[19] Spying on Unknown Gang

752 15 0
                                    

Chapter 19

       Lumipas ang lunch at last period ng sobrang boring at nakakaantok. Natulog ng sobra si Hubby na parang pagod na pagod sya. Minsan naririnig ko pa syang naharok. Napangiti tuloy ako at hinayaan na lamang sya. Kaya nakinig ako minsan sa teacher.

Hindi pa natunog ang last bell ng biglang nagtayuan sina Drake, Red, Brent and David. Nakita ko rin si Lovely sa labas ng room. Kumaway ako sa kanya at kinawayan naman ako pabalik. Nagtinginan kami ni Drake sandali pero nagiwas ako ng tingin. Para kasing kinaakusap nya ako gamit ang titig nya.

Paglingon ko sa mga katabi ko mukhang may gusto silang sabihin sa akin. Lumapit si Kayla sa tenga ko at bumulong ng sobrang hina. Nasa tabihan ko pa kasi si Hubby baka marinig nya. "Sundan kaya natin sila Leader?"

Napakagat ako sa aking labi kasi kanina ko pa rin yun iniisip. Lumingon ako kay Hubby at sinilip sya. Natutulog pa rin sya. Hinawakan ko ang pisngi sya at tinapik ng mahina. "Aww, haha just joking Wifey." nagulat ako dahil dun.

"Hubby, pwede bang gumala muna kaming apat? Matagal tagal narin na lumabas kami together." nagpuppy eyes pa ako sa kanya. Napaisip sya at tumango. Napangiti ako at yinakap sya. I'm thankfuk for this.

I don't know if this counts as lying but lalabas naman talaga kaming apat pero may susundan lang kami. "See ya sa bahay Hubby!" sigaw ko at tumakbo palabas.

Sumakay ako sa kotse ni Kayla since wala akong sariling kotse. Nagpaharurot sya ng kotse at may sinundan sa gps. Napangisi ako mukhang may tracking device sya na nakakabit sa kotse ng mga lalaki. Nanlaki ang mata ko ng napakabilis ng takbo nila.

"I'm going high speed leader! Kapit po ng mahigpit!" napakapit ako at napapikit. Super bilis namin!

It took us 10 minutes para makacatch up sa kotse na hinahabol namin. Napabuntong hininga naman ako. Matagl na since nakasakay ako sa mabilis na sasakyan. If you think about it sa sobrang bilis ng takbo nyo at may nabangga ka, tapon ka sa unahan ng kotse. May chance na lumabas ka pa ng bintana. Just the thought of it makes me shiver.

"Mukhang may pupuntahan sila sa isang subdivision. Mukhang magkakasama sila sa bahay Leader. Duon sila lahat papunta." tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. Pumasok kami sa isang mayayamanin na village. Muntikan pa kaming harangan ng guard.

"Mendez," saad ni Kayla at pinapasok na kami ng guard. Napangisi ako at nagthumbs up. Napangiti naman sya.

Tumigil kami malayo layo ng kaunti sa tinigilan nila at hinintay sina Gail at Ann. Magkahiwalay ang dalawa ng kotse, sana papasukin sila. Pinatay ni Kayla ang kotse at lumabas, dali dali akong tumago sa likudan ng isang bush.

Inilabas ko ang aking ulo ng kaunti at sumilip sa nangyayari across the road. May tinigilan sila na isang bahay na hindi ganuon kalaki pero napakamodern ang design. Naghintay sila sandali ng maaninag ko si Manang. What the?

After ng death threat na sinend ng Serpiente Rosa Gang sa bahay dito ko sinend ang mga bata dahil ito ang ibinigay sa akin ni Kuya Bryan. Hindi ko pa ito navivisit dahil si Hubby palagi ang pumupunta dito. Nilingon ko si Kayla, "Dito nakatira ang katulong ng bahay at ang nakarecieve na death threaths."

Paglingon ko hindi ko na nakita ang apat na lalaki, mukhang nakapasok na sila. Gusto kong pumasok at kausapin silang apat kung bakit alam nila ito.

Kung sila nga ang Unknown Gang hindi ko makita ang rason kung bakit nila ginagawa ito. Wala silang koneksyon dito unless meron talaga na hindi ko alam.

"Papasok ako sa loob since kakilala naman ako ni Manang, icoconect ko na lang kayo sa cellphone ko kung gusto mo." umiling si Kayla at hinayaan na ako. Nagsimula akong maglakad patungo sa main gate at nagdoor bell.

Isang minuto ang dumaan. "Ma'am! Pasok po kayo! Napadalaw kayo?" sumalubong sa akin ang panganay na anak na babae ni Manang. Hindi ko tanda ang pangalan nya dahil ilang beses ko pa lang sya namemeet.

"Ahh, kakausapin ko lang sana si Manang," kinuha nya yung bag na dala ko, "Salamat." Naglakad ako papasok sa bahay. Ang una kong nakita duon ang ang grupo na nakaupo sa sala. Tumigil ako sandali at nakinig. Mukhang may pinaguusapan sila.

Napakagat ako sa labi ko. Mukhang nandito sila para tumulong. "Wag po kayong magalala. Makakasiguro po kayo na wala ng aatake sa inyo."

Nagfake cough ako at nagpakita sa kanila. Mukhang nagulat naman silang lahat. Nakita kong tumayo si Manang sa kinauupuan nya at lumapit sa akin. "Iha! Naku buti nandito ka! Papakilala ko sa iyo ang mga bata na ito! Napakalaking tulong nila!"

Ngumiti ako. "Kakilala ko po sila Manang. Pwede po bang kausapin ko muna sila?" tanong ko at tumingin sa apat na lalaki. Nginitian ko sila at naggesture na lumabas kami. Tumayo sila at nagpaalam kay Manang. Lumabas ako at hinintay sila.

From here nakita ko na kadadating lang nina Gail at Ann. Tumago sila kasama ni Kayla na nagpatawa sa akin. Nalaglag kasi si Ann sa sahig. Kumalma muna ako at tumingin kina Drake.

"I think you know why I followed you guys way back from school to here. Right? Unknown Gang?" nakita kong ngumisi si Drake sa akin. Napatampal ako sa labi ko. Lumabas kasi yun ng mali.

I said, this matter actually does not matter. Tinulungan nila ako sa investigation dahil kaibigan nila ako sa totoong buhay. "I think that came out wrong pero gusto ko lang talaga magpasalamat sa lahat."

Nakita kong nagtinginan sila sa isa't isa. "Alam ito ng gang ko at may plano akong sabihin ito kay Hubby unless ayaw nyo."

"Katulad ng sinabi ko nuon, kapag kailangan namin ng tulong hihingi kami sa iyo." tumango ako at nagbow sa kanila. Napaatras sila at nagulat.

Napangiti ako. "Aalis na ako. See you tomorrow sa school."

Hinatid na ako ni Kayla pauwi. Nagpasalamat naman ako at lumabas ba ng kotse. Madilim na sa labas pero nung nakita ko ang bahay napakadilim. Nangunot ang noo ko at dahan na dahan na lumapit sa gate ng bahay. Nagulat ako ng may biglang lumabas ng gate na nagmamadali.

Hahawakan ko na sana ang lalaki ng tinulak nya ako. Napalingon ako sa leather jacket nito. 'Serpiente Rosa Gang'. Nanlaki ang mata ko at pumasok sa loob.

Bigla akong napaupo at napasigaw. "Hubby!"

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon