Chapter 32
Nagsuklay pa ako bago bumaba ng kotse ko. Tumigil ako sa harapan ng bahay ng parents ni Hubby. Napakagat ako sa labi ko at hinanap ang aking lip tint sa bag na dali dali kong kinuha kanina. Kinulayan ko ang labi ko at kinuha ang Louis Vitton na bag sa likudan ng upuan ko. Magpapakapeke muna ako.
Tumayo ako pagkalabas ko ng kotse. Sinuot ko ang takong na dala ko at nagsimulang maglakad patungo sa bahay ng Tan family. Here we go.
"Sino po iyan?" may boses ng babae ang narinig ko. Tumayo lang ako sa labas at naghintay para pagbuksan ng gate. Nangunot ang noo ko ng may nakita akong babae na parang kaage ko lang din. Wala namang kapatid si Hubby.
Nagtitigan ako ng sandali na nanlaki ang mata ko ng maalala ko sya. Sya yung babae na nawalan ng aso sa amusement park nuon. Sya din yung babae na may tinawag na Nicolo sa tawag nya. Sino sya?
"Hello? Sino kayo?" namulat ako ng nagwave sya sa unahan ng mata ko. Nangunot ang noo ko at tinaasan ko sya ng mata.
"Dito ba ang bahay ng mga Tan?" ngumiti sya at nagnod sa akin. Hinawi ko sya ng kaunti na nagpawala ng balance. Napakaweak na babae.
Nung pumasok ako patuloy ang paghabol sa akin ng babae, hindi ko sya pinansin at hinanap ang tao dito. Napangisi ako ng makita sila sa dining table. Nagfakecough ako na naggrab ng attention nila sa akin. Nagbow ako ng kaunti.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nilang dalawang magasawa. Mukhang wrong timing ang dating ko dahil mukhang may pinaparusahan silang katulong. May nakaluhod na babae at may pinggan na nasa harapan nya. Mukhang nalaglag.
"It looks like I'm unwanted here," sabi ko sabay ngisi ng walang nagsalita sa kanila after a minute passed. Naglakad ako patungo sa nakaluhod na katulong at pinatayo sya. Binuksan ko ang limited edition ng bag na hawak ko at kinuha ang wet tissue bago binigay sa babae. Nakita ko in the corner of my eyes ang pagtitig ng nanay ni Hubby sa bag ko.
One thing Hubby's mom likes are her bags. Isa ito sa nalaman ko dati. Ngumisi ako at umupo sa isang upuan sa dining table. "Kamusta na po kayo Tita?" nagpakaplastic ako at ngumiti. Heto na naman tayo.
"I'm unaware na ininvite pala kita dito sa bahay, Ms. Prada." napangisi ako sa tono ng boses ng tatay ni Hubby.
"I'm just here to visit Tita and Tito, wala naman pong masama duon diba? At tsaka ako po ang mapapangasawa ni Nicolo kaya pwede naman siguro ako dito diba?"
At the end umalis na lang ako kasi walang mangyayari kapag walang modo ang kausap. Alam ko na naman na sila ang may gawa ng lahat na ito. Ngayon ang mission ko ay ang pasukin ulit ang bahay nila. Kukuhanin ko naman ang gem nila para tuluyang magiba na ang clan nila.
Pumasok ako the very next day na nakahoodie na pula at leggings. Magbibigy ulit ako ng letter sa school kasi hanggang kahapon lang yung inexcuse ko. Kakausapin ko na rin ang mga pinsan kong paranoid. At ang gang ko na patuloy siguro ang tawag.
Ah, naalala ko nga pala sarado parin ang cellphone ko.
Dumaan ako sa classroom at naggoodmorning sa lahat. Naggoodmorning naman sila pabalik sa akin. Nagulat ako ng yumakap ang gang ko sa akin. "Buhay ka leader? Thank god. Tapos na ba ang lahat?"
Napatawa ako ng kaunti at umiling. One last step matatapos ko na itong gulo na ito. Nangamusta lang ako sa aking gang at umalis na din. Hindi ko na nakausap ang mga pinsan ko dahil absent daw sila. Nagdrive ako pabalik sa bahay.
Pagdating ko naghanda na ulit ako para mamaya gabi. Kumain ako ng madami at nagexercise.
Sana talaga matapos na ang lahat na ito, sana hindi ako mamatay. Ginagawa ko ito para ipaglaban kaming dalawa ni Hubby. Walang mangyayari kapag mamamatay ako. But at the same time I don't want any help. Ako ang magliligtas sa aming dalawa ni Hubby.
Napabuntong hininga ako. I'm being stubborn once again.
Dumating ang gabi at habang lumulubong yung araw paunti unti akong kinakabahan. Hindi ako mapakali dito sa sofa. Nakahanda na ang lahat na ggamitin ko at nakatago na din ang isang baril sa hita ko. Imbes na Princess Killer na costume ang sinuot ko, nagsuot ako ng isang red dress.
Tumayo ako at napabuntong hininga. Let's get this over with. Sinarduhan ko lahat ng ilaw ng bahay except sa bedroom ko. Bumaba ako at lumabas ng bahay. Isasara ko na sana ang gate ng may naaninag akong bulto ng mga tao.
Napakamot ako sa ulo ko. Bakit sila nandito? I stomped to their places at kinwelyuhan si Drake. "Anong ginagawa nyo?"
"Ngayon ka pala aatake? You want us to be safe, yan ang sabi mo. Hindi ako aalia sa tabi ko Nicole." sinuntok ko ang dingding sa tabihan ng ulo ni Drake. Tiningnan ko ang rest of the gang sa likudan nya. Umiiyak na yung iba.
"Are you guys not confident of my abilities? You think I'm weak?" Aapila pa sana sila pero tiningnan ko sila ng masama. "Dito lang kayo."
"Let us watch from afar Leader? Please? I promise you na hindi kami papasok kapag wala ka sa panganib. Please?"
Nagsimula akong maglakad papunta sa kotse ko. "Just promise to be safe." tumango ako sa kanila. Napabuntong hininga ako at humarurot papunta sa bahay ng Tan.
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Novela JuvenilWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...
