Chapter 28

199 41 0
                                    

"Hello sino to?" Sagot ko sa tawag

May na rinig akong boses ng babae na pamilyar na pamilyar saken

"Sino ba kayo ! Anong kelangan nyo saken? Pakawalan nyo ko " sigaw nung babae

"Patahimikan nyo nga yang babae na yan lintik naman!" Sigaw nung lalaki

Biglang nangilid ang luha sa mata ko kinakain ako ng takot at galit pero kelangan kong kumalma baka nagkamali lang ako imposibleng mapunta sa kanila si Blessie

"Hello ? Sino ba to? " kalmado kong tanong

"Hello si Chase Fortalejo ba to?"  Maaskad na tanong nung nasa kabilang linya

Hindi muna ako sumagot at kinalikot ko muna yung phone ko para madetect kung san nanggagaling yung tawag at nilocate ko rin yung magaling kung bestfriend

Malaman ko lang talaga na hawak nila si Blessie magkakamatayan talaga kami

"Hoy ! Si Chase Fortalejo ba to? " pasigaw na tanong nung nasa kabilang linya

Ni loud speaker ko yung phone ko at tinignan ko yung phone ko kung nag ma match yung location nung caller ko sa location ni Blessie

" Yes who the hell is this? " kalmado ko pa ring sagot

" Wag kang maangas hawak namen yung bestfriend mo " luh ? Eh sya nga tong maangas kaltukan ko to eh

"Weh? " dinadaan ko lang sa ganito pero ready to kill na ko

Nakita kong na nag match yung location nung dalawa at na trace sa abandonadong warehouse sa batangas

"Tanggalin nio yung busal nyan!" sigaw ni koyang HB

"Sino ba kayo? Ano bang kelangan nyo saken? Pera ? Ibibigay ko basta pakawalan nyo ko, wag lang yung super hot body ko" sigaw nung babaeng nasa kabilang linya

Confirm bestfriend ko nga to masyadong mataas yung self confidence eh

"Kausapin mo yung bestfriend mo at magmakaawa ka na puntahan ka " humalakhak yung lalaki na parang demonyo

"Wanna die?! Wag mong maidamay damay yung bestfriend ko kung ayaw mong mamatay" banta nung bestfriend ko

"Vaks !" Tawag ko sa kanya at napaiyak na lang ako, isa kasi sya sa kahinaan ko

"Vakler wag kang umiyak " alo nya saken

"Vaks naman! anong ginagawa mo dyan? " tanong ko sa kanya

"Hindi ko rin alam, pero sinasabi ko sayong wag kang pupunta dito! Ok lang na ako na lang yung mapahamak wag lang ik-" hindi na nya natapos yung sinasabi nya at nakarinig ako ng malakas na sampal

"Vaks ! " sigaw ko habang umiiyak

"Kung gusto mo pang maabutan ng buhay yung bestfriend mo pumunta ka dito ng mag isa ka lang, pag nagsama ka ng pulis hindi ako magdadalawang isip ng laslasin yung leeg nung maganda mong bestfriend, pero bago yung pagsasawaan muna namen yung katawan nya" banta pa nito

"Pupunta ako ! Ibigay mo saken yung address " tumigil na ko sa pag iyak pero punong puno ng galit yung dibdib ko

Hindi nila alam na alm ko yung exact na location nila

"Asa Batangas kami pero hindi ko ibibigay yung exact location namen para mas thrilling di ba? Hmmmm bibigyan na lang kita ng Clue " tuwang tuwa si gago

"Dapat ko pa bang ipagpasalamat sayo na bibigyan mo ko ng Clue?" Sarkastiko ko kung sagot

"Aba ! Mukang matapang ka ah! Tignan lang naten kung hanggang san yang tapang mo!" Napikon agad si gunggong

"Makinig kang maigi, pagnahanap kita sisiguraduhin kong magmamakaawa ka saken na buhayin kita at pangako ikaw ang pinaka huli kong itutumba, kaya maghukay ka na para may maganda ka man lang na paglalagyan dahil itatapon lang kita na parang basura" sandaling natahimik yung nasa kabilang linya at biglang tumawa .
Tawang pilit na halatang itinatago yung kaba

"At tingin mo natatakot ako sa pagbabanta mo" bumalik yung angas nung nasa kabilang linya

"It's not a threat but a promise" pa cool kung sagot basta ginaya ko lang yung famous line sa tv na napanood ko

"Clue warehouse, you have till midnight para hanapin kami dahil kung hindi isa isa naming bababuyin yung bestfriend mo, imagine 20 person na gagamit sa katawan ng bestfriend mo at bukas ng umaga lulutang nalang sya sa ilog" banta pa nito bago pinatay ang tawag

Bago mangyare yun sisiguraduhin kong mamamatay ka muna nasabi ko na lang sa isip

Gustuhin ko mang panghinaan ng loob ay hindi pwede kelangan ko ng kumilos

Nagpaalam muna ako sa pinsan ko na may aasikasuhin lang ako at ibinilin ko na rin si Lena.

Umakyat na ko sa kwarto ko at pinaghandaan ang gerang tutunguhin ko

Kinausap ko na rin ang mga ka grupo ko patungkol sa nangyare at binawalan silang samahan ako, laban ko ito at kilala nila ako, binilinan ko na lang sila na bantayan si Boss at balitaan ako sa mga nangyayare

Hiniram ko muna ang motor ni Lovelyn at dinala ko rin ang paborito kong baril at patalim

Ipaparanas ko sa kanila ang impyerno at pagsisisihan nilang kinanti nila ang mga taong mahal ko

Dahil mukha lang akong anghel pero kaya kong maging demonyo .

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon