[28] Training

616 14 0
                                    

Chapter 28

@Janaxo29 : Malapit na ang mga exciting part. Hintay lang po malapit na tayo!

     Hindi na ako tumuloy na pumasok at dumaretso sa park na memory namin ni Hubby. Tinext ko na si Kayla para hindi nila ako hanapin. Gusto ko rin mapagisa at para makapagisip. Gusto ko ng matapos ang problema na ito. Para mahanap ko na si Hubby at makasama ko na sya. Habang kinakain ko yung cotton candy napatitig ako sa sahig at nagsimulang magisip.

For sure, dalawa ang posibleng cause ng lahat na ito. Ang death threats, ang mutikan na rape kay Kayla, ang pagbugbog kay Hubby and maybe ang nangyari kay Kuya Bryan. It's either Tan Clan, which include Serpiente Rosa Gang. O kaya ang Hermosa Gang.

Para malaman iyun kailangan ko silang lumabas ng kanila. Kapag nakuha ko ang result kay Kuya Bryan tungkol sa Hermosa Gang baka makatulong ito. Pero ngayon training. Training ang kailangan ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may biglang tumawag duon. Napataas ako ng kilay ng makita ang number ng pinsan ko. Si Kuya Thunder. Sinagot ko ang tawag. "Pinsan!" rinig ko yung boses ni Kuya Ethan sa background. Napangiti ako.

"Kamusta na po mga pinsan ko? At si Kurt?" narinig ko ang hello ni Kurt ni background. Tumayo ako mula sa upuan ko at naglakad patungo sa kotse ko.

"Princess. Pauwi na nga pala kami next week. We're just calling para sabihin iyun sa iyo. Bye na princess at masisira na ang phone ko sa mga baboy na ito." napatawa ako at nagbabye. Napangiti ako. It's been awhile since I've heard their voice. I'm happy.

Nung nakapasok ako sa kotse kinuha ko muli ang cellphone ko at tinawagan si Kayla. "Gusto ko na ulit magstart ng training. If you guys are interested punta lang kayo sa bahay." Ako ang magtratrain sa sarili ko. Ganito rin naman kami dati. Nung nagprepare kami nuon sa Year End Gangster War.

Mabagal akong nagdrive pauwi. Wala akong ganang umuwi like always. Pagdating ko napahiga ako sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nung nagising ako kinabukasan hindi ako nakakain at napakasakit ng braso. Mukhang nakatulog ako ng naipit ang aking braso. Tsk.

Pagdating ko sa school hindi na rin ako nakakain dahil late na ako. Malapit na ang finals namin pero parang wala akong kaalam alam.

Wala akong pinansin ng araw na iyun. Wala ring good morning ang mga kaklase ko. It's a sign that I don't want to talk to anyone. Parang dadating na ulit si Red Days. Nagkakamood swing ako. Pero maya maya smile na naman ako. Hayy.

"Leader. Gusto naming sumama sa training. Ikaw ba ang magtuturo?" napangiwi sya ng tumango ako. Hindi naman ako brutal sa pagtraining ah? "Hindi kami pupunta ngayon leader. Sa isang araw na siguro."

Mukhang hindi rin ako magtratrain ngayong araw dahil wala ako sa mood. Hay, dapat nagstart na akong magtrain ngayon eh. That way mas madali akong mapapalapit kay Hubby.

  
      Ng nakadating ako sa bahay nagulat na lang ako ng may nakita akong box na naghihintay sa labas ng bahay. Nilapitan ko ito at ipinasok sa loob. Wala itong pangalan or address pero binuksan ko iyon. Nangunot ang noo ko ng may nakita akong teddy bear na napakacute. 'This is a sorry gift Wifey from your Hubby.' nanlaki ang mata ko at hinug ang teddy bear. Napangiti ako ng sobra.

Maya maya tumulo na rin ang luha ko. Dahil dito mas lalo kong namiss sya. Nagmulat ako tumayo. Magsisimula na akong magtraining. Para kay Hubby!

Pumasok ako sa room na puro equipment at kumuha ng weights. Naglatag ako ng mat at nagstretch. Pagkatapos ko magstretch nawalan kaagad ako ng hininga. Ganun na ba ako kaweak? Ang bilis ko mawalan ng stamina. What the?

Pinilit ko ang sarili ko at nagsimula ng 50 counts ng lahat na exercises na ginagawa ko dati. Nagsuntukan din kami ng punching bag. Napatigil ako ng kumulo ang tiyan ko. Wala pa nga pala akong nakakain. Napabuntong hininga ako at lumapit sa threadmill. Tumakbo ako for 30 minutes straight.

Naglupagi ako sa sahig at panay ang habol ng hininga. Napapikit ako ng muntikan na magdark ang paligid ko. Kailangan ko na kumain. Inabot ko ang tubig at inubos iyun. Nagdaretso ako sa kitchen at binuksan ang ref. Naibati ko ang bote ko ng walang laman iyun.

Magisa ako dito. Wala ako sa tamang pagiisip para itake care ko ang sarili ko. Napahiga ako sa sofa muli. Sarado na ang mga supermarket. Bukas na lang siguro.

Nung nagising ako ng umagang iyon nagulat ako ng nakita ko sina Kayla na nandito sa bahay. Napatayo ako at lumapit sa kanila sa kusina. "Bakit kayo nandito? Dapat nasa school kayo."

"Leader, sabado po ngayon. At hindi kayo sumasagot sa tawag namin. Nagalala kami kaya dumaretso kami dito." napangiti ako at nilapitan sila. Kumulo ang tiyan ko ng nakita ko ang niluluto nila. Spaghetti. Yum.

Umupo ako sa dining table at hinintay sila matapos. Gutom na talaga ako. Nilamon ko ang pagkain nung nilapag ni Gail ang plato sa unahan ko. In a minute wala na agad iyong laman. "Ah, leader. May sasabihin nga pala kami."

Of course, hindi sila ganun ganun lang na pupunta dito para ipagluto ako. Nagtaas ako ng tingin at tiningnan sila. Tinaasan ko sila ng eyebrow.

"Si Leader Nicolo kasi," napatingin ako sa teddy bear na nasa sala, "Alam na namin kung nasaan sya." napalingon ako sa way nila in a snap at napatayo. Naghintay ako ng sagot nila pero hindi sila nagsasalita.

"Ano na Kayla? Wag mo naman akong paghintayin dito. Nasaan sya?"

"Nandito sya sa Pilipinas, Leader. Pero paalis sya ng totoo ngayon papunta sa France," napaupo ako sa sahig. "Currently na po syang nasa plane."

Napapikit ako. Hindi ako iiyak.

Kaya pala pinadalahan nya ako ng sorry gift. I'm speechless. Hubby bakit ganito? Bakit mo ako ginaganito?

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon