Epilogue

285 42 7
                                    

1 Year Later

"Pre kamusta yung proposal mo ? Successful ba?" Tanong ni Jake sa kabilang linya

"Pano magiging successful eh nung magtatanong pa lang ako nilayasan ako bigla" asar na kwento ko

Isang taon na ang lumipas mula ng mangyare yung insidenteng nabaril ako

Chase quit on her job gaya ng plano nya at naging masaya naman yung relationship namin kahit nagkakaron kami minsan ng maliit na hindi pagkakaunawaan pero sabi nga ng iba normal lang naman daw yun sa isang relasyon

Kahapon ay nagpasya akong mag proposed sa kanya pero walang nangyare

Everything is set, kumuntsaba pa ako ng mga tao para dito,I even rent a jet plane at nandun din lahat ng mga kaibigan at family namin At si Jake lang yung wala for some personal reason.

Niyaya ko syang magdate sa paborito naming lugar sa tagaytay at pumayag naman sya dahil matagal na kaming hindi nakakapag date

Maraming tao ng araw na yun sa Picnic Groove dahil weekend pero ayos lang naman

Naglibot libot muna kami habang hinihintay ko yung signal nila na ayos na yung set up bago ko sya dalhin dun sa pinaka gitna

So when everything is set ay niyaya ko na syang magpunta dun sa gitna, nagdahilan pa ako na mas maganda ang view doon kaya magkahawak kamay kaming nagtungo sa gitna

Parang nakikiayon pa yung pagkakataon saken dahil napakaaliwalas ng kalangitan

Nagsimula ng magsulat ng will you marry me sa kalangitan ang jet plane na inupahan ko at nakahanda na rin sa bandang baba yung mga taong magpo form ng please say yes even the chopper starting spreading rose petals in the air

Maraming nanonood samin at nakaramdam ako ng matinding kaba kaya nung nandun na kami sa mismong gitna ay binitawan ko yung kamay nya para dukutin yung singsing na nasa bulsa ko ngunit bago pa ko makapagsalita ay wala na sya sa harap ko

"Awts kawawa naman si kuya" komento nung iba

"Did she reject him ?" Tanong pa nung isa

"Gaga hindi no! Tumakbo si ateng dahil hinabol nya yung nagnakaw nung bag nung Ale" sabat nung isa

Hindi ko alam kung maiinis ba ko dahil may girlfriend akong tulad nya na laging alerto sa mga ganyang bagay 

Hindi ko namalayang nilapitan na pala ako ng mga friends at family member namin

"Better luck next time na lang" tinapik pa ko sa balikat ng Lolo ni Chase kaya naman nagsipag gayahan din yung iba muka tuloy akong kawawa

Humahangos pa nung bumalik si Chase kung san nya ko iniwan

"Sorry may siraulo kasing nagnakaw nung bag nung Ale grabe hiningal ako sa pagtakbo" kwento pa nito na tinanguan ko lang pero mukang hindi pa rin nakakaramdam

"Sayang hindi ko na abutan yung nag propose kanina mukang ang sweet pa naman, kaya lang balita ko na reject daw yung nag propose" tuloy tuloy pa rin ito sa pagkukwento ngunit natigil lang ito ng makita nyang kompleto ang buong pamilya at mga kaibigan namin

"Anong meron?"takang tanong nya pa

"Family Reunion" masungit kong sagot at nag walk out na lang

Kaya naman mula pa kagabi ng makauwi kami ay hindi ko sinagot alin man sa tawag o text nya

Kakatapos lang naming mag usap ni Jake ng may mag doorbell sa unit ko

Speaking of the devil muka syang batang inapi ng pag buksan ko sya pinto

"Anong ginagawa mo dito?" Serious mode muna tayo total nagtatampo ako

"May nagawa ba kong kasalanan? Kagabi mo pa ko hindi kinakausap, ni hindi mo nga sinasagot yung tawag at text ko" parang batang maktol nito

"Sorry marami lang talaga akong iniisip this past few days, bukas na lang tayo mag usap" pagtataboy ko pa sa kanya kaya lang bigla na lang nangilid yung luha sa mata nya

"Hindi mo na ako mahal! May ibang babae ka na siguro!" Umiiyak na akusa nya saken

Isang bagay na hindi ko matiis ay pag umiiyak na sya kaya naman niyakap ko sya

"Mahal kita at wala akong iba ok? Nagtatampo lang ako dahil nasayang lang yung effort ko kahapon" paliwanag ko pa at bigla na lang itong tumigil sa pag iyak at kumawala sa yakap ko

" I-ibig s-sabihin para saken yung proposal kahapon?" Gulat na tanong pa nito at bigla na lang itong tumakbo at nagsisigaw kaya napailing na lang ako

I keep on staring at my phone pero wala talaga syang tawag ni text mula pa kanina naisip ko tuloy na baka gumaganti sya kaya naman ng matapos ko lahat ng paperworks ko ay nagpasya na kong umuwi

Pero pagbaba ko sa lobby laking gulat ko ng nakaabang saken yung bestfriend ni Chase na si Blesie kasama si Lovelyn at Lyka

"Finally! Halika ka na muntik na kaming ugatin" mataray na yaya saken ni Blessie

Hindi na ko nagtanong pa at kusa na lang sumama sa kanila total kilala ko naman sila

Sumakay ako sa sasakyan ni Blessie samantalang naka motor naman yung dalawa at nakapwesto sa unahan

Nagtaka pa ko nung biglang nagbigay ng daan yung mga sasakyan kaya tuloy tuloy yung andar namin

Hindi pa nag tagal ay huminto kami sa harap ng amusement park kung san kami unang nag date ni Chase

"After this we need a serious talk but for now bumaba ka na and don't make her wait " pagbaba ko ay bigla na lang itong umalis

Madilim yung amusement park kaya iniisip ko kung pinagtritripan lang ako nung mga kaibigan ni Chase pero nagtuloy pa rin ako dahil bukas naman pinaka entrance

Pagpasok ko ay isa isang umilaw yung mga poste at biglang tumugtog yung speaker

All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old-fashioned days
But all the roads led me to you

Sinundan ko yung mga posteng nakailaw na parang nagsilbing daan papuntang Ferris Wheel at dun ko sya nakitang nakangiting naghihintay saken

The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
People in life, they will come and they'll leave
But if I had a choice I know where I would be

"Shall we?" Sabay lahad ng palad nya saken patungo sa Ferris Wheel at nakangiti ko namang tinggap

Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you

At gaya ng dati ay huminto itong muli sa tuktok at tumayo sya sa harap ko sabay  tingin sa labas kaya naman niyakap ko sya mula sa likod pero hindi tulad ng dati hindi mga fireworks ang nakita ko kundi sobrang daming lantern pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay yung hot air balloon na sobrang liwanag na may malaking banner at natawa ako sa nakalagay

You Don't have any Choice, You have to MARRY ME !!


"Hindi man to kasing sweet nung proposal mo pero ginamit ko lahat ng taglay kong ka sweetan kaya sobrang swer-" hindi ko na sya pinatapos magsalita at ginawaran ko sya ng isang matamis na halik sa labi

"Hindi ko rin alam kung bakit ko nadala to pero mukang alam ng tadhana na kakailangan ko to ngayon kaya naman let me ask you properly" kinuha ko yung singsing sa bulsa ko at lumuhod

"Will you marry me and make me the happiest man in my life?"

"Malamang Yes na Yes ! Wala ka nga kasing choice" natatawang sagot nya

Finally, I put the ring on her finger and in return she give me an honest to goodness kiss

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon