Chapter 30
Napakagat ako sa aking labi the whole time na binabasa ko ang email na sinend ni Kuya. Pinrint ko muna ang document at dinelete ang email. Even though the program Gangster World has is protected you still won't know. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
'Hermosa Gang has been active since 2016. They have 4 members even though they used to have three members when they started. The gang is under Tan Clan.'
Hindi ko pa natatapos ang pagbabasa pero sure na sure na talaga ako. Tan Clan you are behind all of these shits?
Naghanda ako ng moment na nalaman ko iyon. Hindi ko na pala kailangan magchoose kasi pareho naman silang under sa same clan. For all these time pilit akong nagiging sure dahil ayaw kong iattack ang maling tao pero lahat sila under that clan.
Pero napatigil ako. Tan Clan. Muntikan ko ng makalimutan na kapamilya ito ni Hubby. Isa silang Tan. Pamilya ng taong mahal ko. Napagrab ako sa buhok ko.
"Ano na ang gagawin ko?" napatingin ako sa sala ng may narinig akong boses, si Black, "Iyan siguro ang nasaisip mo?" kita ko yung tawa nya. Napangiti din tuloy ako. Nawala iyun ng may black eye sya. Napalapit ako sa kanya.
Nakita kong iniwas nya yung ulo nya sa akin. Naiwan tuloy sa ere ang kamay ko. Ibinaba ko iyon at dumaretso sa kitchen at kinuha ang emergency kit. Naglakad ako papalapit sa pwesto ni Black at tinabihan sya. Hinawakan ko yung mukha nya at sinimulang linisin ang small cuts nya. Kumuha rin ako ng icebag at ipinatong iyon sa mukha nya.
Panay ang titig nya habang ginagawa ko iyun. "You will regret helping me Nicole." hinang hina nyang sabi. Napakagat ako ng labi at inihiga sya sa sofa. Pinatulog ko muna sya. Kinuha ko ang document na pininrint ko kanina at shrined iyun. Para wala ng makabasa pa duon.
Tiningnan ko si Black bago pumasok ng kusina. Pero napatigil. Wala nga pala akong grocery. Dali dali akong lumabas ng bahay at nilock iyun. Sumakay ako sa kotse at pumunta sa malapit na supermarket.
Nung nakabalik ako sa bahay hindi ko na nakita si Black duon. Nagiwan narin sya ng note sa ref na umalis na sya kasi may gagawin sya. Napalabi tuloy ako at nagluto na lang ng pagkain para sa sarili ko.
Maya maya nagulat na lang ako ng nakita ko sina Kayla sa sala. "Pinasend kami dito ng kuya mo Leader. Mukhang may pinaplano ka daw kaya nandito kami para pigilan kang pumunta magisa." napangisi ako. Of course, hindi ako papalampasin ni Kuya ng ganun kadali. But I got the info that I needed.
Now I have to pursuade them na pupunta ako magisa.
"I'm telling you guys na huling beses ko na ito sasabihin. Ako ang magisang pupunta duon. Walang mangingialam sa inyo!" nakita kong napatayo si Ann. Lumapit sya sa akin.
"Leader! Please! Marami ng napatay ang Tan Clan, nalaman namin iyun. At kahit fiance ka ng anak nila hindi ka nila papalampasin. Kaya please!" sinuntok ko ng malakad ang table na nasira ito. Nakita ko namang napaatras silang tatlo. Napabuntong hininga ako.
"Walang makakaalam kung kailan ako aatake, kahit kayo. Do not! Do not even think of interfering. Kahit na mamamatay na ako kapag nakita ko kayo duon hinding hindi ko kayo mapapatawad. Mawawala ang gang natin. You understand?" nakita kong tumango sila.
All three of these girls are one of my treasures. Sila yung nagligtas sa akin nung kinakailangan ko ng tao sa tabihan ko. Yung time na naghirap ako sa lintek na pagibig na yan. They are special to me. At ganun na din ang mga pinsan ko, si Hubby, si Kuya at ang Poison Gang.
No one will get hurt because of me that way makakalaban ako ng walang inaalala. Gusto kong mapatapos na ito. Unti unti na akong napapagod at naiinip. As the day passes mas lalo kong gustong makasama si Hubby.
Sana matapos itong lahat safely. Please give me strength one more time Hubby. "Leader! Leader! Please." pinalabas ko sila ng bahay at nilock iyon. Hindi ko sinabi sa kanila pero aatake ako ngayong gabi. Uunahin ko ang Serpiente Rosa Gang.
@Janaxo29 : Short Update pero 10 chapters na lang at mag eepilogue na tayo! May exams po ako next week kaya hindi ako makakapagupdate pero I promise na sunod sunod ang update. Salamat sa pagbabasa at pagsupport! ♥️
BINABASA MO ANG
The Married Billionaire | fin.
Genç KurguWaiting is one of the biggest reason of breaking up. Now that Nicolo and Nicole are waiting to get married after college, kailangan nilang palakasin pa lalo ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa. Another chapter, another problem. Will they be t...