[12] Safe for Now

907 19 0
                                    

Chapter 12

Kahit nakadating na ang tatlong anak ni Manang dito hindi pa rin ako mapakali dahil sa tagal ng dalawa pang bata na kapatid ng isang maid na nangangalan na Jamie. Kanina pa syang umiiyak na lalo pang nadagdag sa problema ko.

"Don't worry Wifey. They'll come. Wag tayong mawalan ng pagasa." yinakap ko muli sya ng sobrang higpit.

Napahiwalay ako ng sobrang bilis ng biglang may pumasok sa gate. Tumakbo ako palabas at sinalubong ang dalawang bata. Twins ang dalawa na 16 years old, isa ay lalaki at ang isa naman ay babae. Pagkalabas nila ng sasakyan mukhang confuse sila. Talagang binilin ko na wag sabihin sa mga bata ang nangyari.

"Manang pakibilin po sa driver na ilabas ang dalawang van at duon tayo sasakay papunta sa bagong bahay na tutulugan nyo pansamantala," nung nakaalis si Manang mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nakita ko si Hubby sa bukas na pintuan na nagiimpake.

Nilapitan ko sya. "Bakit ka nagiimpake?" pinigilan ko sya at ibinalik lahat ang damit na kinuha nya.

"Ako ang sasama sa kanila duon. Magpahinga ka na muna dito sa bahay Wifey. Tatawagan ko si Kayla dito." wala na akong nagawa. "Sa school na lang kita kikitain bukas. Mahal kita." at kiniss nya ako sa lips ko.

We're safe for now pero salamat at nakadating sila ng ligtas. I owe this one to my Kuya Bryan and Hubby.

Patakbo akong pumasok sa classroom ng makadating ako sa school. Nanlumo naman ako ng hindi ko sya nakita duon. Parang over reacting ako dahil sobrang aga pa nandito na ako. Halos hindi nga ako makatulog kagabi.

Feeling ko mahihimatay ako maya maya lang kasi hindi rin ako nakakain. Ininom ko na lang tubig ko.

Isa isang nagdatingan ang mga classmates ko na puro good morning sa akin pero hindi ko sila nabati pabalik dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Hihintayin ko si Hubby dito. Baka kasi pag-umalis ako dito hindi nya ako makikita.

"Good morning Leader!" saludo sa akin ni Kayla. Mukhang hindi nakadating sya sa bahay kagabi.

"Okay ka lang ba?" walang gana kong tanong. Nagalala rin ako sa kanya kagabi. Hindi ko kasi sya macontact.

Kita ko ang pagtigil nya. Nawala ang ngiti nya pero bumalik rin nung nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Confirmed. Meron ngang problema si Kayla. "Tell me whatever problem you have Kayla. You can trust me with anything." nabigla ako ng bigla syang umiyak.

Napatakbo ako papunta sa kanya at dali dali syang niyakap. This is the first time I saw her cry this much. Pinadaan ko ang kamay ko sa likod nya oara patahanin sya. Pahikbi hikbi pa syang nagsalita, "Kahapon habang papunta ako sa bahay mo."

"May humarang sa akin na mga lalaki at, at," napahagulhol muli sya. Napatigil ako, sana hindi, sana hindi totoo ang iniisip ko. "Pinagsamantalahan nila ako."

Napaupo ako sa sahig at napaiyak. Para tuloy akong nawawalan ng hangin. Sobrang gutom rin ako. Biglang umikot ang mundo ko.

"Wifey!" napangiti ako nung narinig ko ang boses ni Hubby.

Nung nagising ako, paghawak sa aking tiyan ang agad kong ginawa. Gutom na gutom na talaga ako. A picture of pizza and fries entred my mind. Gutom na me.

Bigla ko narinig ang sigawan ng tao sa paligid ko. Iginala ko iyon at nakita ko ang Devil's gang at sina Drake. Pero sa lahat ng tao na iyon si Hubby ang tinitigan ko. Napabuntong hininga ako ng tiningnan ko sya mula sa ulo papunta sa paa nya.

Napatigil ako ng may bigla akong naalala. Si Kayla. Hinanap ko si Kayla sa mga tao dito at nakita ko sya sa tabihan ko. "Leader! I'm really sorry." magkasama pa talaga yung palad nya. "Muntik na nila akong pagsimantalahan pero hindi nila nagawa dahil sinagip ako ni Renz."

Parang biglang lumuwag ang mundo ko ng sinabi nya iyo. Lumapit ako sa kanya na nagpaflich sa kanya. Pero hindi ko gagawin ang ineexpect nya. Yinakap ko sya at hinalikan ang ulo nya ng paulit ulit. Para tuloy naging nanay ako.

"Thank you Leader. Pero I think you should eat now." tumingin sya sa tiyan ko na nagpatawa sa akin. Kanina pa ito nagtatawag.

Napatingin ako sa pinto ng clinic ng biglang pumasok si Kent na may dalang pizza box. "Nandito na ang hero ng tiyan ni Nicole!" napatawa ako at excited na gumalaw dito sa upuan.

"Gusto ko nga palang pagusapan yung mga lalaking humarang sa'yo kahapon. Nakita mo ba ang mukha nila or kahit na anong signs para matrack ko sila?" hinding hindi mo ito papalampasin.

"Naalala ko lang na may cross na may pink na ahas na nakapalibot dito sa tattoo sa braso nila." nalaglag ang pizza kong hawak at lumingon sa kanya.

Natahimik ang lahat ng sinuntok ko bigla ang dingding. "Humanda silang lahat sa akin. Nakakadami na sila."

Biglang lumapit ang lahat sa akin at kinuha ang kamao ko. Pero hindi ko yun ininda at napaisip na lang. Hinding hindi ko sila pananatiliin na maganda ang buhay sa mundong ito.

A cross with a pink snake around it. I'll find your leader.

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon