[36] Torn and Destroyed

771 14 0
                                    

Chapter 36

    
     Halos wala akong marinig ng natapos ang lahat ng iyun. Ang akala ko magiging okay na kaming dalawa. Na babalik na sa normal ang lahat. Na magkabati na kami. Pero duon na pala nagtapos ang lahat. Wala na. Maya maya, naramdaman ko ang pagalog sa akin ng kung sino. Ramdam ko din ang pagangat ng buong katawan ko.

Malapit na makakapagtapos na kami ni Hubby ng pagaaral. At duon ko sya papakasalan. Pero totoo pala na napapagod din ang isang tao sa paghihintay. Pangako namin sa isa't isa iyun, na magpapakasal kami na totoo. Yung hindi kay Pari Kent.

Those were fun times, full of smiles. But you really can't expect anything and guess the future. Feelings change. His feelings changed. Pero yung akin, hindi.

Ayaw ko mang isipin pero eto na ang pangalawang beses na ako iyung iniwan.  Iniwan ng parehong tao. The first and second chances I gave him just passed like that. Call me desperate, but I'm ready to give him third chance.

I realized na circumstances come and go. At ito ay isa sa mga problema namin. Sana hindi totoo ang lahat na ito. Sana hindi nya sadya. Sana bumalik sya sa akin. At marami pang sana.

Nagkulong ako sa kwarto na kinaroroonan ko for a day without foods and change of bandages on my body. Ayaw kong may pumasok sa kwarto at makita ang sira na Stephanie. I can imagine how I look. Sabog ang buhok at malaki ang eyebag. Wala akong tulog. I probably look pale too.

Urgh, I'm so hungry.

Nagtip-toe ako papalabas ng kwarto ko. Gabi na ngayon kaya tulog na siguro ang mga tao dito. Nagulat ako ng pagkagising ko may mga tao na nasa labas ng pintuan. Napangiti ako ng kaunti. Naalala ko tuloy dati, nangyari na ito. Nandito ang Double Danger Gang, si Kuya, tatlo kong pinsan at si Kurt. Nagulat ako at napangiti ng makita ang gang ni Hubby. Miss ko na sina Kent.

Napahawak ako sa tiyan ko ng magingay iyun. Nagtry akong makapunta sa hagdanan ng walang kahit ano na matapakan. Nung nakarating ako sa stairs napahinga ako ng malalim.

Pagpasok ko palang nakita ko na ang maraming plato ng pagkain ang nakahain duon. Napakagat ako sa ibaba kong labi at nagtry na kumain. Attempting to not have my Hubby in mind kasi maiiyak na naman ako kung sakali.

"Hay bakit may pusa?" naiwan sa ere ang kamay ko at nanigas. Rinig ko ang tawa ng mga tao sa likudan ko. Ngumiti ako ng peke at lumingon sa kanila. Sabi ko kanina na ayaw kong makita nila akong ganito. Again.

Hindi na muna nila ako pinakain at pinahiga para baguhin ang mga bandages sa katawan ko. Panay naman ang lecture sa akin ni Kuya. "You should have never went alone anyway. Alam kong malakas ka pero nagiisa ka? Yan tuloy nagkasugat ka. Paano na lang kung nawala ka na naman sa amin? At-"

Tiningnan ko ng masama si Kuya. Naging nanay na ata sya sa akin. Tumayo na ako ng tapos na akong palitan. Tumakbo ako papunta sa kitchen at lumamon. Napatingin ako sa kitchen at naimagine ko duon si Hubby na tumatawa kasama ako. Nung magkasama kami nagluluto minsan.

Para akong bata na umiiyak dahil napagalitan ng ina at pinipilit pakainin. Patuloy ang patak ng luha ko at patuloy rin ang subo ng kanin at ulam. "Leader, nandito kami para sa iyo." ramdam ko ang yakap nilang tatlo sa akin. Lalo naman akong napaiyak na nagpaiyak din sa kanila. 

I spent the whole day just laying down and let these girls stare at me. Maya maya nakatulog din sila. Maguumaga na kasi. Tumayo ako at binuksan ang pintuan na nagbubukas para makapunta sa kwarto ni Hubby. I stepped in.

The smell made me feel so much better already. Yung perfume nya ay amoy na amoy. Naglakad ako patungo sa higaan nya at yinakap ang sarili kong tuhod at humiga sa tagiliran ko. It seems that there's no tears left for me to cry.

Narealize kong nakatulog na pala ako nung nagising ako. Pero biglaan ang gising ko ng may naalala ko nung nakipagbreak sa akin si Hubby. Naalala ko na kinuha sya ng mga lalaking nakaitim. Baka nasa panganib si Hubby. Pumasok ako sa kwarto ko at sinuot ang reserba kong Princess Killer outfit.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko duon si Kuya. Kita ko ang pagkunot ng noo nya. "Princess. You are not going anywhere!" napaatras ako dahil sa pagsigaw nya. "At sino naman ang pupuntahan mo? That bastard Nicolo?"

Napatingin ako sa sahig since nahihiya akog tumingin sa mata ni Kuya. Hindi nya ako mapipigilan. "Nakidnap si Hubby, Kuya! I saw it with my own eyes!"

Napahawak si Kuya sa bridge ng ilong nya. "Ngayong araw ikakasal si Nicolo, Princess. I'm sorry but it's over you'll get hurt over and over again." Nanlambot ang tuhod ko. Hinawi ko ng mahina si Kuya at bumaba ng hagdan. Pupuntahan ko sya.

Tatanungin ko sya kung okay lang sya. Tatanungin ko din sya kung ito na ba ang desisyon nya. Para hindi ko na muli iyakan ang taong hindi naman ako babalikan.

Sumakay ako sa aking Ferrari at pinaharurot iyon sa place na sinabi sa akin ni Kayla bago ako umalis. Yuon daw ang place ba nasa invitation na ibinigay ni Althea dito sa bahay. How cruel is that? She's casually giving the supposed to be fiancé an invitation.

Nung nakarating ako sa place napangunot ang noo ko. It's not a church, not even a reception. Isang abandoned school ang napuntahan ko.

Is this a trap?

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon