Chapter 17

4 0 0
                                    


Paggising ko sobrang sakit ng katawan ko lalong lalo na ang ibabang parte. Ginawa ba talaga namin yun? Bigla akong namula nang maalala ko ang ginawa namin kagabi. Urgh! Hindi iyon panaginip totoo talaga yun.Nakita ko naman si Vince sa may pintuan na may dala-dalang tray na may lamang breakfast.

"Good morning babe, breakfast in bed?" Maaliwalas ngayun ang mukha niya at fresh na fresh. Grabe di man lang niya ako ginising, mukhang nakaligo narin siya, nahiya tuloy ako.
"Di na kita ginising mukhang pagod na pagod ka eh" nakangising sabi niya.

"Ano ba! Wag ka ngang ngumisi diyan" nakapout kong sabi.
Inilapag niya ang tray sa side table at aakmang hahalikan ako sa labi pero agad kong tinakpan iyon gamit ang kamay ko. "Hindi pa ako nagtotooth brush" pabulong kong sabi. Ngumisi lang siya at marahang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mukha ko, binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi. "Mmm ang sarap na good morning kiss nun!" Nakangiti niyang sabi. Hinapas ko siya sa dibdib pero ako yata ang nasaktan. "Kain ka na my princess" sabi niya. "Thank you nga pala babe kagabi" seryosong sabi niya kaya halos mabilaokan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya bumuhalakhak siya. "Ang sarap pala sa feeling na sinisigaw mo ang pangalan ko" nakangisi niyang sabi.
Hinampas ko siya sa braso. "Ang manyak mo!" Sigaw ko. "Bakit? Sayo lang naman ako nagkakaganito eh" natatawang sabi niya.

"I HATE YOU!" sigaw ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. Hinapit niya ako sa beywang at mariing hinalikan.
"Isang I Hate You,Isang halik haha I like that idea, pabor na pabor saakin yun" sabi niya at kinidatan ako. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Madaya ka!" Sigaw ko dahilan para humalakhak siya ng tawa. "Tsk! Mabulunan ka sana sa sarili mong laway." Tumayo na ako at nagtungo sa banyo.

"Babe! I'm just teasing you hahaha"

"Tseh! Mukha mo!" Sigaw ko sa luob ng banyo. Kainis! Nakakarami na siya sakin. Narinig ko lang siya sa labas na walang tigil kakatawa. "Pikunin talaga ng girlfriend ko" sigaw niya sa labas kaya napairap nalang ako. pagkatapos kong maligo agad akong nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Vince sa sala na seryosong nakaupo sa sofa. feeling ko talaga may hindi siya sinasabi sakin. 
"Babe!" Tawag ko sakanya. Nilingon niya ako at nginitian. "Date tayo?" Biglang sabi niya. "Huh?" Ano namang pumasok sa isip nito't naisipang magyaya ng date. "Tsk! Tara na!" Sabi niya at hinila ako palabas ng yunit ko.

******

"Aahh madaya! Ayoko na nito!" Sigaw ko. Kanina ko pa kasi gustong kunin tong spongebob na stuffed toy gamit ang isang machine na may hook. At ito namang si Vince walang ibang ginawa kundi ang tawana ako.
"Ano ba! Nakakainis ka na huh!" Sigaw ko. "Hahaha ang ganda mo lalo kapag naiinis!" Bulong niya sa tenga ko. "Masaya ka na niyan?!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Yeah hahaha" sarap kutusan nito. Kung di ko lang to mahal kanina ko na to binatukan.
"I hate you!" Sigaw ko. Bigla niya naman akong hinalikan sa harap ng maraming tao "I told you, isang I hate you kapalit ng isang halik" nakangising sabi niya kaya namula ako. "Just watch your handsome boyfriend babe" sabi niya at kinidatan ako pero inirapan ko lang siya. Siya naman ngayon ang naglaro nung machine. Ang daya lang kasi nakuha niya agad yung stuffed toy.
"For my beautiful Girlfriend" sabi niya at inabot sakin ang spongebob na stuffed toy. "Thank you babe" masayang sabi ko sakanya. "Anything for you babe" sabi niya. May naisip naman ako bigla. "Halika puntahan natin yung favorite kong ice cream parlor" pag-aaya ko. "Ok" nakangiting sabi niya at inakbayan ako. "Wag ka ngang ngumiti. Para kang tanga!" Sabi ko. Nakakainis kasi pinagtitinginan siya ng mga babae na napapadaan dito sa luob ng mall. Tsk! Ang sarap sigawan ng 'Hey! Nandito ang girlfriend oh' tsk! Kainis!

"Wag ka ngang magselos babe, para sayo lang naman tong ngiti ko eh!" Bulong niya sa tenga ko dahilan ng pamumula ko. "Yung girlfriend ko nagseselos! Hahaha mahal ko po siya!" Sigaw niya. Urgh! Parang tanga eh! "Mmp! Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko at mabilis na naglakad. Nakayuko lang ako feeling ko kasi sobrang pula ng mukha ko. May ilan ilan akong nababangga pero iniinda ko lang iyo. Hanggang sa nabangga ako sa isang matigas na dibdib dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig.
"Ouch! Ang sakit!" Napasama yata ang bagsak ng pwetan ko.
"Sorry Miss. Are you ok?" Bigla nalang akong nanigas. That voice! Bakit parang familiar? Iniling-iling ko ang ulo ko. Hindi maaari! Tumingala ako ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig! "Ella?" Halatang nagulat din siya na nagkita kami.
"S-steve!" Bulong ko.

"Babe! Are you ok?" Lumapit naman kaagad si Vince saakin. "Halika tumayo ka na diyan!" Hinawakan ni Steve ang kaliwang braso ko habang si Vince naman hawak ang Kanang braso ko. "Let go dude, ako na bahala sa girlfriend ko" sabi ni Vince. "Girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Steve. "Yeah! Do you have problem with that" sabi ni Vince at masamang tinitigan si Steve. "B-babe, tara na! Punta na tayo dun sa ice cream parlor" pag-aaya ko. Hinila ko na si Vince papalayo kay Steve. Kailan pa siya nakauwi ng pilipinas at bakit mag-isa lang siya ngayon?

"Babe! Babe?" Nabalik naman ako sa katinuan nang tawagin ako ni Vince.
"are you ok? Kanina mo pa tinititigan yang ice cream mo, baka matunaw yan." Pagbibiro niya. "Huh? Ayos lang ako! Medyo sumama ang pakiramdam ko eh! Punta muna akong banyo" sabi ko.

Bakit ako nagkakaganito?
Affected pa ba ako kay Steve? Hindi! Hindi pwede yun! May bago na akong mahal diba? Bakit feeling ko affected parin ako. Wala kaming closure o kahit pag-uusap man lang nung umalis siya. Siguro kaya ako nagkakaganito dahil kahit papano may pinagsamahan din naman kami.
Pero bakit parang may kong anong pinapahiwatid ang mga mata niya kanina. Nung natitigan ko ito sandali.
Kung hindi ako nagkakamali, puno ito nang pananabik,takot,at pagmamahal? Akala ko ba ikinasal na siya kay Jillian? Bakit hindi sila magkasama? Ang dami kong gustong itanong. Gusto ko ring itanong kung bakit niya ako nagawang iwan nuon, at kung bakit niya ako pinagmukhang tanga nung mga panahong umasa akong babalikan niya ako.

"Ano ba Janella! Wag mo na siyang isipin! Its just a coincidence, tandaan mo! May Vince ka na!" Para akong tangang kinakausap ang sarili sa salamin.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon