[26] Very Bottom

662 16 0
                                    

Chapter 26

"Can I get one tequila? Princess Killer." pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko dali daling ginawa ng bartender ang drink ko.  Lagi namang ganito, kapag may pera or rank you are the privilege.

It's been one week since my Hubby got separated from me. That night sa bahay ng Skilled Demotic Girls ako tumulog habang umaalis si Hubby sa bahay. I can't see him anymore that night sinabi nya sa akin na may sumusunod sa kanya. At ngayon bumalik na sa dati ang paligid ko. Pero palagi kong hinahanap si Hubby.

Tuwing gabi, palagi akong umiiyak habang nakahiga sa kama niya. Inaamoy ko yung bedsheet nya. Paggising ko balik naman sa normal.

Si Kuya Bryan ang nagbigay sa amin ng advice na ijoin ang gang sa Poison Gang pagkatapos ialis ang gang ni Hubby. Hindi nya papayagan na ituloy ang pagoperate ng gang ko kapag hindi iyun ginawa. It seems like he trust these 4 guys. At mukhang naging weakling na rin ako. Ang hina ng suntok ko.

"Another restless night? I'm guessing?" napatingin ako kay Drake ng umupo sya sa aking tabihan. Ngayon ang reveal night ng mukha ng Poison Gang. Napakaexcited ng lahat dito sa loob ng arena. Kilala ko na rin naman ang nasa ilalim ng mask na ito.

Tumango ako sa direksyon nya. Puno ng isip ko si Hubby, wala akong balita sa kanya. Kung nasaan ba sya or saang bansa sya pumunta.

And, worse wala akong lead kung ano ang sisimulan ko para makaganti sa likod ng lahat na ito. Actually meron pala, either Serpiente Rosa Gang o Tan Clan. Pero mahirap kapag umatake ako sa isang side pero mali pala. Makakagawa lang ng malaking gulo. We're trying our best to be safe.

"Let's not talk about me Drake, ikaw ba? Excited? I was really excited nung nagpakilala ako sa harap ng school. Well para naman sa revenge kaya wala akong pakealam."

Kinuha ko yung tequila at ininom. Kita kong nagorder na rin si Drake ng drink. "I'm worried kasi baka magiba ang turing nila sa amin sa school." Ngumiti ako at tumayo. Narinig ko kasi na nagsalita na si Brent sa mike.

Lumabas ako ng bar at nagsenti. Kinuha ko ang cellphone ko at headphones bago nagsimulang nagpatugtog in full volume. Inooccupied ko ang sarili ko ng musika. At this moment ito lamang ang tanging pagtakas sa katotohanan.

Yung katotohan na wala akong kabalita balita tungkol sa lalaking mahal ko. Parang ngayon nafefeel ko na dapat pala nagbreak na kami. Pero magpapakatatag ako dahil ito ang ginusto ko. Kahit anong mangyari mahal na mahal kita Hubby. Palagi.

     Pumasok ako kinabukasan kasama ang Poison Gang. Pagkatapak pa lang nila sa paaralan sila na ang pinatitinginan kaya kumaway ako sa kanila at tumakas. Nagkukumpulan na ang mga students dito. Nung nakadating ako sa classroom pahingal hingal pa ako. Napailing ako at naggoodmorning sa mga kaklase ko.

Pagkaupo ko sa tabihan ni Kayla tumingin sya sa akin na parang naluluka na ako. Nginisian ko sya, "What?"

"Hay naku salamat naman at dumating na ang totoong Leader namin." napatingin ako sa kanya at dinilatan. Palagi kasi akong tulala o kaya iiyak na lang bigla bigla. I'm not moving on but I'm making myself better para kapag bumalik si Hubby sa akin. Hindi sya magiging disappointed.

Nung lunch, halos hinakot ko na ang lahat na pwede kong kainin dito. Sa gutom ko wala na akong pakealam sa mga tao sa paligid ko. Kakain ako.

"Leader, don't tell me meron kana?" pinanlakihan ko sya ng mata kasi magkakasama kami sa upuan ng Poison Gang. Baka maging uncomfortable sila.

"Wala, gutom lang ako. Aba parang hindi mo ako kilala talagang malaki akong kumain," kita ko ang titig nina Red sa akin, "Ah kain lang kayo ng kain. Don't mind me." pinagpatuloy ko ang paglamon. Hanggang natapos ako.

Napailingon ako sa entrance ng cafeteria ng nagsigawan bigla ang mga babae dito. Nanlaki ang mata ko at napatago sa ilalim ng table. Nandun si Black, fvck!

May atraso ako kay Black dahil sa kahapon. I promised him na sasama ako at magaamusement park kami pero biglaan ang plano na magreveal ng faces ang Poison Gang kaya hindi ako nakasama. Alam ko pa naman kung paano magalit yun. Hinampas ko sa binti si Kayla at nagshush. Tumango sya sa akin. "Black! Nandito si Leader!"

Napatayo ako ng biglaan nanagcause para mauntog ang ulo ko. Umalis ako sa ilalim at hinimas ang ulo ko. Tumingin ako kay Kayla at sinapok sya sa ulo. Nginiwian ko sya at tumingin kay Black na nasa unahan na pala namin. "Hi Black! Long time no see!"

"Yeah of course hindi tayo nagkita. First of all, I asked you out and you said yes kasi it's been days since I've seen you at ngayon naman hindi ka sumama. So yeah long time no s-" sinapakan ko ang bibig nya ng tira kong french fries. Aba pasalamat sya pagkain ang inilagay ko at hindi supot. Nginisian ko sya.

"Babawi talaga ako, what about later?" hinintay ko ang sagot nya. Umiling sya at umupo sa tabihan ko.

"Hindi ako pwede ngayon kaya bukas? Saturday naman at hindi ka aangal. Merong~" at nagbelat sa akin. Aambahan ko na sana sya ng hinawakan nya ang ulo ko. Napangiwi ako, nandun parin yung sakit. Pero tinitigan ko si Kayla ng masama ng tumawa sya.

"See you tomorrow. Ako ang nauna kaya ako ang kasama mo bukas." kita ko ang pagtitig nya kina Drake. Napatawa naman ako at hinampas sya sa balikat. Pinaalis ko na sya. "Bye bibi."

Nung nakaalis si Black pinagpatuloy ko ang tira kong pagkain. At nuong natapos tumayo ako at itinapon ang mga supot. Habang naglalagay ako ng sanitizer sa kamay my eyes caught something. Magaling parin ang paningin ko. Huli ka.

I thought you transferred? Why are you back Lovely?

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon