[10] Drake

1K 27 0
                                        

Chapter 10

"Good morning sa inyong lahat!" isinigaw ko nung nakababa ako sa kotse ni Hubby. Napatingin naman sa akin yung ibang tao sa parking lot, nakakahiya! Ibinaon ko yung ulo ko sa kili kili ni Hubby para magtago.

Nagusap kami ni Hubby habang papunta kami sa university na wag sabihin ang nangyari kanina sa kahit sino. I agreed to him.

"Hoy bakit dyan ka pa nagtatago sa kili kili?" natatawang tanong ni Kayla sa akin. Wala naman akong ibang matataguan ah? Alangan namang sa puwet ni Hubby baka magalit sya. Rinig ko pa rin yung tawa ni Kayla at pati sina Kent natatawa narin.

"Titigil kayo o titigil?" I asked habang nakataas yung kilay ko. Kita ko naman yung pagtigil nila Kent, napa 'hmp' na lang ako at nagsimula ng maglakad. God, I looked like a brat there. Haha, nakakatawa kapag sila yung natatakot sa akin akala naman kasi sila nangangagat ako.

"Goodmorning classmates!" Nag goodmorning din sila pabalik sa akin. Nakita ko sina Red sa inuupuan nila, mabilis akong pumunta dun. Nahila ko rin si Hubby since nakahawak kamay ko sya.

"Goodmorning Red! Goodmorning David! Goodmorning Brent! Goodmorning Drake!" I greeted them with my brightest smile as possible.

Halata namang nagulat sila, ganito na sila palagi nung nalaman nila kung sino ako. Nung nalaman nila na si 'Princess Killer' ako.  "Goodmorning din." ngumiti na lang ako nung mag goodmorning sina Red at David.

Tumango na lang sina Brent at Drake. Napanguso ako dahil hindi sila bumati sa akin. Kumawit ako sa braso ni Hubby at umupo na kasama sya. "Hubby, gusto mo date tayo mamaya after school? Miss ko na yung mga date natin." humarap ako kay Hubby.

Nakita ko naman na ngumiti sya, yung sobrang ganda na ngiti. Napahagikhik naman yung mga babae sa kabilang row. Napalingon ako at nag death glare sa kanila. "Anong tinatawa nyo? Sino ang tinitingnan nyo." kita kong nanlaki yung mata nila at nagiwas ng tingin.

Napangunot yung noo ko nung tumawa si Hubby sa tabihan ko.

"Nagseselos rin pala ang Wifey ko." ngumiti na lang ako sa kanya. Dumating narin yung teacher namin kaya nakinig na lang ako. Nagattendance at saka nagsimula na yung klase.

Muntik na akong mapatawa nung nakita kong nahuhulog na yung ulo ni Red dahil sa kaboringan pero tinigil ko yun. Lumapit ako ng kaunti at saka bumulong. "Mwaaahahahahahha."

Nagstraight face ako at nagpretend na nakikinig sa teacher. Sobrang tahimik ng classroom at nung sumigaw si Red yung attention nasa kanya talaga. "Putangina! Sino yun? May multo! May multo! "

I bit my lower lip para pigilan yung pagtawa ko. Kung makikita mo ako sa likod, siguro tumataas baba na yung balikat ko. Kita ko naman na nagtaas ng tingin si Hubby na mukhang inaantok.

"Mr. Red, what's happening?" nagtaas ng kilay si Ma'am at napakamot naman ng ulo si Red. Nagsorry sya at nagpatuloy na yung klase. "I forgot. Uhm let me see. Mr. Drake and Ms. Prada Can you both do me a favor? I forgot  the pile of handouts in my office can you get it please?" naghalingkwat si Ma'am ng list of names at saka pinili ako at si Drake. 

Ramdam ko naman yung paghigpit nung kamay ni Hubby sa kamay ko. Napatingin ako sa mata nya.

"Kuhanin ko lang hubby ha! Wait here!" I said sabay tayo. Hindi ko naman matinginan si Hubby dahil alam kong ayaw nya kay Drake base sa tingininan nila. I kept walking until may humawak sa kamay ko. Eh? Si Hubby.

"Hubby, bakit ka nakatayo?" I asked so curious dahil nagulat rin nakita ko na lang sya bigla na nakasunod sa akin. Itinaas nya yung kilay nya at nagiwas ng tingin.

"Mr. Tan, why are you standing? As far as I know I called Mr. Drake and not you." tiningnan naman ng masama ni Hubby yung teacher kita ko naman ang panginginig nung kamay nya.

Hinampas ko ng malakas ang likod ni Nicolo na nagpayuko sa kanya. Tiningnan nya ako ng masama at inalis ang kamay sa kamay ko para hilutin ang likod nya. 'Bakit ang rude mo?' bulong ko.

Umuna na akong umalis at sinundan si Drake na kanina pang naghihintay sa labas. Nagsorry ako nung mukhang sobrang inis na sya.

Nung nakarating kami sa office hinanap ko yung table ng teacher namin. Nung nahanap ko kinuha ko yung handouts na naruon. Nagulat ako ng kinuha lahat ni Drake iyon. May kataasan ang mga papel kaya hinabol ko sya at kinuha ang iba duon. "Can you just not?" napatigil ako.

"I'm a guy and I'm suppose to do this."

Tumahimik na lang ako at sumabay sa paglalakad nya. "Hey Drake, I have a question." lumingon sya sa akin at tumango. "Ano ang pangalan ng gang nyo?" napatigil sya sandali pero nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"I'm not telling. It's a strict rule in our gang to not tell anyone." napanguso ako at binuksan ang pintuan ng classroom para sa kanya. hmp, ang sungit. Dumaretso ako sa tabi ni Hubby na masama ang tingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at nakinig na lang sa teacher.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Leader?" tanong ni Kent habang papunta kami sa next block namin. Magkahiwalay kaming naglakad ni Hubby. Nafefeel ko kasi na galit sya sa akin. Kaya umiwas muna ako sandali.

"Wala yun. Nagalit ata dahil sa kanina." nginitian ko si Kent.

Napabuntong hininga ako. Isa na naman ba itong away? Pangalawa na ito this week. At may plano pa kaming magdate mamaya. I bit my lip. What do I do?

"Hey hubby." tawag ko sa kanya nung nakaupo na kami sa next block namin. Patuloy pa rin yung titig nya sa white board sa unahan. Tinawag ko ulit sya pero ganito pa rin.

Nagulat ako ng kinulbit ako ni Kent sa balikat ko. May ibinigay syang papel sa akin. 'Nagselos lang si Leader kanina. Pagselosin mo pa ulit, lumapit ka kay Drake at kausapin mo ng kahit na ano.' nakasulat duon. Ngumiti ako at nagpasalamat kay Kent.

Tumayo ako na nagpatingin kay Hubby. Mukhang gusto kong magback out. Tumingin ako kay Kent na tuloy ang pagcheer sa akin. Ngumiti ako ng pabalang at tumingin sa direksyon ni Drake. Nagsimula akong maglakad papunta sa direction nya.

"Uhm, Drake, pwede bang apir tayo?" ang awkward! Tumingin sya sa akin ng normal at itinaas ang kamay nya. Magaapir na sana nya nung bigla tumaas ang katawan ko.

Mukhang gone wrong ata ang idea ni Kent.

The Married Billionaire | fin.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon