Bitbit ang mga gamit ko pumasok ako sa loob ng unit ni Impakto
Tama po kayo mga kababayan nagsasama na kami joke!
Malamang kasama ito sa rules nya na kelangan kong sundin
Nilibot ko ang tingin ko sa loob in fairness ganda ng unit nya manly na manly ang dating pero bakla talaga yung may ari nito
Himala nga hindi nya ko pinahirapan ngayon eh
Hmmm ano kayang nakain nun?
Kanina sa office yung floor lang nya yung pinalinis nya saken dun na daw ako naka assign good for 100 days pero bago yun napangisi ako sa naalala
Kararating ko lang nun at umakyat agad ako sa marketing department para magsimulang maglinis marami ng tao nun ng dumating si Sir
Himalang dumayo ito sa marketing department tumahimik ang paligid at ang lahat ng mga kababaihan ay napasinghap habang nakatingin dito
Halata ang paghanga sa mga mata ng kababaihan tila nangangarap na mapansin nito
Poor girls kung alam lang nila kung gano ka impakto ang lalaking ito
Nagpatuloy lamang ako sa pagmamop habang may nakasalpak na lollipop sa bibig ko tila walang paki sa mga nangyayare ng may tumigil na pares ng sapatos sa harap ko
"Allowed ba kayong kumain habang nagtatrabaho? " nakataas ang kilay nito tss bading talaga
"Lollipop lang to sir pagkakait mo pa?" busangot na sagot ko
Magsasalita pa sana ito ng tanggalin ko yung lollipop sa bibig ko at isalpak sa bibig nya napangisi ako edi natahamik sya
Nakarinig ako ng mga singhap at bulungan
"OMG!"girl1
"Hala!"girl2
"Lakas ng loob"baklaHinihintay kong sigawan ako ni impakto pero nakangiti lang ito sa harap ko
Humakbang ito palapit at bumulong
"Hindi mo ba alam na indirect kiss yung ginawa mo? Ikaw ha? Tsansing ka" napahalakhak pa ito na ikinabigla ng mga empleyado nito
Natameme at namula naman ako
Biglang sumikdo at kumabog ng todo ang puso ko sa di ko malamang dahilan
At dahil wala na kong masabi inirapan ko na lang sya sabay walk out
Kainis nakabawi sya.
Nabalik lamang ako mula sa pagbabalik tanaw ng magsalita ito sa likod ko
"Dun sa right side yung kwarto mo" turo nya pa saken
"Ok" sagot ko sabay pasok dun at ayos ng mga gamit ko
Maganda ang design ng unit nito black and white ang theme complete din ito sa mga modernong kagamitan
Pero alam kong hindi ako buhay prinsesa dito
Napabuntong hininga na lamang ako 99 days ka lang dito kaya mo yan Chase
Pahiga na sana ako ng may kumatok
"Anong kelangan mo? " bungad ko
"Baka nakakalimutan mong katulong kita dito at hindi bisita " nang uuyam na wika nito
Napabuga na lang ako ng hangin sa pagtitimpi
"Ano pong maipaglilingkod ko senyorito? " pabalang kong tanong
"Ipaghanda mo ko ng dinner anong oras na " utos nito
"Opo kamahalan" sabay yuko para magbigay pugay
"And one more thing wear your proper uniform" dugtong nito sabay tapon ng uniporme sa muka ko
Bastos talaga tong lalaki na toIsang pang katulong
Isang pang men in black
Seriously? ArrrgggghhhhhBago lumabas ay sinuot ko na yung pang maid kong uniform baka magalit si kamahalan
Ang cute nung uniform ko muka talaga akong katulong -_-
Dumiretso ako sa kusina pero dahil tinatamad ako ay nilabas ko ang cellphone ko at umorder ako sa mamahaling restaurant
Buti nd pa lumalabas yung amo kong hoodlum ng dumating yung inorder ko
Saktong paglabas nya ay nakahanda na ang pagkain at tila namangha ito
"You cook this? " tila hindi makapaniwala
Hindi ko alam na ganun pala sya ka shunga para hindi mapansing hindi naman talaga ako ang nagluto nun
"Yeah lets eat! " masayang turan ko
Uupo na sana ako kaso bigla syang nagsalita
"Anong lets eat ka dyan! Ako lang ang kakain assuming ka rin eh no? " pang aasar nito
Bumilang ako ng 1-10 para pakalmahin ko ang sarili ko
"Sorry po Sir! Ou nga pala katulong mo lang ako enjoy your food mamatay sana kayo sa kabusugan o kaya mabilaukan ka sana" nakangiting sagot ko tsaka nagdadabog na umalis
Nagngingitngit talaga ako ng bumalik sa kwarto rinig ko pa ang tawa nito na halatang tuwang tuwa dahil napikon ako
Tiniis ko ang sariling gutom
Naghunger Strike ako
Ang ending gutom na gutom na ko anakshuta hindi nya ba alam na akong nagbayad ng kinain nya?
Sumakit sana yung tyan ng animales na yun
Nakiramdam muna ako bago lumabas
Sumilip ako sa pinto at inilibot ang tinginThe coast is clear
Dumiretso ako sa dining buti tinirhan ako ni gunggong ng pagkain
Matapos kong kumain at maghugas ay nagpahinga na ako dahil maaga pa ko bukas
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...