[21] Another One

760 14 0
                                    

Chapter 21

Nagising ako ng may narinig akong may umungot. Dali dali akong nagmulat at pinuntahan si Hubby. Dinala namin kagabi si Hubby sa kanyang kwarto. Pinauwi ko na ang doktor at ako ang namagalaga sa kanya. Pinakain ko sya at pinunasan. Pangiti ngiti naman sya the whole time.

Si Hubby pala yung umungot dahil pinipilit nyang bumaba ng kama. Nilapitan ko sya at pinaupo muli. "Wag ka muna gumalaw Hubby."

May hiwa sya across his back, meron din sa tiyan nya. Malalim lalim din ang sugat kaya napakarami ng dugong lumalabas duon. Nacover ang buong katawan nya. Ngayon nakakabit sya sa mga wires dito sa kwarto. "Goodmorning Wifey. Nakatulog ka ba sa pwesto mong nyan?" nakutulog akong hawak ang kamay ni Hubby.

Naalala ko tuloy nung nabaril sya dati, ganito ako palagi. Nakahawak sa kamay nya o kaya nakatitig lang.

"Oo naman para sayo eh," napatawa ako ng nagact syang parang kinikilig. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan. "Magluluto lang ako Hubby, wait ka lang dito." nagwave sya kaya lumabas na ako ng room.

Nasa hagdan pa lang ako ng may nakita akong anino na nanggagaling sa labas. Nagtatakbo pa ito paalis. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Naningkit ang mata ko at dahan dahang lumabas. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng gate. Napakagat ako sa aking labi.

May isang box na naman duon.

Kinuha ko ang box at pumasok. Binuksan ko ito sa ibaba ng dahan dahan kasi itatape ko ito muli. Ibabalik ko ito sa labas maya maya.

Nagulat ako ng mabuksan ko ito. Isa itong rosas na pula at may isang envelope na puti. Kinuha ko ang envelope at binuksan. 'Te quiero mi Reina'  Spanish, halatang galing na naman ito sa Serpiente Rosa Gang.

Napabuntong hininga ako at tinape mulit ang ilalim at inilabas sa gate. Pumasok ako sa kusina at nagluto.

Pagdating ko sa taas nadatnan ko si Hubby na nasa cellphone nya. Mukhang katatapos nya lang tumawag kasi habang nataas ako ng hagdan rinig ko ang boses nya. Ibinaba ko ang pagkain sa higaan at umupo sa tabihan nya.

"Would tell me what happened yesterday Hubby? I was away for like 3 hours at nadatnan kitang ganun?" sabi ko pagkatapos ko syang subuan. Napangiti si Hubby at tumawa ng kaunti. Nangunot ang noo ko at naghintay.

"Paguwi ko dito sa bahay may nakita akong grupo na tao dito, Serpiente Rosa Gang. Inatake nila ako. That's it." tinaasan ko sya ng kilay. "It seems that I'm getting weaker Wifey. Magstart na ulit tayo magtrain."

"You said that Hubby. Sa tingin ko nga dapat na tayong magtrain. Hindi natin alam ang future. It's better to prepare." sinunubuan ko ulit sya. Pagkatapos lumabas ako at tinawagan si Kayla.

"Yes Leader?" mukhang nasa school sila dahil sa ingay sa background. Hindi kasi ako pumasok ngayon kasi gusto kong alagaan si Hubby. "May problema ba?"

"Nothing. I just want to say I'll give you three 3 weeks to train. Be ready. I don't care kung may gusto kayong isama pero the goal is still the same."

"Yeah leader, do not kill but capture." binaba ni Kayla ang tawag kaya dumaretso ako sa kusina at kumain. Nagisip isip na rin ako.

Narealize ko na marami palang tinatago si Hubby. Parang hindi ko na sya kilala. Tinago nya sa akin ang death threaths. hindi pa namin napaguusapan ang tungkol sa Tan Clan at Serpiente Rosa Gang. Ngumiti ako sa hangin at pinagpatuloy ang pagkain.

Nagulat na lang maya maya na nakatayo na si Hubby at nakababa na ng hagdan. Patakbo akong pumunta sa kanya na muntikan na akong matumba. Kanina lang hindi sya makatayo ngayon? Pinalo ko sya sa ulo nya at pinaupo sa sofa. Nanuod kami pareho ng show sa tv.

Maya maya nagkatinginan kami ni Hubby ng may narinig kaming nagdoor bell. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko duon ang Devil Gang at Unknown Gang na magkakasama. Nandun din si Lovely. Pinapasok ko silang lahat at pinapunta sa sofa.

"Leader! May box na nasa labas ng gaye nyo! Dinala ko dito." nanlaki ang mata ko at naglakad sa sala. Kita kong dali dali itong kinuha ni Hubby at tinapon sa tabihan ng kinauupuan nya.

Hindi nagkasya ang lahat kaya ang mga lalaki nakatayo except kay Hubby kasi hinila ko ulit sya papaupo ng tatayo na sana. "Leader bakit ang bilis naman ata gumaling ni Nicolo?"

"Nagulat nga ako kanina bigla bigla na lang bumaba. Tingnan mo nasugatan ko pa ang binti ko," sabi ko at tinuro ang binti ko. May maliit na hiwa duon galing sa matalas na maliit na upuan na nadagil ko kanina. Nagtawanan silang lahat. "Ipaggagawa ko muna kayo ng juice."

"Sama ako!" sigaw ni Lovely. Tumawa ako at inaya sya papunta sa kitchen. Kumapit sya sa braso ako at sabay kaming naglakad papunta sa kitchen. "Sorry If I'm clingy, puro lalaki kasi ang kasama ko. Mga maaarte naman yung mga yun."

Napatawa ako. Napakahirap siguro nun. Kahit may Kuya sa paligid ko, he's too much for. Made me think I miss him. Hindi ko pa sya nakikita simula ng family dinner.

"Ano po ang feeling na mapapangasawa nyo na si The Great Nicolo?" tanong nya at napatawa. "Napaka famous nya sa Gangster World nuon pa. Napakalucky nyo po." ako naman ang napangiti.

"Hay naku hindi mo alam kung gaano kapossesive ng lalaking yun," hinalo ko ang pitchel na may laman na juice. "Wala ka bang nagugustuhan na lalaki? Maraming lalaki dyan at napakaganda mong babae." napaisip sya.

"Meron po dati pero wala akong chance. No way." sabi nya at umiling. "No one will like a ferocious girl like me anyway." Lumabas na kami ng kitchen dala dala ang dalawang pitchel na juice at 14 na baso.

"-yet." nagsasalita si Hubby ng dumating sa sala. Nagtawanan ang lahat maliban kay Drake, Brent at Grey. Hay naku mga cold na lalaki. Ibinaba ko ang juice at tumabi kay Hubby.

"Leader! Sabi ni Nicolo na magpapakasal daw kayo sa Korea, totoo ba yun?" nanlaki ang mata ko at tumingin kay Hubby. Tumatawa syang tumitig sa akin.

"Ngayon ko lang yan narinig." nagtawanan ang lahat. "So bakit kayo napadalaw?" tanong ko na nagseryoso sa kanilang lahat. Tinaasan ko ng kilay si Kayla, umiwas sya ng tingin.

"Nandito kami para magapologize kay Nicolo dahil sa nangyari dati sa Gangster World," sabi ni Drake at nagbow. Nagbow rin sina Red, David, Brent at Lovely. Nanlaki ang mata ko at tumingin kay Kayla. Hindi ko pa nasaaabi to kay Hubby dahil nga sa nangyari kagabi.

Dali dali akong naglean kay Hubby, "Hubby sorry hindi ko agad nasabi kaagad sayo dahil sa nangyari kagabi. Sila ang Unknown Gang, nalaman ko kahapon." tumango sya at hinawakan ang kamay ko.

"Wifey don't have a problem with you guys so you are forgiven," tumagil sya sandali pero nagsalita muli, "I want to know more about you gang."

"Our gang is a united one like Devils Gang. Lovely's Gang is called Hermosa Gang, nasa ibang bansa ang iba nyang members. Ang gang naman naming mga lalaki ay Poison Gang. Nagjoin kami one year ago." Paliwanag ni Red. Which made me think.

Humihingi ng favour si Drake sa akin tungkol sa pagjoin ng gang nya sa gang ko. Does that mean he wants the Unknown Gang to join? Or Poison Gang?

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon