Paglabas ko ng comfort room bumalik na agad ako kay Vince.
"Tara na babe? Nuod nalang tayo ng cine" pag-aaya ko. Tumango lang siya at umakbay sakin."Sure kang ok ka lang? Kanina ka pa lutang eh" sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti. Siguro naman hindi ko na siya makikita ulit.
***
Kasalukuyang pumilila ngayun si Vince para bumili ng ticket habang ako naghihintay lang sa kaniya dito sa corner. Ayoko kasing pumila eh. Hindi mahaba ang patience ko.
Habang naghihitay may biglang humila sakin."Ano ba Mister! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko. "VINCE!" Kahit anong pagpupulmigas ko hindi talaga ako makawala sa pagkakahawak nitong lalaking biglang humila sakin. Di ko marecognize ang mukha niya kasi nakasuot siya ng sumbrero. Dinala niya ako sa lugar kung saan wala masyadong tao. Nung tinanggal niya na ang suot niyang sumbrero dun ko lang siya nakilala.
"Steve?" Nagulat talaga ako. Bakit ba ang liit ng mundo para saming dalawa. Bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit kaya nagulat ako.
Litong-lito ako ngayun.
Bakit pa ba siya bumalik dito?"I miss you Ella" halos pumiyok na siya nung sinabi niya yan. Napansin ko rin ang pagtaas baba ng balikat niya. Umiiyak ba siya? Bakit? Akala ko ba masaya na siya? Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya papalayo sakin pero mas malakas siya kaya nanatili parin siyang nakayakap sakin.
"Steve please! Let me go" sabi ko.
"No! I won't let you go!" Sabi niya.
Tinulak ko siya ng malakas kaya napahiwalay siya sakin."You have the guts to tell me that? Ikaw ang nang-iwan Steve. Ikaw tong nagpakasal sa best friend mo! Tapos sasabihin mo saking you can't let me go?! What the hell!" Sigaw ko.
"I have no choice. Yung pagpunta ko sa ibang bansa kagustuhan ni daddy yun. At yung pagpapakasal kay Jillian? fix marriage lang yun! Nalaman kong matagal na pala akong mahal ni Jillian, pumayag akong magpakasal sa kaniya kasi iyon ang huling hiling niya sakin bago siya mamatay, she has brain cancer that time. I swear to god Ella! Ikaw lang tanging minahal ko, please Ella, bumalik ka na sa akin. I love you" sabi niya.
"You love me? Wow!" Natawa ako sa sinabi niya. "Sana naisip mo yan bago mo ako iniwan. Wasak na wasak ako nung mga panahong yun! Pinaniwala mo ako sa pangako mong hindi mo ako iiwan, pinaniwala mo ako sa pangako mong ipaglalaban mo ako sa daddy mo." Umiiyak narin pala ako.
"I'm sorry, I'm really sorry Ella kung Hindi ko natupad ang mga pangako ko sayo. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong tuparin iyon. Just give me one more chance. Just one" sabi niya.
"No! Tama na Steve" halos pumiyok narin ang boses ko.
"Please Ella, I'm begging you" sabi niya at lumuhod kaya napatakip nalang ako ng bibig. Akala ko hindi na ako affected sa kaniya. Yung sakit na matagal ko nang binaon sa limot bumalik lang lahat.
"Alam kong may kunting puwang pa ako diyan sa puso mo." Sabi niya.
"Hindi na kita mahal! May iba na akong mahal. " Sabi ko.
"No! Hindi ako naniniwala. Yung favorite ice cream parlor natin? Kung wala na talaga akong puwang diyan sa puso mo bakit pumupunta ka parin dun?" Sabi niya kaya natahimik ako. "See you can't even answer my question. Please Ella, im begging you Bumalik ka na sakin. Ibalik natin yung dating tayo."
"Wag mo na akong guluhin Steve, please lang" tatalikuran ko na sana siya kaso bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"Bitawan mo ako Steve, please tama na. Palayain na natin ang sarili natin" sabi ko at marahan siyang tinutulak.
Bakit ako naapektuhan? Siguro dahil may pinagsamahan din naman kami.
BINABASA MO ANG
LOVE or HATE?
Teen Fiction~Janella~ Do I Hate him? Or Do I Love him? That's the question that I keep on asking. but, I can't find answers. I hate him for being a Jerk. But I love him for being him.. I'm confused and afraid of falling...