Chapter 30

206 39 0
                                    

Chase POV

Pasimple nyang inikot ang paningin upang tantsahin kung ilan ang taong nasa loob

10 kung tama ang bilang nya

"Nandito na pala ang panauhing pandangal" nakangising wika nung lalaking narinig na nya ang boses sa cellphone kanina

Kung hindi sya nagkakamali ay ito yung pinangakuan nya na ihuhuli nya  at marunong syang tumupad sa pangako

"Ano tititigan nyo na lang ako?" Walang emosyong wika nya

"Itali nyo na yan!" Utos pa rin nung gunggong

Lumapit sa kanya yung payat pero bato bato yung katawan

Ngunit hindi ata nito inaasahan yung gagawin nya

Akmang hahawakan sya nito ng pilipitin nya ang kamay nito at isang malakas na tadyak ang natamo nito sa likod na ikinatilapon nito

Mukang hindi man lang sya pagpapawisan dito

Tss Weak !

Dalawa naman ang lumapit sa kanya at dinamba sya pero dahil masyadong syang alerto ay nakaiwas sya kaya yung dalawa yung nagsalpukan

Pero ng makabawi ay sinugod na naman sya nung isa

Sinuntok nya sa sa adams apple yung isa at sinipa sa kayamanan nito kaya napaluhod ito ngunit hindi pa sya nakontento binigyan nya pa ito ng flying kick na ikinatumba nito

Sumugod na din yung isa pero binigyan nya ng uppercut at bumulagta agad

"Mga tonta! sugurin nyong lahat! " bulyaw na naman nito

Sinugod sya ng lahat pero tila balewala lang yun sa kanya

Suntok, sipa ang pinakawalan nya wala syang pake kung sino ang mga natatamaan nya

Bumagsak ang lahat ng hindi man lang sya natamaan

Kung inaakala ng mga ito na wala syang baril ay nagkakamali ang mga ito dahil meron syang dala pero sa isang tao nya lang balak gamitin

"Wala na ba?" Bored nyang tanong

"Sinong nagsabing wala na?" Nakangisi nitong sagot ng magsipasukan lahat ng mga alagad nito

"Kayo lang?" Walang ka amor amor na tanong nya

Sinugod naman sya ng sabay sabay ng mga ito

Hinila nya ang kamay ng isa at pilipit nya sabay tadyak sa likod at tumilapon ito sa ibang mga kasama nito

Natumba yung iba pero yung iba sumugod pa rin tinapik nya yung batok ng isa kaya nawalan ito ng malay  samantalang siniko nya naman yung nasa likod nya at tinadyakan nya yung nasa harap nya

Namamanhid na yung kamay nya sa sobrang tigas ng mga muka nito pero parang balewala lang sa kanya

Kasabay ng pagtulo ng pawis nya ay pagbulagta naman ng huling ka pangbuno nya

Pagharap nya ay wala na yung lalaking nagmamando kanina

Duwag naman pala ang king ina

Agad nyang nilapitan ang bestfriend nya at kinalagan gamit yung swiss knife na dala nya

Ang kaninang nakakatakot na aura nya ay napalitan ng pag aalala

"Sinabi ko naman sayong wag mong ilalagay sa kapahamakan ang sarili mo at heto ka halos patayin mo ko sa takot" malumanay na sermon ko sa kanya

Matapos kong matanggal ang pagkakatali sa kanya ay yumakap ito at humagulgol sa akin

"Waaaaahhhh akala ko mamamatay na ko vaks! Akala ko hindi ko na matitikman ang langit bago lumisan sa mundo" pagmamaktol nito, sukad dun ay nakatanggap sya ng batok saken, napahamak na nga't lahat lahat kung ano ano pang kabalbalan ang pinagsasabi

Inalalayan ko sya para makaalis na kami ng biglang magsalita yung line ko na konektado sa TMA

"Chase may problema tayo yung boss mo nawawala!" Imporma ni Lyka

"What?!! Di ba sabi ko bantayan nyo ! Anong nangyare?!!" Bulyaw ko

"Kalma! Grabe natanggal tulele ko dun ha?" Nagawa pang magbiro ng bruha

"Pano naman ako kakalma kakatapos ko lang sa isang kidnapping meron na naman " inis kong sagot

"Don't worry were tracking him down mukang amateur yung mga kidnapper nya " natatawang singit ni Sheena

"Amateur? " kunot noong tanong ko

"Yup! Kasi hindi naman sila sindikato, actually grupo sila ng mga kababaihan unnie" sagot naman ni Lovelyn

"Yan na nga bang sinasabi ko eh! Haliparot kasi yang lalaki na yan kung sino sino babaeng kinakalantari ! " nanggigigil na naman ako at dahil distracted ako ay hindi ko inaasahan bumalik yung duwag na lider nung mga hoodlum

Tinawag ako ni Blessie pero huli na ng marealize ko dahil natamaan na ko sa kaliwang balikat 

Napamura ako pero mas inalala ko yung bestfriend ko

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya

"Gaga ka! Ikaw yung may tama tapos ako yung tatanungin mo?" Umiiyak na bulyaw nito

"Wag kang umiyak ang panget mo" pagbibiro ko pa dito

"Pakyu ka!" Sagot nya na ikinatawa ko lang at hinarap ang lapastangang bumaril saken

"Maswerte ka at tinamaan mo ko" pa cool pa ko

"Huh! Ang yabang mo samantalang hindi mo pa nagagawa yung pangako mo saken" nakangising turan nito

"Oopps! Hinihintay mo pala sana nagsabi ka madali naman akong kausap eh" mayabang ko pa ring sagot

Ngunit hindi yata nito inaasahan ang sunod kong ginawa

Binaril ko yung kamay nyang may hawak ng baril pati yung dalawang binti nya kaya napaluhod sya

"Sa totoo lang dinala ko tong baril ko para sayo! Hmmmm ano nga palang pangalan mo?" Nakangising tanong ko

"Vaks! Kanor pangalan nyan" sabat nung magaling kung bestfriend

"Wow pangalan pa lang pang manyak na ! No wonder it suits you well pero dahil marunong akong tumapad sa pangako " nakangisi ako ng barilin ko ang iniingatan nitong yaman

Napaigik ito at nagpagulong gulong halatang hindi nito kinaya ang sakit

Ingay ng paparating na pulis ang nagpatigil saken sa pagpapahirap dito

"Your lucky for today magpasalamat ka sa pulis" nakangising turan ko ng magsipasukan ang mga pulis at damputin ang mga taong naitumba ko na, hindi man patay ay sinigurado ko naman na bali lang mga buto

Nakita ko ng takbuhin ng isang lalaki yung bestfriend ko at yakapin ng mahigpit, magrereact sana ako ng kausapin ako ng hepe ng pulis

"Ma'am kelangan po namen ng statement nyo para sa nangyare" wika nito at pinakita ko lang yung id ko bilang secret agent at nakuha na nito agad ang ibig kong sabihin

"Gamutin nyo ang isang yun at ako na ang mag iinterogate may aasikasuhin lang ako " tinuro ko si Kanor na naghihisterya sa pagkawala ng precious jewel nya

"Yes Ma'am statement na lang ni Blessie Montefalco ang kukunin namen dahil sya yung nakidnap" tumango ako at lumapit sa bestfriend ko

"Vaks kelangan nila ng statement mo" singit ko sa kanila nung lalaking tinakbo sya kanina

"Sige po magbibigay ako ng statement" wow ang galang ng bruha kala mo dalagang Filipina

"Sino sya? " usisa ko sa magaling kong bestfriend at namula naman ito na tila nahihiya

Napairap ako sa hangin sa pagkabagot

"I'm her boyfriend Jace Santillan" singit nito sabay lahad ng palad na dinedma ko lang

"Napaka kupad mong kumilos para sa isang lalaki" walang abog kung turan sabay talikod at naglakad na patungo sa motor ni Lovelyn

"Hey! San ka pupunta?" Sigaw ni Blessie na may pag aalala

"May gagawin pa ko babalikan kita bukas at magtutuos tayo at sya nga pala magpunta ka munang ospital bago pumuntang presinto nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango naman ito at kumaway lang ako at pinasibad ko na yung motor at may isa pa kong misyon.

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon