[7] Transferee

1.7K 44 0
                                    

Chapter 7

"Tsk, bakit ba bigla kayong tumakbo?" naiinis na tanong ni Nicolo sa amin. Umalis na ang limang transferee sa parking kaya kaming apat ang natira dito. Naging nervous ako nung galit na lumapit sina Nicolo dito.

"Ah may narinig kasi kaming bagong transferee kaya tiningnan namin" paliwanag ko. Kita ko naman yung kunot ng noo nya.

"Tsk. Let's go. Bibilhan kita ng pagkain." Huh? Diba may klase pa? First day namin ngayon.

"Paano ang klase?" tanong ko.

"Mamaya na kapag nakakain ka na."

"Pero nakakain na tayo ng breakfast hindi ba?"

"Fine. Just drinks." napangiti naman ako. Niyakap ko yung braso nya at ilagay ang ulo ko dun. Para naman hindi sya magalit tungkol kanina.

"Tingnan mo yung tenga ni Leader namumula." rinig kong sabi ni Renz sa likudan namin.

"Shut your freakin mouth Renz." tiningnan ko naman yung tenga ni Nicolo at namumula nga! Totoo bang namumula ang mga lalaki kapag kinikilig? Or natatae lang sila? Ewan? Baka?

Nung nakarating kami sa cafeteria nagorder lang kaming walong iced coffee at naupo sandali sa loob. At nung 10 minutes later, napagdesisyonan namin na pumunta na sa classroom.

Nung nakarating kami sa classroom, abala naman ang mga classmate namin katitingin sa likod. Napatingin rin ako sa tiningnan nila.

Huh? Yung mga transferee? Kaklase pala namin sila. But puro lalaki lang sila? Nasaan ang mga babae? I want to be friends with them.

"CUTE GIRL" napatingin ako dun sa sumigaw. Isa sya sa tranferee. Bigla naman syang nahiya at namula, ang cute nya! I want to pinch his cheeks!

Naglakad ako at lumapit sa kanya, ngumiti ako at kinurot yung pisngi nya. Halata naman syang nagulat pero kinurot ko parin yung pisngi nya.

"Hi! Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong.

"A-ah ako si Red." napangiti naman ako.

"Ang cute mo!" sabi ko.

"Ang cute mo rin, hehe." halatang nahihiya sya pero sinabi nya. Napatingin naman ako sa katabi nyang nakanganga.

"Hi? Anong pangalan mo?" nabalik naman sya sa katotohanan at ngumiti.

"Ako si David." tumango ako at ngumiti ulit sa kanya. Inalabas ko yung kamay ko para makipagshake hands sa kanya nung may nagsalita.

"Parang familiar ka miss, nagkita na ba tayo dati?" sabi nung lalaking evil. Hmp hindi ko sya kakausapin.

Nagsimula na yung klase at magiba iba kami ng upuan. Syempre magkatabi kami ni Nicolo at sina Kent naman ay kung saan na umupo sa natitirang anim na upuan.

"Are you bored?" bulong ni Nicolo sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Halatang bored na bored na sya dahil parang pipikit na yung mata nya.

"A little bit. Gusto mo bang matulog? Pwede kang matulog sa balikat ko."

"Thank you. I love you." sabi nya sabay lagay ng ulo nya sa balikat ko. Nakinig ako sa klase at nakatingin lang sa guro.

Nagulat ako ng may ulong biglang lumingon sa unahan namin. Nagulat ako sabdali. Pero si Red?

"Hi? Bakit sya nakaganyan sa balikat mo?" biglang tanong nya. Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Nicolo?

"Bakit mo naman natanong?" pabalik na tanong ko sa kanya. Kita kong napakamot sya sa ulo nya.

"Curious lang ako kung ano yung relationship nyo." tumango ako.

"Boyf---" napatingin ako nung biglang nagsalita si Nicolo. Napahawak ako sa dibdib ko, grabe nagulat ako dun.

"She's my wife." halata namang nagulat si Red at biglang napalingon lahat ng lalaking kasama nya.

"What? May asawa kana?" biglang sigaw nung si David? Yeah David.

"Yes. Why do you even care?" heto na naman yung pagiging masungit nya. Siniko ko sya sa tiyan nya at tiningnan ng masama. Nagtatanong ng ayos sila.

"A-ah hindi ba, bawal yun?" sabi ni Red.

"Ah Red, hindi pa naman kami kasal. But fiance ko sya." bigla ko naman narinig yung pag 'tsk' nya sa balikat ko.

"Ahhh. Okay." halata naman yung disappointment sa boses nya. Nginitian ko na lang sya.

"What do you want to eat, Wifey?" napa 'huh' naman ako sa wifey. Wah ang corny.

"Wifey?"

"Yun ang itatawag ko sa'yo from now on." napangiti ako. Ang cute kasi ng Wifey, should I call him Hubby?

"Okay, Hubby." biglang nagkantyawan ang buong gang dahil dun.

'Yun naman dumadamoves si Leader!" sigaw ni Renz.  "At namumula pa. Haha!" napatingin naman ako sa tenga or pisngi ni Nicolo uli. Namumula yung tenga nya.

"Shut up." napatigil sa kantyawan ang gang nung biglang may lumapit sa table namin sa cafeteria.

"Can we join your table?" napatingin ako sa nagtanong. Si David. Magkakasama silang apat.

"Sure." sabi ko. Umupo na sila sa rable namin. Nakita ko kasi na wala ng bakante dito sa cafeteria. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Nicolo.  "Hubby gusto ko ng 1 slice of cheesecake bago isang banana drink." napataas naman yung kilay nya.

"No you won't order that. Ang unti naman nun. You need to eat a lot of food, namamayat ka na." napanguso naman ako at tumango sa kanya.

Umalis naman ang mga lalaki at umorder ng mga pagkain. Nakasanayan na kasi nina Grey na bilhan sina Kayla kapag lunch. Nanlaki yung mata ko nung biglang dumating si Nicolo na may dalang tray. At may nakasunod sa kanyang lalaking may hawak rin ng tray.

Nanlaki yung mata ko ng nakita kung ano yung laman nun.  "What the f!" biglang naglare si Nicolo sa akin nung narinig nya akong magmura.

"No cursing. " sabi nya sabay lapag ng tray sa table namin. May pizza, chicken, fries, some foods na nakakataba. Grabe ang rami! May cake pa tapos may ice cream pa!

"Woah ang dami naman nyan leader! Para sa buong gang ba yan?" nanlaki yung mata ko at napatingin sa kasama namin sa table. Bakit ang daldal ni Kent?

"Gang?" nagtinginan silang apat. All of the students at the school know na ako si Princess Killer dahil dun sa pagbalik ko nuon.

"Ahh oo may gang kami." ang daldal naman ni Kent! Napakamot ako sa noo ko.

"Really? Anong pangalan?" tanong nung mukhang evil. Hindi ko pa alam yung name nya.

"Kapag pinagsama kami ang Devil Gang, kilala nyo ba kami?" sabi ko habang nasubo ng fries. Nakita ko naman ang paglingon nung cold na lalaking may red na buhok.

"What?" bakit biglang lumamig?

The Married Billionaire | fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon