[1] Not a Real Marriage?

5.7K 78 2
                                        

Chapter 1

"Handa ka na ba, Leader?" sabi ng 'bridesmaid' kong si Kayla.

"Kinakabahan ako kahit hindi to totoo," tama ang narinig nyo. Ang kasal namin ni Nicolo is not the real marriage yet. Sabi ko kasi 'Tsaka na tayo magpakasal kapag nakatapos na tayo ng college.' so dahil sa pangungulit nya. Sabi nya, 'Pero pakasal tayo, kahit hindi sa pari.'

Gulong gulo ako nung araw na yun pero ipinaliwanag nya sa akin na, 'Si Kent ang pari natin'. Sino ba ang hindi maguguluhan dun at matatawa na rin at the same time. Tawang tawa ako nung araw na yun pero sumangayon na rin ako.

"Huwag kang kabahan, tsaka ka kabahan kapag totoo nyo nang kasal," nan-nod ako sa kanya at tumingin sa salamin. Nakasuot ako ng cocktail dress, sabi kasi ni Kayla wag daw muna ako mag long dress, isave daw para sa real wedding.

"At wag kang mag alala dahil maganda ka," napangiti kaming dalawa at nagtawanan. Pumasok naman sina Gail at Ann sa kwarto.

"Kailangan na kami sa baba, Leader. Wag ka magalala pupuntahan ka ni Kuya Bryan at Ate Clarrise dito," Tumango ako at kumaway sa kanila. Napahawak ako sa dibdib ko, tumitibok yung puso ko. Sobrang bilis.

"Kinakabahan ata ang Princess ko?" tanong ni Kuya Bryan pagkapasok nya dito sa kwarto. We're currently in one of our family's ownership. Isa itong malaking building, not tall but big na puno ng mga events.

"Super Kuya," sagot ko sa kanya.

"Don't worry okay?" sabi ni Ate.

Bumaba na kami at inalalayan naman ako ni Kuya baka daw matapilok ako. Sanay na rin naman ako. Nung nakababa kami dumaretso kami sa main event, yung kasal kasalan namin. Napatawa na lang ako.

"Una na kami Princess ah, si Mom and Dad ang maghahatid sayo sa altar," since kasal daw ito, invited ang buong pamilya. Ang mga Kuya Insan ko, my gang and Nicolo's gang.

Nung nasa tapat na ako nung main pinto, yung parang kasal talaga, kinareer na rin nila yung kasal. Even though It's not a real one, I can feel that he really loves me alot.

Biglang bumukas yung pintuan, and that's the signal na pumasok na ako, kahit hindi ako nakapangkasal na damit. Sumalubong sa akin sina Mom and Dad.

"Ikakasal na ang prinsesa namin," sabi ni Mom sabay yakap sa akin. Ngumiti naman si Mom sa akin at si Dad, at hinalikan yung pisngi ko.

"Tara na? Hinihintay ka na ng magiging asawa mo," napatingin naman ako sa unahan, nakita ko si Nicolo na naghihintay suot ang kanyang simpleng tuxedo. White tux.

Naglakad na kaming tatlo at nung palapit ng palapit yung pinupuntahan namin, unti unting nawawala yung kaba ko. Yung feeling na, nung nakita mo sya feel mo safe ka.

Hindi ko na marinig yung sinasabi nina Mom and Dad kay Nicolo dahil nakatitig lang ako sa kanya. Nakangit sya at halatang masaya sya, and I'm glad dahil nakangiti sya ngayong araw.

Inabot nya yung kamay nya na nagputol sa pagtitig ko sa kanya. Inabot ko naman yun at umupo na kami sa harapan ng pari. Imagine Kent being your priest, matatawa ka dahil halatang ayaw nya. Nakasimangot pa sya.

"Dahil hindi naman talaga ako pari, sasabihin ko na lang tong nasa script," muntikan na akong mapatawa pero pinigilan ko. Hinahawakan naman ni Nicolo yung kamay ko.

"--" may mga sinabi pa si Kent pero hindi ko maintindihan maliban na lang kung sasagot ka ng I do.

"Maraming nagyari sa ating dalawa bago natin nasabi sa isa't isa ang nararamdaman natin. Nung una nerd pa yung physical appearance mo pero may nagawa akong kasalanan na nagpabago sa iyo. Nagsisi talaga ako nung araw na iniwan mo ako pero hindi ako sumuko at heto tayo ngayon nandito sa harapan ng pari.

Alam kong marami akong nagawa na ikinaayaw mo pero pinatawad mo ako pero sana hanggang sa huli ikaw pa rin yung nerd na minahal ko. Mahal na mahal kita Stephanie Nicolo Prada at soon to be Tan." habang sinasabi nya yun, napaiyak ako. Naalala ko yung mga nangyari bago mangyari ito.

"There's alot of things happened and there will be a lot thing will happen too. Pero nandun ka sa tabihan ko at sana hanggang sa huli nasa tabihan mo parin ako. Iniwan mo na ako ng isang beses pero ngayon sana mapatunayan mo na you deserve the second chance." naging bitter naman ako, haha.

"Pero alam kong you really deserve it, maraming salamat sa lahat, dahil napatunayan mo na mahal mo ako at napatunayan mo na kaya mo akong alagaan. Sana sa lahat ng dadating na pagsubok walang maghihiwalay sa ating dalawa. Hindi ko alam ang sinasabi ko pero mahal rin kita Nicolo James Tan." kahit hindi ko napagisipan ang sinasabi ko pero sana tumatak yun sa puso naming dalwa.

"You may kiss the bride," at dun itinaas nya yung belo ko at ngumiti. Yung ngiti na nakakaloko, ang cute nya!

"So, kiss na pala?" hinampas ko naman sya sa balikat nya.

"Ang p--" hindi ko na natapos yung sinabi ko nung hinalikan na nya ako. Naririnig ko naman ang sigawan ng mga kaibigan at kapamilya ko dito sa loob. Pero parang dalawa lang kami dito sa loob.

"Mahal kita." sabay sabi naming dalawa.

The Married Billionaire | fin.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon