Chapter 32

223 37 1
                                    

Nandito kami sa hideout ng TMA at sinama namen si Boss para mapag usapan yung tungkol sa Mendez para maging aware din sya sa  mga nangyayare

Busy ako sa paglilinis ng sugat ko habang nakikinig lang sa usapan nila

"So you mean kaya pinipilit ng Mendez na ikasal kami ay para sa ilegal transaction nila? Thats bullshit! Hindi ako papayag" galit na wika ni Boss, kahit sino naman hindi matutuwa

"Pero kelangan namen ng cooperation mo patungkol sa bagay na to " singit ko sa usapan nila

"Sa paanong paraan naman?" Takang tanong nito

"Stick with Irene and help us to capture them" pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko

"Do I need to court her?" Tanong nito

"Anong court her! Hoy sabi ko lang stick with her pero hindi ko sinabing ligawan mo sya!" Bulyaw ko naman, nadala na ko ng bugso ng damdamin

"You sounds like a jealous girlfriend" tusko nito

"Kapal! Asa ka pa" pambabara ko dito pero ng tignan ko sila yung tingin nilang lahat saken ay nang aasar

"Kayo na nga magpaliwanag dyan nag iinit lang ulo ko" sigaw ko sabay walk out

Naalala kong tawagan yung magaling kung bestfriend

Nakatatlong ring muna bago nito sagutin

"Nakauwi ka na ba? How are you feeling? May masakit ba sayo? Gusto mo bang puntahan kita dyan? Sunod sunod kung tanong

"Vaks huminga ka naman" natatawang sagot nito at ang bruha nakakatawa na, na parang walang nangyare kanina

"Ok na ko at alam mo kung bakit" mahinahong paliwanag nito

"Alam mo ba akala ko katapusan ko na then nung dumating ka parang nagkaron ako ng pag asa" huminga muna ito bago nag patuloy

"Nakita ko yung takot mo hindi para sa kalaban kundi para saken tapos naisip ko sobrang swerte ko pala dahil parte ka ng buhay ko" napaluha ako sa sinabi nya, iyakin talaga ako pagdating sa mga taong mahal ko

"Sorry that you need to witness that kind of side that i been hiding " malungkot kong sabi

"Gaga! Ang cool mo kaya napanganga ako sa pagka amaze like geez bestfriend ko ba talaga to?" Tuwang tuwa ito sa kabilang linya kaya natawa na lang ako

"Magpahinga ka na, alam kong pagod ka, magkita na lang tayo bukas" pagpapaalam ko sa kanya bago pinatay ang tawag pero nagulat ako pag lingon ko nandun si Boss

"You really love her that much?" Tanong nito at tumango lang ko

"Akala ko mawawala na sya saken kanina sobrang natakot ako alam mo ba yun?" Yung kanina ko pa pinipigilang luha ay kusa ng tumulo

Niyakap nya naman ako at kusa ng dumaloy ang masagana kong luha

"Malakas ako pero pagdating sa kanila nanghihina ako, tapos naiisip ko kung pano sa susunod ganun na naman? sila na naman yung mapapahamak dahil saken? Ayoko ko ng ganun" hindi man nagsasalita si boss ay niyakap nya lang ako ng mahigpit na parang pinaparamdam nya saken na magiging ayos lang ang lahat

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako marahil dahil sa sobrang pagod

Yung bakasyon ko nauwi lang sa ganito

I drifted to sleep and maybe this is what I need

Rogelle Paul POV

Nakatulog na si Chase kakaiyak kaya binuhat ko sya para dalhin sa kwarto nya, ngayon ko lang nakita ang ganitong side nya

Nakasalubong ko si Lovelyn at mukang nagets na nya kaya tinuro nya yung kwarto na nasa dulo

"Muka lang makalas si Unnie pero napakahina nyan pagdating sa mga taong mahal nya" nakangiti ito pero kita ang lungkot sa mga mata nito

"Wag ka ng magselos saken pinsan ko yan at hindi kami talo" nakangising wika nito sabay talikod kaya tumuloy na ko sa pintong tinuro nya

Simple lang yung kwarto pero muka namang komportableng tulugan

Nailapag ko na sya ng maayos sa kama at masuyo kong hinaplos yung pisngi nya

"Kapag hindi mo na kaya tandaan mo nandito lang ako at ako naman yung poprotekta sayo" masuyo kong wika sabay halik sa noo nya

Kinuha ko yung comforter at nahiga na sa sahig pero hindi pa rin ako dalawin ng antok

Dahil siguro sa maraming bagay na nalaman ko ngayon

Sino bang mag aakala na ang nag iisang apo na babae ng isa sa mga pinakamayang tao sa mundo ay isa pa lang secret agent

Agent sila pero hindi nila dinisclose kung kanino o saan

Masyado nga yung pribado at hindi ko na inusisa dahil hindi naman ako tsismoso

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya tumayo ako at tinitigan ko si Chase

"I don't know why i'm feeling this way but I really like you" mahinang turan ko at alam kong hindi nya ko naririnig

Nagulat ako ng magsalita ito pero nakapikit

"Boss gusto kita kahit ang pangit mo" mahinang bulong nito sabay pihit pakanan na ikinabigla ko

Atleast kahit sa panaginip gusto nya din ako kaya walang pag aalinlangang tumabi ako sa kanya sabay yakap at dun na ako dinalaw ng antok

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon