Special Chapter

1.5K 25 2
                                    

📍Stephanie Nicole Prada Tan Birthday Party

     "Please show your invitations or please state your name," sa unahan ng mansion ng pamilyang Prada ay nakalinya ang mga taong naghihintay para makapasok sa karaawan ni Stephanie Nicole. Napakabusy ng bahay dahil sa kaarawan ng babae.

Hindi umuuga ang linya dahil sa guard na nasa unahan nila. Unti-unting naiinip ang mga bisita, nanduon ang mga taong tumatak sa istorya ng buhay ni Nicole.

"Your name?" tanong nuong guard. Kanina oang naiinis ang mga bisita sa labas dahil sa guard na nasa unahan.

Nakatayo kasi duon si Kent, ang kamyembro ng gang ng asawa ni Nicole. Hindi naman sinabi ng birthday girl na gawin ito pero dahil sa kanyang kakulitan nangyari ito. Kahit kilalang kilala nya ang mga mukha na nasa unahan nya hindi nya sila pinapapasok.

"I'm Kurt." pinapasok ni Kent si Kurt. Sumunod sa kanya ang mga pinsan ni Stephanie. Sina Thunder, Zach, at Ethan. Isa isang sinasabi ng mga bisita ang mga pangalan nila at may isa ding batok ang guard.

Sumunod sa mga magpipinsan ang gang ng may birthday. Sina Kayla, Gail at Ann. Nanduon na din ang gang apat pang myembro ng dating Double Danger Gang, sina Red, Brent, David at Drake. Maya maya sumunod na din ang gang ng asawa ni Nicole. Sina Grey at Renz.

Hindi na hiningi ni Kent ang pangalan ng pamilya ni Stephanie kasi nahihiya sya. Sa kapal ng mukha nya ngayon pa sya nahiya. Bakit hindi na lang nya pakapalin pa ang sarili nyang mukha.

Anyway, pumasok na sa loob ang buong Serpiente Rosa Gang. Nangunguna na naglakad si Black na hindi na pinigilan ni Kent ang iba pang myembro kahit hindi sya masayadong pamilyar sa kanila. Sumunod naman ay ang Hermosa Gang na under na ng clan ni Nicole. Dati silang kalaban pero ngayon ay nagseserve na sila sa leader na si Nicole.  Invited din ang pamilya ng asawa ni Nicole. Ang magasawa na Tan.

At duon nakapasok na ang lahat na bisita. Napakamot sa ulo nya si Kent dahil sumasakit na yung likudan ng ulo dya dahil sa kasasasapok ng mga pumasok na bisita.

Wala pang tatlong put minuto ang dumaan ng lumabas na ang magasawa na sina Nicole at Nicolo. Nagpalakpakan ang mga bisita at naupo ng hinawakan ni Nicole ang mike.

"I'm so happy to see everyone in here. All the important people in my life. Thank you for coming and enjoy my party!"

Katatapos lamang ng pagaaral ang magasawang Tan. Isang buwan na ang nakalipas ng makapagtapos sila. Busy si Nicole sa pagtake over ng Prada Clan at busy naman si Nicolo sa company ng pamilya nya. He's planning to build his own in the future. Nakapagpayo na din ang magasawa ng mansion, na hindi pa nila nalilipatan.

In that short amount of time, nakapagtravel na silang dalawa sa Canada, United States, Paris, Germany. Korea at Japan. Marami ang hanga sa kanilang dalawa.

Nagsimula na ang party, isa itong pool party. Nagsiupuan ang lahat sa mga upuan sa bakuran. At yung iba naman ay nagsimula ng kumain, yung iba ay lumusong na sa swimming pool. Lahat ay masaya. Lahat ay nakangiti.

"Can I get everyone's attention?" lumapit sa microphone ang magasawa. Pinatay ang musikang nagiingay sa buong bahay. Lumapit ang lahat sa pwesto ng magasawa. "Are everyone enjoying?" Nag-cheer ang lahat.

"I just want to say thank you for everything! First of all sa gang ko. Kung wala kayo, talagang maggigiveup na ako sa buhay ko. Kayo yung nagsave sa kin. Kayo yung naging bestfriends at kapatid na hindi kadugo. Sorry dahil minsan napakatigas ng ulo ko. Mahal na mahal ko kayo. Gusto ko ring pasalamatan sina Drake, Brent, David at Red. Nung bago pa lang kayo sa gang, napakasaya ko. Natulungan ko kayo at nasa tabihan ko kayo." saad ni Nicole.

Hinawakan naman ni Nicolo ang mic at tinuro ang kagang nya. "Kent, Grey at Renz. My bros. Thank you for everything! For fighting with me, for beating everyone. Thank you for respecting me as your leader. I owe my life to you guys."

"Hindi mawawala ang pasasalamat ko sa Serpiente Rosa Gang, lalo na kay Black. Alam ko sa sarili ko kung gaano kalaki ang naging parte nyo sa buhay namin ni Hubby," sabi naman ni Nicole ngayon, "Hermosa Gang, be a good and loyal gang to me or I'll kill you. I'm just kidding!"

Nagtawanan ang lahat. Tiningnan ni Nicole ang way ng mga pamilya nya. "Mom, Dad, Ate, Kuya, Baby, Insan Thunder, Insan Ethan, Insan Zach, I know you guys have been through a lot. Nung nawala ako alam ko na nahirapan kayo. Nung pananakit sa sarili ko. Nung may mga sugat ako sa katawan ko. I'm sure you guys have been heartbroken. Pero thank you sa pagsupport nyo sa akin."

"To my passed away bestfriend, Ayah and her brother Kurt, thank you for everything. I will not forget anything you've done for me. I love you both." Nagpalakpakan ang lahat ng matapos magsalita ang magasawa.

"We're not done yet! This is actually not just a party," tumigil si Nicole at tumingin sa paligid, "You are all probably going crazy. Haha."

"Both of us want to announce something. 1. 2. 3." nagcountdown ang asawa. Lumapit sila pareho sa mic at sumigaw. "We are having twins!"

Natulala ang lahat at nanlaki ang mata. Maya maya nagsigawan na ang lahat at pinaligiran ang magasawa. Panay ang yakap ng mga babae kay Nicole at bro hug kay Nicolo. Napakasaya ng lahat sa balita na natanggap.

At duon na nagtapos ang istorya ng magasawa na Tan. Ngayon naman ay ako ang may gustong pasalamatan. Ofcourse sa iyo, na nagbabasa nito. Kung wala ka, wala itong istorya na ito. Maraming salamat sa pagstay until the end of this story!

Salamat sa pagbabasa ng The Nerdy Billionaire at The Married Billionaire! Mahal ko kayo!

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon