Busy ako sa pakikipagchikahan kay Yvette ng biglang lumabas si sir
"Chatting in working hours? Seriously? " masungit na puna nito
"Sir may tinanong lang ang sungit mo" sagot ko dito
"Whatever! Magpalit ka ng nung isa mong uniform may lakad tayo" utos nito
Lengya talaga pahirap sa buhay tsk
Nagpaalam muna ako kay Yvette bago nagbihis hindi naman kasi lingid kay Yvette ang totoo tungkol saken kaya nakapalagayang loob ko na din sya
Letchugas muka akong men in black tapos si Sir yung Alien natatawa na lang ako sa mga napag iisip ko
Drive dito drive dun walang katapusang meeting ang inatupag ni Sir ngayong araw at talagang naiinip na ko pero bandang 6pm ay hindi na meeting ang inatupag nya kundi mga babae naman
Tama kayo mga babae -_-
Paghatid ko sa kanya sa isang restaurant at bibili naman ako ng isang bouquet na nagagandahang roses para sa mga date nito
Grabe kaasar napaka babaero nya
Akala ba nya regalo sya ng Diyos sa mga kababaihan10 pm na pero hindi pa rin sila tapos sa pagkain hindi kaya sya maimpatso? Like duh? Pang limang restaurant na to
Gustong gusto ko ng umuwi mabuti at ito na ang huli
Maigi na rin pala at pinakain ko ang sarili ko dahil mukang mamatay ako sa gutom dahil sa animales na to
Nandito ako sa loob at nakikita ko kung pano bola bolahin ni sir yung babae
Hay! Girl if you only knew
Kilig na kilig ka eh marami naman kayo
Saktong 11 pm ng matapos sila
Thank you Lord natapos na din!
Pinasakay lang ni sir yung babae at ako naman ay dumiretso sa kotse
Saktong paglingon ko ay napapalibutan na ako ng mga lalake mga nasa sampu siguro at may mga dalang baseball bat at meron ding may kutsilyo
Anak ng tinapa mukang gulo na naman
"Mga boss may problema ba? " magiliw kong tanong baka madaan sa pakiusapan
"Kapag sinuswerte ka nga naman ang ganda nitong syota ni Sullivan" nakangising wika nung lalaking mukang lider nitong mga hoodlum
Ako -_- ?????
Syota ni Sullivan? Sino ba yung hinayupak na yun?
Teka teka Rogelle Paul Sullivan
Anak shuta ako syota ni Boss? end of the world na ba?
"Sir mukang nagkakamali kayo hindi po ako syota ni Sullivan" tigas kong pag tanggi
"Wag ka ng magkaila miss malaki ang atraso samen ng syota mo! " sigaw nito saken
Taena ang baho ng hininga di ba uso mouthwash sa kanila
"Eh hindi nga ako yung syota ni Sullivan! " sigaw ko naman pabalik
"Aba't itatanggi mo pa! " sasampalin na sana ako ni Bad breath ng dumating si Sir
Ngayon lang ata ako magpapasalamat na makita si Sir
Thank you Lord Alleluyah!
"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? " sita nito naks ang tapang ni Sir
"Ang yabang mo talaga Sullivan porket mayaman ka! Anong karapatan mong ipa demolized ang mga bahay namen !" sigaw ulet nito sabay hatak saken
King ina hindi ko na kaya ang amoy
"Kasalanan ko bang magtayo kayo ng bahay sa lupang pag aari ko? " hambog talaga tong si Boss
"Hindi ka ba natatakot na hawak namen ang syota mo" pagbabanta nito sabay tutok saken ng kutsilyo
"Bakit naman ako matatakot? Eh hindi ko naman syota yan" naka kunot pa ang noo nito na parang nababaliw na ang mga kausap nito
"Kahit gahasain namen to wala kang pake? " panunubok pa nito kay sir
"Wala akong pake kahit ano pang gawin nyo dyan tutal driver ko lang naman yan" walang emosyong sagot nito
Napanganga talaga ako ng bongga sa sagot nya tunay ngang hayop ang lalaki na to at naaatim na pabayaan ako
Tumalikod na ito at akmang sasakay ng tinapakan ko ng buong lakas ang paa nitong Bad Breath na to sabay pakawala ng malakas na suntok nabitawan nito ang hawak na kutsilyo
"Hep hep sandali! " awat ko sa mga susugod
"Hindi naman ata tama yan ! Isa isa lang tsaka teka hindi ako komportable sa suot ko! " walang ano ano ay hinubad ko yung suot kong pang itaas at ibinato ko sa muka ni boss bale sandong itim lang ang natira
"Yan ok na! So sino ang una? " tanong ko sa kanila at nakatulala lang sila saken
"Wow ang kinis !" sigaw nung mukang manyak sa grupo ng kalaban ko
"Isa isa lang o baka naman natatakot kayo na matalo kayo ng isang babaeng tulad ko ?" pagmamayabang ko
"Aba't ang yabang mo ah parang may ibubuga ka! " singhal naman nung isang bungal na kamuka ni pepe smith mas batang version nga lang
"Then why don't you try me and see it for yourself" kompyansang sagot ko
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...