Chapter 18
Next day nagulat ako ng paggising ko nakita ko si Hubby na nakatayo sa pintuan. May hawak pa syang tray na may lamang umagahan na patuloy na nagpasaya sa akin. Pinaupo ko sya sa kama ko at hinalikan sa labi nya ng madalian.
Nilutuan nya ako ng bacon and eggs which is still my favourite. Sabay kaming kumain ng umagang iyon. Hay, napakaganda ng mood ko.
For the past week kasi nalulungkot ako dahil kay Hubby, minsan naiisip ko na baka hindi na nya ako mahal o kaya napapagod na sya sa akin. Pero maganda na ito, because you have to enjoy the moment. Wag papalampasin kasi you don't know when the world will change. When he will change.
Dumating kami sa school at as usual naggood morning ako sa lahat ng kaklase ko. Naggoodmorning naman sila pabalik. Iniwan ko muna si Hubby at lumapit sa pwesto nina Gail. Lumapit si Kayla sa akin at may binulong. Napakunot ang noo at lumapit pabalik kay Hubby. "May babanyo lang ako."
Lumabas kaming apat ng classroom at dumretso sa likudan ng school. Nalaman ni Kayla na may nagsabi sa kanya na may aatake daw na mga tao sa school. Pagaari ng pamilya ko ang school na ito. I have to protect it.
Unknown ang mga taong aatake, wala kaming impormasyon tungkol sa kanila. Napatigil kaming apat ng may narinig kaming sigaw. Nagsimula kaming tumakbo at pinuntahan kung saan ito nanggaling. Inilabas ko ang pocket knife na nasa hita ko at dahan dahan na naglakad.
Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang Unknown Gang. I thought na sila ang umatake pero parang sila ang nakikipaglaban sa kaaway. Napataas ang kilay ko at tumayo sa likudan ng isang puno. Ganuon din ang ginawa ng mga kasama ko. Dahan dahan akong sumilip at tiningnan silang lumaban.
Apat lang ang naruon at mukhang puro lalaki. Hindi sila gumagamit ng weapons which is very different from last time na naglaban ang Devils Gang at Unknown Gang.
Kita ko ang mukhang leader na patuloy ang laban. Napakabilis nya at napakahusay. Parang sya nga ang leader dahil sa mga movement nya. Panay weak point ang inaatake nya para mabilis na maubos ang kalaban. Unti unting naubos ang mga kalaban hanggang tumba na silang lahat.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nilang apat. Nakita ko na naglabas ng cellphone ang isa sa mga lalaki at may tinawagan. "Pakihandle naman ng mga kalaban. Hanapin nyo ang nagutos sa kanila."
Napatago ako sa likod ng puno ng lumingon ang leader nila. Napabuntong hininga ako ng hindi nila ako napansin. Lumingon ako sandali at sakto nuon na magtatanggal na ng mask ang leader. Pero may narinig akong ingay galing kay Gail. Mukhang napatak nya ang sarili nyang knife.
Nagtago ako sa likudan muli ng puno. Narinig ko ang tapak nila na papalapit sa pwesto namin. Nagbilang ako ng tatlo na kita nilang tatlo. At sa pagtigil ko ng tatlo nagsimula kaming tumakbo. "Comeback here!"
Panay habol ng hininga naming apat. Malayo layo rin ang tinakbo naming apat. Mukhang kulang ako sa training dahil mabilis akong nawalan ng hangin. Matagal na rin na hindi ako nakikipaglaban.
Napatigil ako at tumayo ng may naalala ako sa nakita ko kanina. Ang maskara ng Unknown Gang ay ang tipo na maskara na may taklob sa likudan kaya hindi ko kita ang kulay ng buhok nila. Pero muntikan ng maalis ang taklob ng leader nila at nakita ko ang buhok ng lalaki.
Kulay pula ito, katulad ni Drake. Tama nga ba ang hinala ko?
Dumaretso kami sa classroom at nakita namin ang grupo nina Drake na mukhang nalate na nagpaduda muli sa akin. Merong chance na sila nga ito.
It's not like I'll be mad and pissed if I knew they pretended. Magiging masaya pa ako dahil marami ang natulong nila sa akin. Alam kong may rason kung bakit nagtatago sila.
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko na nasa tabihan ni Hubby, nagtitigan kami ng Drake. Mukhang alam nya na ako ang babae kanina. Hinsi naman sya ganun katanga.
"Bakit ang tagal nyo naman sa banyo Wifey?" tanong nya at biglang nagtago ang upper lip nya that means nagpapacute. Tumawa na lang ako at hinanda ang balikat ko. Gusto atang matulog ni Hubby.
Gusto ko rin matulog sana pero hinayaan ko na lang sya muna at nagisip- isip. Hindi rin ako nakinig sa teacher.
Unknown Gang suddenly appeared in the arena they slayed the competition at binaril nila ako na nagresult sa pagbaril nila kay Hubby. I already forgave them about it. Now they possibly transferred here and live as a normal student.
They helped me a lot so I have to let this stay as a secret. I have to talk to my gang too.
"Anything bothering you Wifey?" nagulat ako ng biglang nagsalit si Hubby in the middle of the class. Mukhang narinig eto ng teacher pero wala ng sinabi. Tumawa ako ng mahina at binulungan sya.
"Wala yun Hubby. Tulog ka na." ngumiti sya at pinatong ulit yung ulo nya sa balikat ko.
"Remember to tell me everything Wifey. I'll always listen," napangiti ako. Sobrang sweet ngayon ni Hubby. Nakakapanibago.
Either way masaya ako ngayon. Sana magtagal.
![](https://img.wattpad.com/cover/82569564-288-k44364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Teen FictionWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...