Nagising ako sa tunog ng alarm ko
Bumangon na ako at nag ayos ng gagamitin ko sa pagpasok
Hinanda ko na yung janitress uniform ko pati na rin yung pang men in black
Pahirap talaga to saken dahil papalit palit ako ng uniformPagkatapos talaga nito magpapakabait na ko promise po Lord!
Paalis na sana ako ng bumukas yung kwarto ni Boss at iluwa nun ang bagong gising na si Sir
Napatili ako at napapanalangin
Ama patawad po akoy nagkasala hindi ko po ginusto ang aking nakita sa totoo lang po wala talaga akong nakita pinapangako ko pong hindi ko po nakita ang kanyang katawan na namumutok sa abs promise po talaga
"Anong ginagawa mo dyan? " takang tanong nito
"Sir di ba uso sayo yung damit? " singhal ko dito at nakatalikod pa din pihadong pulang pula na yung muka ko
Pano ba naman ang magaling kong amo ay binabalandra ata yung katawan dahil boxer lang ang suot nito
"Anong mali saken? Kung tutuusin mas disente pa to kasi mas madalas talaga akong walang saplot lalo na pag nandito yung mga " hindi ko na pinatapos yung sinasabi nya dahil napo pollute na yung utak ko
"Bastos! " gigil kong sigaw at tinawanan lang ako
"Hoy! Sa lahat ng katulong ikaw talaga yung pinaka walang silbe asan yun breakfast ko? At bakit aalis ka na? Nakalimutan ko bang ikaw yung driver ko? " dakdak pa nito
"Manahimik ka na nga ang aga aga daig mo pa yung babaing putak ng putak! Bakla ka ba?! " asar na sigaw ko pabalik
"Ako bakla? Gusto mo bang patunayan kong mali yang paratang mo? " bigla akong nakarinig ng yabag palapit saken
"Ito na nga eh magluluto na Sir hindi ka naman mabiro" sagot ko sabay karipas ng takbo papuntang kusina
Ito na naman yung puso ko ang bilis ng tibok tsk may sakit na ba ako?
Dahil masyado na pa lang malalim yung iniisip ko hindi ko napansing sunog na yung niluluto kong bacon at pati yung itlog durog durog
Nakaupo na ito sa hapag ng mapansin yung niluto ko
"Ano yan? " takang tanong nito
"Malamang pagkain! Kumain ka na nga bawal magsayang! " sagot ko dito na ikinailing lang nito at sinimulan ang pagkain
Nagulat pa akong ng tumingin ito saken na nagtataka
"Bakit hindi ka pa sumabay sakeng kumain? " tanong pa nito
"Di ba katulong lang ako? " asik ko dito
"Niloloko lang kita kagabi hindi ko naman alam na tampururot ka pala" sagot nito
Tinignan ko lang sya at inaarok ang sinasabi nito muka namang sincere
"Kumain ka na baka malate pa tayo" sabi pa nito
"Ok" sagot ko ng matapos na at makaalis kami
Matapos naming mag agahan ay umalis na kami patungong office at kung tatanungin nyo ako kung sino ang nagdadrive
Ako lang naman! hindi na nakakapagtaka malamang maid/driver/bodyguard/janitress lang naman ako
At dahil mabait ako siniguro kong matutuwa sya sa serbisyo ko
"Jesus! Wala na bang ibibilis to? Daig ka pa ng pagong sa pagdadrive! " bulyaw nito mula sa likod
Kitams driver na driver ang dating ko sa hinayupak na to
"Sigurado ka bang gusto mo ng mabilis? " nakakalokong tanong ko dito
Inirapan lang nya ko bilang sagot
Bading talaga to"Wag mo kong sisihin ha? Wala ka pa namang seatbealt" natatawang sabi ko pa dito
Magsasalita pa sana ito ng pinaarangkada ko yung sasakyan nya na parang nakikipagkarera sa bilis ng takbo puro mura lang ang narinig ko mula sa likod
Hay! This is life tuwang tuwa ako ngayon araw
Rogelle Paul POV
Pagkapark pa lang ng sasakyan ay dali dali akong bumaba sa sobrang hilo at parang masusuka pa ko
Walanghiyang babae na to papatayin nya yata ako
Pakiramdam ko kanina sa loob hinahabol kami ni kamatayan
Takot na takot ako na baka biglang mawalan sya ng control na maging dahilan ng kamatayan ko
Sayang ang lahi ko pag nagkataon maraming iiyak na babae
Hinintay ko pa itong makababa at tila parang wala lang sa kanya ang nangyare sisipol sipol pa ito halatang good mood
Lintek mukang ito ang magiging dahilan ng maagang kamatayan ko
Parang gusto ko ng pagsisihan ang ginawa kong kasunduan dito
Bawiin ko na lang kaya?
Pero magmumuka akong takot nun
Hindi pwede pagtatawanan nya lang ako dahil kalalaki kong tao hindi ko sya kaya
Tinitigan ko sya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko
What the hell?
Hindi to pwede!
Ou maganda sya at kakaiba pero hindi ako pwedeng ma inlove sa kaya
Kundi patay tong puso ko
Iiling iling lang akong tumuloy sa aking opisina.
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...