[5] Back to School

2.2K 43 0
                                    

Chapter 5

"Steph, Mom said na pumasok na ulit tayo this month." sabi ni Nicolo nung nakaupo kami para kumain ng hapunan. Napatayo ako at napasigaw. I really want to go back and study again.

"Really? When tho?" tanong ko. Umupo ako at sumubo ng ulam. Kahapon lang nangyari yung pagpunta ko sa Gangster World pero hindi na rin sya nagtanong pa sabi nya mahalaga daw na nakabalik ako.

"Tomorrow." mailking sabi nya. Bukas na agad? Sina Kayla kaya? Papasok na rin kaya sila? Nasa college na kami this year, hindi ko pa rin alam ang kukuhanin ko.

"Our gang is going too." napangiti naman ako. Hindi kasi ako sanay na papasok sa school na sya lang yung kasama ko. Friend are friends right?

"I don't really care pero anong course ang itatake ko?" tinaasan ko sya ng kilay ng bigla syang ngumisi.

"All of us will take business management. I tried hard to make us all be in the same classes."

Nung nagising ako ngayong araw naghanda na ako para pagpasok, excited na rin ako dahil makakasama ko na rin uli ang buong gang for a day. I'm so excited!

"Mukhang excited na ang asawa ko ah." rinig kong sabi ni Nicolo galing sa pintuan kaya lumingon ako sa kanya.

"I am" sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumayo ako at kinuha yung bag kong nakalagay sa higaan ko. For your information, hiwalay ang kwarto namin ni Nicolo.

It's a 2 room but may pintuan na nagcoconnect sa aming dalawa. Kaya nakakapasok sya kung gusto nya. My Mom, ayaw nya kaming patulugin ng magkatabi. At ayaw ko rin naman, kapag kasal na kami tsaka.

"Let's go?" sabi nya sabay lahat ng kamay nya. Kinuha ko yun. Holding hands while walking ang peg namin ngayon.

Nagdrive na si Nicolo papunta sa school habang ako hindi mapakali sa inuupuan ko. Super excited na ako!

At nung nakarating kami, naramdaman ko naman na nagiba yung aura ni Nicolo. I guess he's going to use his cold expression sa school. But I won't! Natanaw ko naman ang gang namin, napangiti ako at lumabas ng kotse bitbit ang bag ko.

Tumakbo ako papunta sa pwesto nila at yinakap ang mga babae. Naghi 5 naman ako sa mga lalaki. Kita ko naman na napasimangot si Kent nung naghi 5 lang ako.

"Stop that pouting of yours Kent." cold na sabi ni Nicolo. Nawala naman yung pout ni Kent at nanahimik sa isang tabi. Napatawa na lang ako.

Habang naglalakad kaming walo papunta sa classroom namin, puro bulungan ang naririnig namin. Nawala naman kasi kami, matagal tagal rin.

At nung nakarating kaming lahat sa classroom, napangiti ako. Nakahawak pa rin si Nicolo sa kaliwang kamay ko kaya ginamit ko yung kana kong kamay sa pagkaway.

"Hi classmates" sabi ko habang nakangiti. Halata naman na nagulat silang lahat. Ang alam kasi nila ang cold ko pero ang childish ko na ngayon.

"Gumanda ka Stephanie!" rinig kong sabi ng isang lalaki. Nginitian ko na lang sya.

"Tss." rinig kong sabi ng katabi. Napasimangot ako. Ang jelly naman ng asawa ko.

Nung nakaupo kami sa upuan namin, humiwalay si Nicolo sa akin at umupo sila ng gang nila sa likudan namin. Nakipagkwentuhan naman ako kay Kayla which is katabi ko.

Busy ang lahat sa pagchichismisan ng biglang may babaeng hinihingal na dumating sa classroom at biglang sumigaw.

"May bagong transferee ang school! Ang gwapo at ganda nila!" sigaw nung babae kaya nagkagulo ang buong classroom. Nangunot naman yung noo ko nung bigla silang lumabas.

"Labas tayo?" tanong ko kay Kayla. Tumango naman sya kaya sinignalan ko sina Ann at Gail na tatakbo kami. Tumayo ako at hinawakan sa braso si Kayla at lumabas kami.

Dumaretso kami sa gate at nakisiksikan sa mga babae at lalaking nagkakaguluhan, sabi nila ang gwapo daw nung mga lalaki at magaganda naman daw yung babae, obviously.

Nung nakarating kami sa may unahan, nakita ko naman yung pinagkakaguluhan nila.

5 people, 4 boys and 1 girl.

May isang lalaking kumakaway habang nakangiti. Halos wala na syang mata nung ngumiti sya.

At may isa namang lalaki na umaaway sa kanya. Parang sina Renz at Kent lang. Ang wafuuu. Pero mas gwapo ang asawa ko.

At may isa ring lalaki, ang cute nya pero nagulat ko nung may itinulak syang babae na tinry na lumapit sa kanya. Heartless.

At ang nangungunang lalaki sa kanila. Matangkad sya at yung presence nya parang may nagsasabi na, he has some power or something.

At yung babae naman, may isang babae ang nananahimik sa isang tabihan. Mukhang mataray. Pero nagulat ako nung ngumiti sya. Mukhang mag-isa lang siyang babae dito.

Tiningnan ko muli sila isa isa ag napatigil nung nakipagtitigan ang lalaking may pulang buhok sa akin. Nginitian ko sya at umiwas ng tingin.

I hate evil looking guys.

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon