3rd Person POV
Nakatali sa upuan at putok ang labi ni Blessie at namamaga na rin ang pisngi ng dalaga dahil sa sampal kanina, halata mong nahihirapan na ang dalaga pero hindi pa rin ito nawawalan ng pag asa na makakatakas sya
Biglang may pumasok na nakasuit halatang mayaman at may edad na rin, ito yung tipo ng tao na hindi gagawa ng mabuti sa kapwa
"Boss nagawa na namen yung pinag uutos nyo, natawagan ko na po si Chase Fortalejo at pihadong nababaliw na yun kakahanap sa lugar na to" bungad nung kausap ni Chase sa cellphone kanina
"Mabuti kung ganun " tipid nitong sagot pero ramdam mo ang awtoridad
Nilabas nito ang pipa at agad namang sinindihan ng tauhan nito
Matapos humithit ay humarap ito sa dalaga at bumuga
"Sino ba kayo? Ano bang kelangan nyo saken? Sa pagkakatanda ko never ko pang nakita yang mga pagmumuka nyo!" Naiiyak na wika ni Blessie
"You don't need to know" sagot naman ng matanda
"Wala naman akong atraso sa inyo kaya pakawalan nyo na ko" napahagulgol na ang dalaga ngunit humalakhak lang ang matanda
"Ikaw wala pero ang pamilya mo meron" puno ng galit ang mata nito
"Masyadong sakim ang pamilya nyo kaya kahit masagasaan yung negosyo ng iba ay wala kayong pake!" Bulyaw pa nito
"Normal yun sa business like duh? Tumanda ka na't lahat lahat hindi mo pa knows yun?" Sagot ni Blessie sabay roll eyes kaya sinampal naman sya
"Punyeta nakakarami na kayo ha? Yung mukha ko pa talaga ! Ang ganda ganda ko sinisira nyo lang FYI walang retoke yan !" Sigaw ni Blessie
"Busalan nyo nga yan kung ano anong lumalabas sa bunganga nyan" utos nung matanda bago tumalikod at kinausap yung kanang kamay nya
"Alam nyo na ang gagawin nyo, wala akong pake kong pagsamantalahan nyo sila pero siguraduhin nyo lang na bukas ng umaga lumulutang na yung bangkay nila sa ilog" utos nito bago umalis kaya napangisi naman yung lalaking nakausap ni Chase sa cellphone
"Ilang oras na lang pagsasawaan na namen ang mga katawan nila" humalakhak na parang demonyo ito.
"Kanor" tawag ng kasamahan nya sa kanya
"Oh?" Nakangising sagot nya
"Tikman na naten yung nandito, kahit hawak hawak lang muna pampalipas oras" suhestyon nito
"May utak ka rin pala Baldo? Tara " pinuntahan nila si Blessie at sinimulang hawakan ang dalaga ngunit nanlalaban ito kaya puro sampal at suntok ang natamo nito
Punit punit na ang damit ng dalaga at marami na rin itong pasa, pinipilit ng dalaga na wag mawalan ng malay dahil natatakot syang mapagsamatalahan ng tuluyan ng may marinig syang nagsalita
"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? " sobrang lamig ng boses nito yung tipong makakaramdam ng kilabot ang makaririnig
Nag angat ng tingin si Blessie hilam sa luha ang kanyang mukha ngunit kilalang kilala nya ang pigura ng babaeng nakatayo sa gitna
Ngunit habang tinititigan nya ito ay parang hindi nya makita ang bestfriend nyang masayahin
Parehong mukha ngunit ibang awra , ibang iba dahil ang nakikita nya ay babaeng handang pumatay
Pumatay para sa kanya
Chase POV
Mabilis kong pinaharurot ang motor ni Lovelyn yung tipong lagpas na sa limit pero wala akong pake
Galit na galit ako at walang makakapigil sakeng pumatay ngayong araw
Madilim na ang kalangitan
Alam nyang meron pa syang hanggang hating gabi, pero alam nyang tuso ang mga yun kaya mas mainam na maaga sya kaysa mahuliNarating nya na ang destinasyon at sobrang nakakatakot ang lugar ngunit kakatwang wala syang maramdamang takot marahil dahil pinangununahan sya ng sobrang galit at alam nyang hindi yun maganda
"Nandito na ko anong balita dyan?" Tanong ko sa mga kasama ko na naiwan sa resort
"Wala namang problema pero kanina ka pa nila hinahanap" sagot ni Lovelyn
"Nagpalusot na lang kami" sabat naman si Sanjie
"Good" walang emosyon kong sagot
"Kasalukuyang nasa Bar kami ngayon at binabantayan yung Boss mong si Sullivan basta babalitaan ka namen" Si Sheena naman yung nagsalita
"Chase ingat ka dyan ha? Wag kang masyadong magpakain sa galit dahil alam naten kung gano hindi ka ganda ang kalalabasan nyan" paalala ni Jeanzel
"Wala kami dyan para linisin ang kalat na iiwan mo, masyado ka pa namang madugo" dagdag pa ni Lyka
"Ako ng bahala basta i update nyo ko" yun lang at nawala na sila sa linya pero nakabukas lang ang linya ng device ko para updated ako kung sakaling tatawag ulet sila
Masyado ng high tech ang mga gamit ngayon, simpleng hikaw pero pwedeng maging cellphone na pang communicate, sinong mag aakala?
Nagsimula na kong pag aralan ang kabuuan ng warehouse at hindi man lang ako napansin ng mga bantay tss mga inutil -_-
Kusa kong ipinakita ang sarili ko na hilam sa luha at parang takot na takot
"Asan ang bestfriend ko?" Nanginginig ang tinig ko na parang napaka hina kong babae
Now it's Showtime makikita nila kong pano umarte ang isang Chase Arielle Fortalejo
"Ayos tiba tiba tayo, parehong maganda" sabi nung mukang sanggano na balbas sarado na malaki ang katawan
"Ipasok nyo na yan" dagdag pa nito at ipinasok nila ako sa loob pero hindi ko inaasahan ang madadatnan ko
Yung bestfriend ko punit punit yung damit habang umiiyak at maraming pasa
"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?" Kahit ako hindi ko nakilala yung boses ko
Lumiyab na yung galit ko, sobrang galit na galit na ko.
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
ComédieWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...