Chapter 4
6 o'clock afternoon, I called Kayla. We were planning it today like what I said yesterday. "Hello? Kayla?" While putting and wearing my Princess Killer outfit, the door is closed pretending to be taking a bath.
Bunuksan ko yung bintana. "Leader? Nandito na kami malayo layo sa bahay mo." tinanaw ko naman yung kotse nya. I saw it, it's a little far. Siguro tatalon na lang ako galing dito at tumakbo palabas.
"Ready na ako." sabi ko sabay kuha ng isang katana sabay tago sa ilalim ng jacket ko.
"Nasaan ang asawa mo?" napatigil ako.
"Nagyaya akong magmall buti pumayag sya, naliligo sya ngayon sa banyo dito sa 2nd floor. Magkahiwalay kami ng banyo." sinandya ko talagang hindi sya maligo dito.
"Are you ready? Once you arrive, papaharurot ko na yung kotse." Nag-oo nalang ako at ibinaba ang tawag.
Pumunta ako sa bintana at tinanaw kung gaano kataas ang tatalunin ko. May kataasan but kaya ko'to.
May narinig akong katok galing sa pinto, it's probably Nicolo. Kaya dali dali akong tumungtong sa bintana at tumalon.
Sorry Nicolo, dahil sa pagsuway ko baka magalit ka but please let me visit the Gangster World and let me meet the Unknown Gang once again.
"You guys go to our gang's respective room and check if Unknown Gang will fight tonight." utos ko sa kanila.
"Paano ka?"
"I'll try and find them. I want to talk to them." nagsalute naman sila ng parang sundalo at pumasok na.
Pumasok na rin ako at dumaretso sa drinking section. Sa Gangster World, drinks is a must. Maraming lasingero at basagulero and that's normal.
"Isang tequilla." sabi ko dun sa barista.
Inikot ko yung paningin ko sa paligid. Wonder where they are right now. Hmm.
"Here's your drink Princess Killer." tumango na lang ako dun sa barista at lumakad na muli.
Iginala ko muli yung paningin ko, Ang maskara ng Unknown Gang is all black and plain. Yun ang palatandaan ko sa kanila.
God where the heck are they? Inikot ko pa yung paningin ko, pero biglang napatigil nung may nabangga ako, natapon ng kaunti yung drink ko sa damit ko kaya tiningnan ko yung nakabanggan sa akin.
All black outfit plus black maskara, and all plain pa. So heto na pala ang hinahanap ko? Napangiti ako sa ilalim ng maskara ko. Pareho ng Demon's Gang 8 member group sila. As I said 4 boys and 4 girls.
"Namamalikmata lang ba ako? Nandito ang Princess Killer?" may isang lalaki ang lumapit sa akin at kinuha ang braso ko. Ang clingy nya parang si Kent lang.
"No you're not." sabi ko. And suprisingly parang nagulat sila, I can see it through the hole. Yung hole sa mata nila.
"Hindi sya cold?" rinig kong bulong nung isang lalaki sa likudan. Napangisi ako at pinigilan ang aking tawa.
"Kayo ang Unknown Gang, hindi ba?" tanong ko.
"Yes kami nga, but bakit kami hinahanap ng isang Princess Killer?" tanong nung babaeng leader na bumaril dati kay Nicolo. But past is past at napatawad ko na sila. I'm just thankful enough that Nicolo's alive.
"Nothing, just wanna talk to you guys. By the way may laban ba kayo, tonight?" nagtinginan naman sila sa isa't isa.
"Yes, and kami na yung susunod so we better go, Princess Killer." sabi nung isang babae sa likudan. And until now nakasabit pa rin yung isang lalaki sa braso ko.
"That's too bad but okay, nice to meet you."
"Nice to meet you, Princess Killer" sabi nung leader na lalaki sabay lahad ng kamay. Inabot ko naman yun at shinake yun. Umalis na rin sila maya maya kaya dumaretso na ako sa kagang ko at nagpaalam. Gagamitin ko na lang yung isa kong kotse na nakareserve dito sa arena.
Nagbihis ako ng pambahay na damit sa loob ng kotse ko at tinago ung damit sa compartment, iniwan ko yung kotse ko malayo layo sa bahay namin.
Dumaretso ako sa garden ng bahay at nagpretend na kanina pa ako duon at nagdidilig ng ilang halaman, maya maya naman ay may narinig akong tumatakbo papunta sa akin
"Iha, nandito ka lang pala kanina pa nagliliyab sa galit ang asawa mo." nanalaki yung mata ko nung narinig yun. I remember how angry he was nung nagpunta ako sa Gangster World. At nagpasalamat ako ng hindi nya ako sinaktan, yinakap nya lang ako nung araw na yun at pinatawad.
Dali dali akong tumakbo sa sala namin dahil nandoon daw sya. Nadatnan ko naman ang sala namin na makalat. He did it again, yung galit nya sa mga gamit nya inilalabas. Halos yung sofa na lang yung tumatayong gamit.
Kukuhanin nya sana yung wedding picture namin na nakaframe at babasagin pero sinigaw ko na yung pangalan nya. Ayaw ko naman na basagin ang pinakamahalang gamit sa buhay ko.
"Nicolo!" tumakbo ako at yinakap sya sa likod nya. Sinignalan ko naman si Manang na kuhanin yung picture frame nung kumalma sya. Humarap sya sa akin at yinakap ako ng mahigpit.
"Oh god! Saan ka nanggaling? Okay ka lang ba? May masakit ba sa yo? Sinong lumapit sayo at sinaktan ka? Bakit hindi kita na nakita sa buong bahay?" sunod sunod na tanong nya. I bit my lip.
"Nasa garden lang ako at walang masakit sa akin." hinawakan nya naman yung likod ng ulo ko at isinandal yun sa chest nya. Rinig ko naman yung buntong hininga nya.
Sorry Nicolo, kailangan kong magsinungaling sayo. But I promise this is the last time I'll lie to you.
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Teen FictionWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...
