Chapter 35
"Sinundan nina Kurt at ng mga pinsan mo si Nicolo at totoo ngang umalis na talaga sya ng country," sinabi iyun sa akin ni Kayla habang nakatingin sa sahig. Nangunot ang noo ko at napangisi ng may narealize ako. Humiga ako muli sa higaan.
"He's with that girl right?" tumango sya sa akin. "Do one thing for me, alamin mo ang lahat na makakaya mo tungkol sa kanya." napahinga ako ng malalim. Tinitigan ko ang kisame hanggang makatulog ulit ako.
Nagising ako maya maya at nagulat na lang ako ng may impormasyon na si Kayla na ibinigay sa akin. Binuksan ko ang folder na nasa ibabaw ng table sa tabihan ng hospital bed ko.
'Althea Corazon' yun pala ang pangalan nya. Isa syang graduated student na currently in training para magtrabaho sa company ng pamilya ng mga magulang ni Hubby. Galing ang babae sa isang mahirap na pamilya na mayaman dati. Itinapon ko ang folder sa sahig at napatulala ng makita ang huling sentence na nanduon.
So, she is a fiancé? When I am the fiance for fvcking sake.
"Leader!" napaupo ako at tinitigan si Gail ng bigla syang pumasok ng hospital room ko. Napahawak ako sa dibdib ko. "Nicolo is back! I know it's so confusing pero nandito na ulit sya sa Pilipinas!"
Apparently nung nalaman nya na naospital yung fiance nya bumalik. But what's the heartbreaking part is. Hindi ako yung fiance na pinunta nya. Apparently naospital ang babae na si Althea. Alam ko iyun. Kasi unting unting nawawalan ng pagasa ang aking puso at isip. "Y-yeah. Very exciting."
"Gusto ko na madischarge. Pakibayadan ng hospital bills ko uuwi na muna ako." lumabas ako ng kwarto at naglakad papalabas ng hospital. Kinuha ko ang wallet na nasa bulsa ko at kumuha ng twenty pesos at inihanda. Sumakay ako ng jeep, nagbayad at hinayaan na lamang itong umandar.
Hindi ko namalayan na gabi na pala. Ako na lamang ang nasa loob ng jeep at kanina pa pala ako tinatawag ng driver. Bumaba ako ng jeep at ginamit ko naman ang paa ko para dalhin ako kung saan.
Hanggang nag-giveup ang mga paa ko. Humiga ako sa daan at tumingin sa langit. Saan ba naging mali? Napatawa ako nung narealize ko na mas masakit pa ito sa break up nuong high school.
Unting unti nagsara ang mga mata ko. At sa pagsara nuon ay sumabay ang mga patak ng ulan. Haaa, biglang lumamig ang paligid.
"Wifey!" ano ba ito? Naririnig ko ang boses ni Hubby. Naggiveup na rin ang sarili ko at natulog. Pagod na pagod ako.
Nagising ako ng may ingay na mukhang nagaaway. Inilagay ko ang kamay ko sa tenga ko at pilit na matulog. "BAKIT ANG INGAY?!" natigil ang lahat kaya bumalik ako sa pagtulog. I want to dream again. Ibalik mo si Hubby sa paniginip ko. Tulog. Tulog.
"Wifey?" bakit ang realistic naman nung panaginip ko. Napamulat ako ng nagingay na naman ang mga tao sa paligid ko. Tinapon ko ang unan ko sa direksyon nila at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa paligid.
Nandito pala ako sa bahay namin ni Hubby. Napabuntong hininga ako at bumaba. Uminom ako ng tubig at muntikan ng malunod ng bigla na lang pumasok si Ann ng kusina. Pumasok kasi yung tubig sa ilong ko. Hinampas ko sa braso si Ann at humingi ng tissue. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Leader? Ayos ka lang ba? Nawawala ka na ba sa isip mo? Hindi mo ba sya kita sa room kanina?" nangunot ang noo ko at inignore sya. Pumunta ako sa living room at binuksan ang tv. Naghanap ako ng panunuodin. "Leader!"
"Why the fvck are you screaming for? I'm right here! Right in front of your fvcking eyes!" nakita ko naman ang pagatras nya.
Ano ba naman ito nahihigh blood ako. Nagsorry ako kay Ann. Napatingin ako sa taas ng hagdanan ng bumaba duon si Kuya. What? Nandito si Kuya? "Princess? Anong nangyayari?"
Muntikan na akong mapatawa ng muntikan na syang madulas. Nakamedyas kasi sya at madulas ang stairs. Binuksan ko ang mga braso ko at yinakap ang Kuya ko. Nakita ko din sa taas ng hagdanan ang mga pinsan ko. Kinawayan ko sila at ngumiti. Naiwan sa ere ang kamay ko ng may nakita akong bulto ng tao duon. Ayaw kong makita sya ngayon. Bakit sya nandito?
Nagiba ang timpla ng mukha ko. Kita ko ang lungkot sa mata ng taong pinakamamahal ko. Kita ko ang pagstep forward nya kaya umatras ako kahit napakalayo nya sa akin. Tumakbo ako palabas ng pintuan at papunta sa labas ng bahay. Hindi na ako lumayo kasi masakit pa ang katawan ko.
"Wifey?" rinig ko ang boses nya galing sa likudan ko. Hindi ako lumingon. Baka kasi kapag tumingin ako, yakapin ko sya at hindi nya paalisin. "You probably don't want to hear this right now pero I'm so sorry."
"Takot ako sa mga magulang ko kaya hindi ko silang hayaan na makalapit sa iyo. Alam ko na under sa kanila ang Serpiente Rosa Gang. Alam ko na pinipilit nila si Althea sa akin. Alam ko na sasaktan ka nila. Alam ko na mahal na mahal kita. Alam ko na ayaw na ayaw kitang masaktan. Alam ko na hindi ko kakayanin na mawala ka."
Unti unting bumagsak ang luha ko. Para tuloy naulan. Napahikbi ako ng mahina. "Sana alam mo na mahal na mahal kita. Sana alam mo na ikaw lang ang nasa puso ko." Tumabi sya sa pagupo ko dito sa daan at pinunasan ang mga luha ko.
Kita ko ang pagtingin nya sa malayo, napatingin sya pabalik sa akin at inalis ang hawak sa mukha ko. "Pero hindi ko na kayang maghintay. Ikakasal na ako. Gusto ko ng makipagbreak, Nicole."
It happened so quickly. Napatunganga ako at napaiyak. Nanlaki ang mata ko ng may mga lalaking humila kay Hubby. Pipigilan ko sana sila ng may lalaking nagtutok ng baril sa ulo ko.
Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang.
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Fiksyen RemajaWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...
