Chapter 27
Iniwas ko ang tingin ko sa pwesto nila at nagsimulang maglakad pabalik sa table namin. Lumapit ako kay Drake at bumulong. In the corner of my eyes kita ko ang paglingon ni Black at tiningnan ng masama kaming dalawa. Napangisi ako at bumulong. "Lovely's back. At may kasama syang mga babae."
Nagflinch si Drake kaya hinawakan ko sya sa braso at tinap. Napakamot ako sa ulo baka mas maganda ata na hindi ko sinabi sa kanya but thinking of the possibility na makasalubong nila ang babae mukhang mas malala iyon. Tumango ako kay Drake at sumaludo. Please stay strong Poison Gang. Wala nga lang si Hubby para magsupport nandito naman ako.
"Wanna cut school?" tanong ko sa buong gang, Double Danger Gang. For short DDG. It's the hardest decision to think of a name. Itong pangalan na ito ay suggestion ni Ann. Everyone agreed on it.
Napatingin ako ng tumayo si David at nauna na. Tumigil sya sandali at tumingin sa amin, "Tara na? Bakit ang bagal nyo?" napangiti ako. In the end sumama na sa amin si Black dahil papunta rin kami sa amusement park. Ilang beses ko syang pinilit at kiniliti pa ng kaunti sa tabihan nya.
Black is one of the important person in my life. Kahit muntikan ko na syang makalimutan sya ang nagpasaya sa akin nuong bata pa kami. Nandun sya palagi.
Nung nakadating kami sa amusement park, naghiwahiwalay kaming lahat. Magkakasama kami nina Black, Drake at Kayla. Ang iba humiwalay dahil sasakay daw sila sa mga rollercoaster. At dahil napakabusog ako, nagopt out ako. Baka mamaya isuka ko sya. Tiningnan ko ang tatlong ito.
"You guys go on. Dito lang ako." halata kasing gusto nilang sumakay pero hindi sila pumupunta. This is the day for them to have fun and enjoy life. Nginitian ko sila at tinulak. Kahit nagaalangan, pumila narin sila.
Tumayo ako at bumili ng cotton candy. Which is a bad thing dahil naaalala ko na naman si Hubby. Napakagat ako ng labi at umupo na lang at kinain ito. Habang ngumunguya ako at nakatulala. May naramdaman na lang akong may dumila sa paanan ko. Napasigaw ako at napatayo.
Nagsorry ako sa mga tao sa paligid ko. Napalakas ata ang sigaw ko. Tumingin ako sa paanan ko at isa pala itong aso. "Lily!" may nakita akong tumatakbong babae. Hinawakan ko yung tali ng aso at inabot iyun sa kanya. "Ay, maraming salamat po!"
Mukhang may kinakausap sya sa cellphone kaya nagsmile na lang ako. "Hay Nicolo Tan, ayan kasi napakakulit." napalingon ako sa direksyon ng babae ng binanggit nya ang pangalan ni Hubby. There's no way right?
Tumayo ako at hinanap ang babae pero napahalo na sya sa crowd kaya bumalik ako sa upuan at patuloy ang pagtap ng paa ko sa sahig. Hindi yun diba? Hindi si Hubby yun diba?
Hindi ko narealize na tapos na palang magrolletcoaster silang lahat. Nawalan ako ng gana for the rest of the day kaya panay ngiti ako at hintay sa baba. Maya maya ang reason ko ay masakit ang tiyan ko. Napabuntong hininga ako. Naggagabi narin ako. Gusto ko ng matulog.
Nung nakadating ako sa bahay dumaretso ako sa banyo at naghugas ng mukha at nagtoothbrush. Nagbihis narin ako. Lumapagi ako sa higaan.
Kung nasaan ka man Hubby, goodnight or goodmorning! - Yun ang palagi kong sinasabi gabi gabi. Napangiti ako at pumukit.
Kinabukasan dumaretso na agad ako sa school ng walang kain. Sa cafeteria na lang ako kakain. Pero pagkapasok ko palang ng cafeteria si Lovely na agad ang nakita ko. I rolled my eyes at nagdaretso sa counter at nagorder ng breakfast set. In the corner of my eyes nakita ko silang apat na tumitingin sa akin. Mukhang ito na ang Hermosa Gang.
Naglakad ako papunta sa table nila at umupo sa bakanteng upuan. "I thought you'll be gone forever." Pero napangisi ako at nagpretend na may naalala, "Ahh nagsulat ka nga pala gamit ang dugo mo."
Kita ko ang confusion sa mukha ng tatlong babaeng kasama nya. Napangisi ako dahil mukhang hindi alam ng tatlo ang tungkol sa babaeng nasa gang nila. "Well see ya around Lovely." Nakita ko ang pagbilog ng kamao nya. Mas lalong lumaki ang ngisi.
Nung nakuha ko ang pagkain ko at nakaupo, nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Bryan. "Kuya! Kamusta na?" nangunot ang noo ko ng rinig ko ang andar ng kotse nya. At mukhang napakabilis. "Anong nangyayari?"
"This is nothing Princess. What's up?" kita ko ang pagshake ng boses nya. "May papahanap ka ba sa akin? Or investigate? Sabihin mo lang kay Kuya." napangiti ako. Sumubo ako ng itlog at tumawa.
"May gusto sana akong ipainvestigate sa iyo. Pero mamaya ko na sasabihin. Ingat sa pagdrive Kuya. Mahal kita." rinig ko ang pagngisi nya. Napangiti ako at ibinaba ang kutsara. It's been awhile since I said I love you to my brother.
"Yes po s— toot toot." nalaglag ko ang cellphone ko ng may narinig akong malakas na pagsalpok.
"Kuya? Kuya!" napaupo ako sa sahig ako at nilimot ang cellphone. Tinawagan ko ang cellphone muli ni Kuya at naghintay. Nagtatakbo ako papunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Kuya, kuyaaa. Napatigil ako ng may sumagot.
"Princess? Bakit?" nangunot ang noo ko at napabuntong hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at pinunasan ang aking luha. "At ano nga pala yung pinapainvestigate mo sa akin?"
"Okay ka lang ba Kuya? May narinig akong pagsalpok kanina." napakagat ako ng labi nung hindi sya sumagot. "Painvestigate ng gang ni Lovely kuya. Yung Hermosa Gang."
Nung ibinaba ni Kuya ang tawag napaubob ako sa manibela ng kotse ko. I'm scared. Ayaw kong may masaktan pa sa paligid ko. Kung ako ang gusto nila ako ang haharap sa kanila. I just need training and I'll face them.
Hubby please support me and give me strength.
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Teen FictionWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...