Chapter 35

189 39 7
                                    

Dahil nayayamot ako ay niyaya kung kumain si Jhun at Yvette sa McDonald's kung san ang tambayan ng nga taong sawi na gustong mag move on

Takte yan wala pa nga move on na agad

"Libre ko to kaya wag nyo na akong titigan" singhal ko sa dalawa na parang na mangha pa

"Ay totoo pala yung himala?" Si Jhun na wala yatang ideya kung gano ako kayaman

"Tss! Bumalik ka na nga sa office! Wag kang kakain ng libre ko" biro ko sa kanya

"Mukang nawalan ng ganang kumain si Sir Rogelle, ano na naman kayang eksena nun?" Takang tanong ni Yvette

"Bakit anong nangyare?" Syempre curious tayo pero di tayo chismosa

"Pagkahatid ko ng food nila, si Irene lang yung kumain tapos biglang nag dahilan si Sir na may biglaang lunch meeting sya eh wala naman syang schedule kaya ayun napilitang umalis si Ms. Rainbow" kwento pa nito

Bigla tuloy akong naguilty kaya nag excuse ako sa dalawa at tinawagan si Boss

"Boss san ka?"

"Office" tipid na sagot nito

"Kumain ka na?"

"Busog ako" pagsusungit nito

"Tss! Arte mo aakyat na ko dadalhan kitang pagkain para sabay na tayo"

"Wala! Dyan ka na sa Lalaki mo!"

"Edi sayo na ko? Ikaw lang naman lalaki ko" kunwari pa yan pero kinikilig yan

"Tse! Bilisan mo!"singhal nya sabay baba ng tawag

Tss dami pang arte gusto din naman kaya maayos akong nagpaalam sa dalawa at umorder ng panibago para may kainin kami ni Boss

Pag akyat ko ay muka nyang inip na inip ang bumungad sa akin

"Alam mo bang tiniis ko yung gutom ko kasi gusto kitang kasabay pero wala ka talagang pakialam saken" maktol nya pa rin

"Tama na! Tama na!Nandito na nga ako eh dami mo pang reklamo di mo na lang ako diretsuhin"

"Sige ! Gusto kita! Gustong gusto kita! Ang simple simple na nga hindi mo pa na gets?"

"Teka naman! Bakit ka ng bibigla ?!" Sigaw ko kay Boss

"Sabi mo diretsuhin kita? Gulo mo ah?"

"Sabagay nandun na tayo eh sino nga namang hindi magkaka gusto saken ? Maganda ako, sexy, matalino,sobrang yabang este yaman, matapang yung tipong kaya kang ipaglaban kahit kanino at napaka bait ko pa di ba?"

Pero dahil panira ng mood si Boss tinalikuran nya lang ako at nagsimula ng kumain na parang walang naririnig

"Hello? May dyosa pang nagsasalita dito?" Tawag ko sa atensyon nya

"Gutom lang yan kaya kumain ka na at tsaka baka gutom lang din yung saken kaya binabawi ko na yung sinabi ko"

Siraulo talaga tong si Boss walang kwentang kausap

Lumipas pa ang ilang araw at nakagawa na kami ng plano kung pano namin papasukin ang masyon ng mga Mendez kaya nagpaalam mo na ako kay Boss na kunwaring maglileave

Kompleto kami sa Hide out namin ng araw na iyon dahil pagsapit ng hating gabi ay papasukin namin ang mansyon ng Mendez

"Hindi ba delikado yang gagawin nyo?" Halatang nag aalala si Boss

"Ano ka ba naman Boss walang salitang delikado para samin" pagyayabang ko pa na inirapan nya lang

"Muka lang nagyayabang yang si Chase pero totoo yung sinasabi nya" pag sang ayon naman ni Sheena

May kanya kanya kaming naka tokang gagawin sa gabing iyon

Si Sheena ang naka assign sa computer system na maghahack ng files at security system ng Mendez

Samantalang kaming tatlo ni Lovelyn at Lyka Mae ang papasok sa loob

Si Jeanzel at Sanjie naman ang look out at back up namin kung sakali

"Tandaan nyo simple lang ang goal naten sa araw na yun as much as possible iwasan naten na magkaroon ng engkwentro dahil baka makatunog sila na under surveillance sila" paliwanag si Sheena na sinang ayunan lang namin

"Madali lang to dahil ilang beses na naten tong nagawa pero hindi pa rin dapat tayo makampante"

"Dito talaga nahahasa yung mga acting skills naten" natatawang singit ni Lovelyn

"Magsaya kayo dahil next time kayo naman" sagot ni Jeanzel

"Sa ganda kong to gagawin nyo kong taong grasa? My God I really hate you all" irap ni Sanjie

"Walang daya yun gaga ka! Nagbunutan tayo kaya hindi namin kasalanan kung yan yung nabunot mo" sabat ni Lyka kaya natawa kami

"Ayaw mo nun makikita namin yung pang famas mong artehan" pakikisakay ni Sheena

"Wag ka ng malungkot Sanjie si Chase nga umarteng baliw sa loob totoong Mental Hospital hindi naman sya nagreklamo" komento pa ni Jeanzel

"Pano naman sya magrereklamo eh parang natural na sa kanya yun duh?" Maarteng sagot pa ni Sanjie

"Magpasalamat ka na lang na hindi ka dumaan sa sewer bruha ka" singit ni Lovelyn na ikinatawa namin dahil grabe yung pinagdaanan nya dun

"Ito pampalubag loob tandaan mo na lang na ikaw ang pinaka magandang taong grasa na makikita nila sa tanang buhay nila" dagdag ko pa

"I know right?" Sagot ni Sanjie sabay flip ng mahaba nyang buhok

"So sino ang maglalagay saken ng make up?" Tanong pa nito

"Gaga grasa lang sapat na" sagot ni Lyka

Pagharap ko kay Boss ay seryoso syang nakatingin sa akin

"Please be safe" bilin pa ni Boss saken

"I will and after this let's clear everything" nakangiting sagot ko

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon