I'm having the time of my life because it's my vacation when suddenly at the middle of the night my phone rang
"Hello! Alam mo yung istorbo? Ikaw yun eh! Kita mong matutulog na ko! Suot ko na ung pajama ko tapos hihiga na lang ako tapos tatawag ka! Siguraduhin mo lang na importante yan Lyka Mae sinasabi ko sayo! " pambungad ko sa tumawag
"Tapos ka na ba? Baka may idadagdag ka pa? " sarcastic pa ang pagsagot nito malamang umiikot na ang mata nito sa pag irap
"Ano ba kasi yun? Like hello? Kakauwi ko lang galing US dahil sa work at naka vacation leave ako tapos iistorbuhin nyo ko" pangangatwiran ko
"To tell you honestly kaya ako napatawag dahil yung bestfriend mong si Ice ay lasing na lasing na at hindi namen sya ma convince umuwi and right now she's dancing in the middle of the dance floor like some cheap slut" sabi pa nito
Sukad dun ay talagang uminit ang ulo ko at hinablot ang susi ng motor ko upang puntahan ang gagang bestfriend ko
Kanina ay binilinan ko pa ito na wag magpapakalasing
Pinaharurot ko ang aking motor patungo sa bar na pag mamay ari ni Xavier at dun ko lang narealize na nakapantulog pa pala ako
"Shit Blessie siguraduhin mo lang na may maganda kang explanation kung bakit ka lasing na lasing ngayon" naibulong ko na lamang sa aking sarili
Matapos kong iparada ang aking motor ay tuloy tuloy ako sa loob ng bar ng harangin ako ng bouncer
"Ma'am mukang naliligaw po ata kayo" sita nito sabay ngisi
"Pupunta ba ko rito kung naliligaw ako? Wag kang tanga kuya! " singhal ko dito
"Aba! Aba! Hoy miss hindi ko gusto yang tabas ng dila mo" maangas na sagot nito
"Bakit sinabi ko bang gusto mo? " pilosopong sagot ko
"Ang pilosopo mo! Hinding hindi ka makakapasok dito at isa pa may dress code dito!" sabi pa nito sabay tingin saken ng matalim
Sakto namang papasok yung pinsan kong si Lourd Xavier ang may ari ng bar na to
"Hoy Xavier! " sigaw ko dito
"Bastos ka talaga! Hindi mo ba yan kilala?" sita saken nung bouncer
"Stupid! Narinig mong tinawag ko sya di ba? " asar na wika ko
Mukang asar na din saken yung bouncer kaya tinulak nya ko dahilan para mapaupo ako sa semento agad naman akong tinayo ni Xavier kitang kita ko ang galit sa kanyang mata
"Fuck! How dare you do that to CA" bulyaw ni Xavier dun sa bouncer na ikinagulat ng bouncer
"Sir ang kulit po kasi nya gustong pumasok eh naka pantulog po sya labag po yun sa dress code" pagdadahilan nito
"And you think you have the right to push her for that lame excuse! " galit na galit pa din si Xavier
"Xavier kalma ang puso mo" dinaan ko na lang sya sa biro para mawala yung bad aura sa paligid
"Yan! Yan ang problema sayo Chase Arielle! Masyado kang mabait! Kita mo nagasgasan ka ! Tingin mo ba hindi mag wawala si lolo pag nakita nya yan! Kung sa mansyon nga ni lamok hindi makadapo sayo tapos itutulak ka lang nya! " wika pa nito sabay tingin dun sa bouncer na ngayon nakayuko na bigla tuloy akong naawa sa kanya
"Kuya Xavier kasalanan ko kaya wag mo na syang tanggalin sa trabaho please? Inuunahan na kita dahil last time na nabunggo ako binugbog nyo ung lalaki" paglalambing ko dito
"Fine! At ikaw pasalamat ka dahil mabait tong si CA! " sabi nito bago pumasok
"Ma'am sorry po hindi ko po alam na kayo po yung pinsan ni sir Xavier " nakayuko pa din ito
"Ok lang kasalanan ko naman" sabi ko pa bago pumasok sa loob
"Salamat Ma'am hindi na mauulit" pahabol nito
Pagpasok ko pa lang ay umikot na ang mata ko at hinanap ang magaling kong bestfriend
At presto nasa gitna nga sya at parang tangang sumasayaw
Hinawi ko yung mga tao at wala akong pakialam kung nakatingin sila saken dahil para akong naligaw sa suot ko
Nag init ang ulo ko ng malapit na ko kay Ice dahil may lapastangang lalaki na sumasabay dito sa isang maharot na tugtugin
Ng tuluyan na akong makalapit ay agad kong hinatak si Blessie at hinarap ang lalaki magrereklamo pa sana ng bigla ko itong bigyan ng isang upper cut na ikinabulagta nito
Nahinto ang music pati ang mga nagsasayaw
Lahat ng atensyon ay nasa akin at sa lalaking nakabulagta
Walang ano ano ay kinaladkad ko si Blessie palabas ng may humarang na tatlong lalaki
"Miss" bungad nung isang chinito na cute pero tinapon ko lang sila ng death glare kaya pinaraan na lang kami
Hiniram ko yung kotse ni Xavier dahil hindi ko pwedeng i angkas si Blessie sa motor dahil lasing na lasing ito
Ibinilin ko na lang kay Xavier na isunod nya na lang yung motor ko sa condo para makuha nya na din yung kotse tango lang ang isinagot nito at umiiling na sumakay sa motor ko
At nasisiguro ko na bukas ay nasa tabloids na naman ang muka ko
Ako si Chase Arielle Fortalejo ang nag iisang apo na babae ni Zandro Fortalejo at isa ring sikat na photographer sa US ay nanuntok sa Bar
Lagot talaga ako kay lolo nasabi ko na lang sa isip ko
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...