Chapter 8

8 0 0
                                    

Vince POV

Yakap-yakap ko ngayun si Ella.
Binibigyan ko kasi siya ng body heat
Pero putek! ako ang nahihirapan sa lagay namin dito eh. Ang hirap kayang magpigil.

Bigla naman siyang gumalaw kaya mas lalong nahihirapan akong magcontrol. I growled.
"P-please don't make it hard for me. Wag kang malikot." Sabi ko. Pero sadyang matigas lang talaga ang ulo niya at sumandal pa sa dibdib ko kaya mas lalo akong nahihirapan.
"Pasalamat ka talaga gusto kita kaya di kita kayang pagsamantalahan" mahinang bulong ko. Buti nalang at  nakatulog na siya. Napangiti naman ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ang sariling makatulog.

Paggising ko tulog parin si Ella at ganun parin ang posisyon namin.
Masakit ang katawan ko pero I choose to endure the pain. Worth it naman kasi nakayakap ko ang taong gusto ko. Oo na! Tsk! Ayan huh! Sinabi ko nang gusto ko si Ella. Di ko alam kong kailan to nagsimula . Pero isa lang ang masisiguro ko, Yun ay gusto ko talaga siya.

Gumalaw naman siya ng bahagya. Mukhang gising na siya.

Tumingin naman siya sakin. I smiled at her and I saw blushed. Cute ^__^
Tumayo naman siya at humiwalay sakin.

"Kumusta ang tulog mo?" Tanong ko
Pero hindi niya ako sinagot

"Hey! umm Ella I-im sorry. I know this past days hindi maganda ang simula natin. Pero pwede bang ceasefire muna  tayo ngayun? Tigilan muna natin ang world war sa pagitan nating dalawa. Just, just until ate Marielle and Kuya Christian's wedding  " sabi ko

"Ahh o-ok lang naman sakin. Im sorry too. I know I acted like a brat this days. Haays! Ok let's have break muna. but I will just do it for Kuya and ate Marielle" sabi niya

I smiled at her.

"T-tara na nga! Baka nag-aalala na yung mga yun satin" sabi niya at sinuot ulit ang damit niya kaya I do the same thing.

Janella POV

Paglabas namin ng kweba medyo lumiliwanag na ang paligid.
Inaalalayan parin ako ni Vince sa paglakad. Masakit parin kasi ang paa ko.

"Alam mo ba yung daan pabalik dun?" Tanong ko

"Ahh oo medyo naalala ko pa." Sagot naman niya.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko ulit.

"Tsk!" Yan lang sabi niya at umupo sa harapan ko.

"Oh? Bat ka tumigil? Don't tell me Tatae ka diyan?" Sabi ko

"Silly. Ride on my back" sabi niya
Kaya ginawa ko naman ang sinabi niya. Kaya here I am now. Having a piggy-back ride to my no.1 most hated person, pero diba nga ceasefire muna kami ngayun? Kaya Ella wag nang magsungit.

Pagdating namin lahat sila alalang-alala samin. Buti nalang talaga at magaling ang memory ni Vince sa pag-alala ng mga directions. kaya nakarating agad kami. Good thing at kasama ko siya, kasi I'm not good at directions lalo na sa pagmememorize.

"Oh my! Ella! What happened to you?" Nag-aalalang tanong sakin ni Ate Marielle

"Minor accident lang po" sabi ko

"Minor accident? Eh halos hindi ka nga makalakad eh." Sabi ni Kuya

"Kuya, I'm fine. Besides tinulungan naman ako ni Vince" sabi ko.
Napatingin naman silang lahat Kay Vince.

"A-ano ba kasing nangyari? bakit bigla nalang kayong nawala?"- Kuya Christian

"Hahaha Alam mo na Kuya Christian. Eh ano bang ginagawa pag malamig? Edi nagpapainit. Hahaha Baka may ginawang hindi kaaya-aya yang si Vince dito kay Ella. Kilala pa naman yang matinik sa chiks." Sabi ni Ivan pero sinamaan lang siya ng tingin ni Vince.

"ANO? Ella! Kung may tinatago kayong feelings sa isat-isa sabihin niyo na, hindi yung gagawa kayo ng mga bagay na dapat ginagawa lang ng mag-asawa. Kami nga ng ate Marielle mo hindi pa namin ginagawa yun. Pero kayo? Isang gabi lang? Ginawa niyo na?" Pasigaw na sabi ni Kuya

"Kuya naman! Ako bang iniisip mo? Kaya lang naman kami magkasama ni Vince kasi tinulungan niya ako. Naligaw kasi ako at akala ko hindi na ako makakaalis sa gubat na yun. Nahulog kasi ako sa malaking bato nung kumukuha ako ng pictures kaya napilayan ako tapos bigla nalang kaming naabutan ng malakas na ulan kaya we decided to stay dun sa cave na nakita namin."mahabang paliwanag ko.

"Ahh ganun ba? Hehehe akala ko kung ano na" relieved na sabi ni Kuya

"By the way Kuya Christian. Totoo ba yung sinabi mong hindi niyo pa nagagawa yun ni Ate? Tsk! Ang bagal mo naman yata" sabi ni Vince. Bigla namang namula sina Kuya Christian at Ate Marielle hahaha ang cute nilang tingnan.

"A-ano ba! Kung ano-anong tinatanong nito eh! Teka! Nagkaruon yata ng himala at hindi kayo nag-aasarang dalawa." Pag-iiba ng topic ni Ate Marielle.

Nagkibit balikat lang si Vince kaya tumahimik nalang di ako.

"May hindi yata kami Alam dito ah" sabi ni Andrei

"Nagkaaminan na ba kayo?" Tanong ni Ivan

"Huh? Ano bang pinagsasabi niyo? Ceasefire muna kami ngayun kaya time-out muna" sabi ko

"Tsk! Sayang! Akala namin nagkaaminan na. Hahaha" sabi ni Kurt

"Tsk! Ewan ko sa inyo! mga baliw.!" Sabi ko at nag walk out.

Marielle POV

"Bye-bye! Salamat sa inyong lahat." Paalam ko sa mga taong nakatira sa isla. Kumaway naman sila.

Pabalik na kasi kami ngayun sa hotel.
I surely will not forget this beautiful place. Inakbayan naman ako ni Christian

"Babe, pansin mo ba yung tinginan ng dalawa?" Tanong niya kaya bigla nalang akong napatingin sa gawi nina Ella at Vince.

"I think,gusto nila ang isat-isa pero tinatago lang nila. I can see it from their eyes. May spark silang dalawa. Ganyang ganyan din tayo dati eh. Diba babe?" Sabi ko

"Yeah! Pero magkaiba tayo ng sitwasyon. Tayo kasi, from the start magkasundong magkasundo tayo, pero sila, unang kita palang nagkarun na ng world war sa pagitan ng dalawa" sabi niya kaya natawa ako.

"Your right. Kung may magagawa lang sana talaga tayo para mailabas ng dalawa ang mga tinatago nilang feelings" sabi ko

"Hayaan na muna natin sila. Ang magagawa lang natin ay ang suportahan sila." Sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya.
Tama! I know Vince will make a good choice. And I know he'll choose to confess his feelings to Ella. And I'm looking forward with it. ^___^.

Janella POV

Spell AWKWARD!
Yan ang nararamdaman ko ngayun.
Kasi naman naiilang ako sa mga patingin-tingin ni Vince sakin. Pag tinitingnan ko naman siya pabalik umiiwas siya ng tingin. Haays.! Naisip Kong mas mabuti pa pala yung lagi siyang nang-aasar sakin kaysa sa lagi siyang tahimik at nakatitig lang sakin. Hindi ako sanay eh! kung ano-ano na ang naiisip ko.

Napabalik naman ako sa huwisyo ko nang tawagin ako ni Andrea.

"Janella. Nandito na tayo.hindi ka pa ba bababa?" Tanong niya.

"A-ahh oo" sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Pero laking gulat ko ng alalayan ulit ako ni Vince pababa ng bangka.

Pagdating namin ng entrance ng Hotel nakita ko naman sina mommy.

"Kuya akala ko ba sa wedding pa sila uuwi?"

"Nabalitaan kasi nilng nawawala ka sa island kaya nagmadali silang umuwi." Sabi ni Kuya

Tumango naman ako.

"Baby, are you ok?" Nag-aalalang tanong ni mommy

"I'm fine mom" sabi ko.

"Are you sure?" Narining Kong may biglang nagtanong sa may likod ko
Kaya napalingon ako

"Ommo! Josh? Kyaaaah! I miss you " sigaw ko niyakap niya naman ako kaagad at hinalikan sa pisngi.

"I miss you too cupcake" nakangiti niyang sabi.

LOVE or HATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon