[11] Death Threats

1K 22 0
                                    

Chapter 11

Naalala ko tuloy nuon na nagpanggap kami ni Kent na magboyfriend at girlfriend para pagselosin si Hubby. Nabugbog sya nuon sa bar. Bakit ngayon ko lang sya naalala? Mga idea talaga ni Kent. Napailing na lang ako.

"Sorry talaga hubby, hindi na mauulit." halos mapaiyak na ako sa balikat ni Hubby. Binuhat nya kasi ako galing sa classroom at ngayon patuloy sya sa paglalakad. Nakakahilo.

Narinig ko yung pagbuntong hininga nya. "Fine," ibinaba nya ako ng dahan dahan at inayos ang suot ko.

"Do you want to cut classes? Date na tayo ngayon?" lambing ko sa kanya. Gusto ko kasing makabawi sa kanya.

"Here, a cotton candy for you and an ice cream for me." binilhan kaagad ako ni Hubby ng paborito namin pagkadatinf namin dito sa park na palagi namin pinupuntahan. Hindi naman palagi siguro mga tatlong beses.

Naging importanteng tagpuan namin ito ni Hubby. Dito kasi namin laging sinasabi ang gusto naming sabihin sa isa't isa. Dito kami palagi kaming umiiyak. Sana naman walang iyakan ngayon.

"Meron ka bang gustong sabihin sa akin Hubby?" ibinaba nya ang ice cream na hawak nya at humarap sa akin.

"Well, gusto ko lang makipagusap tungkol sa ating dalawa." naiinis ako dahil hindi sya nakatingin sa akin. That way kasi hindi ko nakikita ang mata ny. His eyes give out everything. "Three more years pa bago tayo makapagtapos ng college. Takot ako."

Tiningnan ko ang kamay ko at napaisip. "Mahal kita Hubby. Hindi ba sapat na yun para tumagal tayo? Matatapos din ang three years basta masaya tayo." sabi ko. This turn out so dark so quickly. Nandito lang sana kami para magdate.

"There are alot more better guys out there for you. Takot lang ako na ipagpalit mo ako." napangiti ako. What a childish reason he has.

"I'm only gonna say this Hubby. It won't change I promise," hinawakan ko yung mukha nya, "Mahal kita at hindi iyon magbabago kahit kailan." marami na kaming napagdaan at sapat na iyon para mapatunayan na mamahalin ko sya ng sobra.

"Uwi na tayo?" inalis ko ang kamay ko sa mukha nya at kinuha ang kamay nya. "Ipagluluto kita."

Nginitian nya ako at yinakap.

Sana lang talaga na magtagal ang pagmamahalan namin ni Hubby. Dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag wala sya. Our conversation made me realize na hinding hindi ko sya iiwan. Ang problema nga lang ngayon ay kung makakapaghintay sya.

Sana mahintay mo ako Hubby.

Nung nakarating kami sa bahay napapasok kaagad kami dahil sa tilian sa loob ng bahay. Nung nakarating kami nandun lahat ng limang kasambahay na may pinagkakaguluhan sa sahig. Lumapit ako sa kanila. "Ano po ang nangyayari?" yinakap ko si Manang at pinatahan.

"Iha, may nagpadala ng box na ito dito sa bahay natin." tumingin ako sa sahig. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng kamay sa mukha ko. I wish I could unsee it. "Nilalaman nito ay ang mga litrsto na iyan. Iha, ayaw ko ng magtrabaho dito."

Nagkatinginan kami ni Hubby. Napakagat ako sa labi ko, maya maya naramdaman ko na lang ang yakap niya sa akin.

Ang nasa loob ng box ay mga litrato ng mga batang kakilala ko. Ang tatlo roon ay anak ni Manang at ang dalawa naman duon ay kapatid ng isa parang maid. Around 15-18 years old silang lahat. Lahat ng litrato may dugo at butas ang lahat ng mata nila.

Bumitaw ako sa yakap ni Hubby. "Hindi ko po payayagan na umalis kayo dito hanggang hindi ko nahahanap ang mga taong may gawa nito." napaisip ako ng ilang minuto. "Gusto kong kuhanin lahat ng mga batang iyan at dalhin dito."

Tumango sa akin si Hubby at ngumiti. Sana tama ang ginagawa kong ito. Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko si Kuya Bryan. "Hihingi ako ng tulong kay Kuya." napakagat ako ng labi ko. Please sumagot ka kuya.

"Hello princess?" nabuntong hininga ako at lumabas ng bahay. "What's this call for?" mukhang busy sya sa Prada Company. Well responsable na tao na si Kuya. Kaya nga lang wala pang girlfriend. Kaya hindi pa matino pagdating sa mga babae.

"Kuya kailangan ko ang tulong mo." napakunot ako ng noo ng may narinig akong lagapak sa kabilang linya. Rinig ko din ang andar ng kotse, one minure later. "KUYA! Calm down, hindi mo na kailangan pumunta dito."

"Okay then. Are you okay did anything happen? Okay ka lang ba?" dalawang beses nyang tanong.

"Could you provide me a dozen of bodyguards and lend me a guarded house of some sort? Iexplain ko na lang sa iyo soon." ibinaba ko na ang tawag nung nagagree si Kuya.

Pagkapasok ko ng bahay muli, nakita ko ang patuloy na pagalo ni Hubby sa mga kasambahay dito na nagpagaan ng pakiramdam ko. Pinuntahan ko sila at kinausap ko sila isa't isa. Sinabi ko sa kanila na magiging maayos ang lahat. Pagkatapos nuon pinuntahan ko ang box.

Kinuha ko lahat ng litrato at tiningnan ito isa't isa. Inamoy ko rin ang isa nito at totoo itong dugo. Napatigil rin ako ng may symbol akong nakita sa mga litrato. Isa itong cross na may pink na ahas na nakapulupot dito. Ito ang unang beses na nakita ito. Kinuha ko ang isang litrato at inilagay sa bulsa ko.

Maya maya dumating ang mga bodyguard na sinend ni Kuya sa akin. Hinati ko sila sa tatlong grupo. Ang dalawa duon ay pinapunta ko para sunduin ang limang babae. Ang isa ay para mag guard ng bahay.

"Hindi ba mas mabuti na sabihin natin ito sa gang?" nilapitan ko si Hubby at sinabi iyon. Mukhang ayaw nya ang ideya na iyon. Napabuntong hininga sya.

"Just do what you think is helpful, Wifey. The more people that you tell this to, the more worry you'll have. We have to play safe ngayon." I nod in agreement. Ngayon I understand kung bakit ayaw nyang sabihan sila.

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon