Rogelle Paul POV
Nakatulala lang ako sa aksyong nagaganap sa aking harapan animong nanonood ako ng isang action movie sa isang sinehan ang kaibahan nga lang nito ay Live show ito
Nakita ko kung pano pinatumba ni Chase yung unang sumugod sa kanya hahampasin dapat sya ng baseball bat pero nahawakan nya ito at buong pwersang tinadyakan nya ang kalaban inagaw nya ang baseball bat at hinampas hampas na anino tumitira ng bola
"Next! " mayabang na sigaw nito
Sinugod naman sya nung malaki ang katawan hahampasin din dapat sya nakailag lang si Chase at hinampas nya ito ng baseball bat na naagaw nito sabay tadyak dito kaya napasubsob ito
"Sino na? Lengya hindi man lang ako pinagpapawisan sa inyo" pagyayabang naman nito
May sumugod na naman dito at akmang sasaksakin sya ng hampasin nya ang kamay nito kaya napahiyaw sa sakit yung lalaki at mukang na kulangan pa si Chase at nagpakawala ng flying kick
Sa totoo lang wala naman talaga akong balak iwan ito kumukuha lang talaga ako ng tyempo pero ang tinamaan ng magaling mukang sanay sa pakikipagbasag ulo
Walang kahirap hirap na napatumba ni Chase yung mga lalaki hampas dito hampas dun sipa dito suntok dun balibag dito flying kick dun
Hindi ako makapaniwala na ang babae na to ay kayang gawin ang mga bagay na to
Kung hindi ko siguro nakita ang bagay na to ay iisipin ko na isa syang babaeng dapat protektahan dahil muka kasi itong hindi makabasag pinggan kumbaga mukang mahina at hindi kayang ipaglaban ang sarili
Natauhan lang ako ng makita ko sya sa harap ko at nasilip kong bagsak na lahat ng kalaban
Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong suntukin at biglang nagdilim ang paningin ko
Chase POV
Asar na asar talaga ako ngayon dahil nag aksaya ako ng lakas para sa walang kwentang tao na wala namang pake saken
Kung hinahanap nyo si boss
Nilagay ko sya sa compartment ng kotse nya makaganti man lang akoDun ko sya papatulugin ngayong gabi at walang makakapigil saken dahil mainit ang ulo ko
Paniguradong may black eye yun paggising nun pero wala akong pake
Kalalaking tao pero walang kasing duwag ang hinayupak na yun
Pano pala kung hindi ako marunong lumaban edi na gang rape na ko at lulutang na lang ang bangkay ko sa ilog pasig o kaya sa marikina river
Kung hindi lang matibay yung sikmura ko malamang kanina pa ko nahimatay sa baho ng hininga nung lider ng mga hinayupak na yun
Sinadya kong dumaan sa mga bako bakong daan para mauntog si Sir at ng magka hemorrhage na sya
Kahit may humps hala sige pa rin ako sa pagpapatakbo ng sasakyan
Saktong pagkapark ko ay bumaba ako para i check kung patay na ba si Sir pero sa kasamaang palad tulog lang sya kasi humihinga pa sya
May busal sya sa bibig at nakatali ang paa at kamay nya daig nya pa yung nakidnap pero wala akong pake dahil mainit ang ulo ko
Nilock ko yung compartment at umakyat na kainaman lang at walang pasok bukas kaya
"Sweet dreams sir" bulong ko at natulog ako na may ngiti sa labi
Rogelle POV
Nagising ako at hindi ako makagalaw kinakain na ko ng takot
Diyos ko nakuha ba nila ako?
Katapusan ko na ba?
Paano ang magandang lahi ko?
Pinakiramdaman ko ang paligid napaka dilim at nananakit ang katawan ko
Shit! Pinagsamantalahan kaya nila ko? Naatim nilang kunin ang puri ko? Sabagay hindi ko sila masisisi sa gandang lalaki ko ba naman eh
Pero teka kelangan kong makawala
Sisigaw na dapat ako ng mapagtanto kong may busal ang bibig ko
Pinilit kong kumawala pero nagsasayang lang ako ng lakas
"Hmmmmm uhmmmm hmmmmm" pilit kong sigaw
Pinilit ko pa ring igalaw ang katawan ko para gumawa ng ingay
Nang biglang lumiwanag
Teka hindi kaya patay na ko at ito na ang tinatawag nilang langit pero qualified ba ko dito?
Nasilaw ako sa liwanag at ng makapag adjust ako sa liwanag ay bumungad saken ang isang anghel
Anghel na may sungay -_-
Akala ko langit na yun pala impyerno kapag minamalas ka nga naman
"Good morning Boss kamusta ang tulog? " ngiting ngiti na tanong nito
"Hmmm uhmmm hmmmmm" sagot ko sa kanya
"Ano boss hindi kita maintindihan " tuwang tuwa tanong nito
Sinamaan ko lang sya ng tingin at tinawanan nya lang ako
"Opss my bad" sabay tanggal ng busal sa bibig ko
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? " singhal ko dito
"Ganti ko yan sa ginawa mo kagabi" busangot na sagot nito
"Buti nga yan lang ginawa ko sayo" dugtong nito ngunit pabulong lang
"Tss! Bulong bulong ka rinig naman" sagot ko sa kanya
"Ou na! Laya ka na " sabi nito sabay halakhak
Napatulala ako sa kanya kasabay ng pagririgidon ng puso ko
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...