang naman kaming nagkasama.

I off my phone kasi papasok narin ako sa plane.

I will surely miss her.
Sana pagbalik ko dito ok siya, ok kami.

Jillian POV

Para naman akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib dahil sa closure na ginawa namin ni Steve.
Ngayun isa nalang ang poproblemahin ko. Yun ay ang ayusin ang saaming dalawa ni Vince.
God knows how much I miss him.

"Good morning mom, dad" bati sa kanila.

"Oh baby, masaya ka yata ngayun? Ok ka na ba?" Tanong ni mommy.

"Nag-usap na po kami ni Steve. And we already make our closure. Ang sarap po pala sa pakiramdam kapag nailabas mo na lahat ng sakit at nakapagbigay ka nang kapatawaran." Sabi ko.

"I'm happy for you baby. Pano si Vince" tanong ni mom.

"I'll talk to him later. Ngayong wala nang Steve. Magiging panatag na ako" sabi ko.

"Sige na baby girl ko. Mag breakfast ka na" sabi ni mom

"Mommy masyado mo naman yatang bini-baby ang princess natin." Sabi ni dad.

"Eh ikaw mga masyado mo pini-princess" sabi naman ni mom. Kaya natawa ako.

"I'm always your baby and princess mom, dad" sabi ko kaya natawa narin sila.

Pagkatapos kong magbreakfast naghanda na ako para puntahan si Vince sa bahay nila.

*****

Pagdating ko sa bahay nila Vince. Agad akong binati nina manong guard.

"Good morning ma'am"

"Good morning" I greeted back.

Nang makapagpark na ako agad akong nagtungo sa luob ng bahay.

"Nandiyan si Vince?"
Tanong ko sa maid nila.

"Naku ma'am kanina pa umalis."

"Ganun ba? Hintayin ko nalang siya" sabi ko at umupo sa sofa.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon