Chapter 13

254 44 0
                                    

Maaga akong nagising at naisipan kong babain na si Boss at alisin na sya sa compartment

Pagmulat pa lang ng mata ko ay talagang good mood na ko

Pagbukas ko ng compartment ay parang nakakita ng anghel si Sir napanganga pa ito at namangha pero makalipas ang ilang minuto ay mukang natauhan naman sya at sinamaan ako ng tingin

Matapos ko syang asarin patungkol sa tulog nya ay pinakawalan ko na sya at naghanda ng almusal nya at baka masabihan na naman ako ng walang kwenta

Saktong kakatapos ko lang maghain ng makita ko si Sir sa entrada ng dining area na may masamang balak este tingin saken

"Sir kain ka na nag sangag ako ng kanin at nagprito ako ng bacon at ham tsaka hotdog" sabi ko

" pumunta ka ng mercury drug at bumili ka ng maraming salon pas " utos ni Sir

"Ngayon na? " tanong ko

"Hindi, baka bukas" pambabara nito

"Ang aga aga badmood ka" pang aasar ko pa dito

"Sino kaya ang matutuwa ng ganun? " singhal nito

"Puso mo sir tss!  Kasalanan mo naman eh!  Sino rin kaya ang matutuwa dun sa ginawa mo saken" sagot ko sa kanya

Magsasalita pa sana ito ng umupo na ko at nagsimula ng kumain bahala sya gutom na ko

Napailing na lang ito at sumabay na rin saken sa pagkain

Matapos naming kumain ay naghugas muna ako ng pinggan bago pumuntang mercury drug

"Sir alis na ko asan yung pambili? Aba wag mo sabihing ako pa ang gagastos?" tanong ko sa kanya prenteng nakaupo lamang ito sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo

"May idadagdag ako " seryosong sagot nito

"Ano yun sir? " curious kong tanong pano kasi ay parang nahihiya pa ito

"Bumili ka ng isang box ng condom" mahinang usal nito pero tama lang na umabot sa pandinig ko

"Ano?! " nanlalaki ang mata ko habang laglag panga sa idadagdag nito

Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalitang muli

"Sir anong gagawin nyo dun? " takang tanong ko

"Ano bang gamit nun? Wag mong sabihin na hindi mo alam" pang aasar nito

"Akala ko kasi may party tapos yun ung gagawin nyong balloon ang dami kasi nun " sarkastikong sagot ko at tinawanan lang ako

"Bilisan mo na" pagmamando pa nito at mukang ito yung pangganti nya saken

Nandito ako ngayon sa mercury drug at parang timang na balot na balot ang suot matching shades pa daig ko pa terorista na nagtatago sa mga pulis kasalanan talaga to nung hinayupak kong boss

Lingon sa likod, gilid, harap tapos kabilang gilid the coast is clear kaso saktong paglapit ko sa bagay na sa tanang buhay ko ay hindi ko naisip na bibilhin ko ay tsaka naman may dalawang istudyanteng babae na biglang sumulpot

"Ano ba kasing bibilhin naten? " girl1

"Condom pampaswerte daw yun"girl2

"Seryoso? " tanong ni girl1

"Yup! Ilalagay mo lang sa wallet mo then dadami pera mo" sagot ni girl2

San naman kaya nila nakuha yung ideyang yun?  Seriously? Tss utak talaga ng mga kabataan ngayon pinauna ko na silang kumuha dahil nahihiya talaga ako pero saktong paglingon ko ay nakita ko yung hambog ding kaibigan ni boss na mukang aligaga

Nakatingin ito sa mga sanitary pads at mukang nahihiya ring kumuha ng may pumasok na ideya sa isip ko hay bilib talaga ako sa talinong taglay ko

"Hi! " nakangiting bati ko rito at nagtatakang lumingon naman ito saken

"Yes? " nakakunot ang noo nitong tugon tsaka ko lang narealize na muka pala akong nagtatagong kriminal dahil balot na balot ako

"Oh! I'm sorry my bad" hinging paumanhin ko sabay tanggal ng shades ko

Kumurap kurap pa ito na animong hindi makapaniwala sa nakikita

"Ikaw?! " gulat na turan nito

"Yup! The one and only" i gave him my sweetest smile kelangan kong maging mabait

"Anong kelangan mo? "Pagsusuplado nito mukang natauhan na dahil nakabusangot na ito

"Can you do me a favor?" tinatantya ko at baka suntukin ako nito

"Wow ha? Matapos mo kong insultuhin dun sa office ni Rogelle " simangot na sagot nito

"I'm sorry about that" paghingi ng tawad pero labas naman sa ilong

"Grabe wala man lang sincerity " pagsisintir nito

"Ililibre kita pero gawin mo muna yung hihingin kong favor" pagsuko ko

"Fine! Ano ba yun? " tanong nito lumapit naman ako para ibulong

"Ano?! " gulat na gulat pa ito

"Will you shut up? Pinagtitinginan tayo! Sige na I will return the favor by buying a sanitary napkin for you" nakangising turan niya

"Pano mo nalaman? " takang tanong nito

"Wild guess? " sagot na lamang nya and she gave him a wink

Umiling na lang ito ngunit ngumiti rin may mga sapi talaga tong magkakaibigan na to

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon