Chapter 15

246 42 1
                                    

Matapos kong makita ang kahalayan ni boss ay dali dali akong lumabas na nagpupuyos sa galit

Sakto naman na nakasalubong ko si Jp  na biglang namutla ng makita ang itsura ko

"Hoy! Ikaw! Halika! samahan mo ko! Iinom tayo! " pagalit na sigaw ko dito

"Nakakatakot ka namang mag aya" mukang nenenerbyos na turan nito

"Ayaw mo ba? May utang ako sayo di ba? Libre ko to" mahinahon ng sabi ko

"Hmmmm mukang kelangan mo talagang umiinom tara may alam akong lugar na maagang nagbubukas" sabi nito

"Good! lets go" sabi ko na lamang

Pagkarating na pagkarating namin ay umorder agad ako ng tequila sa una ay pa shot shot lang ngunit ng lumaon ay bote na ang tinutungga ko habang nakatanga lang saken si Jp na animo isa akong alien na ngayon lang nya nakita

"Tao ka ba? " namamanghang tanong nito

"Hindi" tipid kong sagot na ikinalaki ng mata nito

"Sabi na nga ba eh! " weird na pagkakasabi nito

"Hindi ako tao kasi Dyosa ako!  Tandaan mo yan" paliwanag ko na ikinatawa nito

"Hambog ka din no? " sabi pa nito

"Anong hambog dun eh nagsabi na lang naman ako ng totoo" paliwanag ko pa

"Tss! Abnormal" dagdag pa nito

"Yeah! Yeah!  Abnormal na talaga kagandahan ko, wala eh inborn na" pagyayabang ko

"Ewan ko sayo" pagsuko nito na tinawanan ko lang

"Ano bang nangyare? " tanong pa nito

"Kasi naman grabe yung kahalayang nasaksihan ko kanina, hanggang ngayon naririmarim pa din ako" sabi ko pa at ikwenento ko ang buong pangyayare na tinawanan lang nya

"Natural na yun sa mga lalaki" depensa pa nito

"Natural? Sus! Baka gawain mo kaya defensive ka" ingos ko pa

"Hindi ah! Good boy ako" sansala naman nito

"Yeah! Yeah! Tell that to the marine" sarkastiko kong sagot

Uminom pa kami ng uminom at hindi na namin namalayan ang oras hating gabi na pala

Sa kasamaang palad hindi man lang ako nalasing kabaliktaran ng kasama ko na hindi na makagulapay sa sobrang kalasingan

"Hoy Jp!  Uwi na tayo para ka ng mongoloid dyan" pag aaya ko

"Shi Ey! bhakit Dhalawa ka na? Khambal mho? Hik! " sabay subsob sa counter

"Lasing ka na! San ba yung bahay mo at ihahatid na kita" sabi ko at nag angat naman ito ng ulo sabay ngisi saken

"Sha lhangit shama kha? Hik! " wala na talaga ito sa katinuan ,biruin mo sa langit daw sya nakatira eh hindi sya pwede dun

"Sige uso lang mangarap, ako nga sa impyerno nakatira eh gusto mo isama kita? " pakikisakay nya rito

"Hmmmm phinaglolokho mho kho eh! Hik! Mwuka kha kyang Hangel!  Hik! Bhagay tayho! Hik! " bago pa ko mapikon ay inalalayan ko na itong tumayo at maglakad ng makauwi na kami

"San naman kaya nakatira tong lasenggo na to? " nag iisip ako habang nakatingin sa tulog na tulog na si Jp ng biglang sumulpot sa isip ko yung impakto kong boss

"Ibang klase talaga ang talino ko" napangisi ako at binuksan yung cp ko

Sakto namang pagka on ay tumatawag si boss

Sugo ni Satanas 😈 Calling........

"Where the hell are you! Hindi mo ba alam na kanina pa ako tawag ng tawag?! Nag aalala ako na baka napano ka na! " sigaw nito pero kumabog ng mabilis yung puso ko sa huling sinabi nito

"Nag aalala ka saken? " malumanay kong tanong matapos mapakalma yung puso ko, shet kikiligin na ba ko?

"Malamang! Wala na kong alila pagnagkataon! " sigaw nito na ikinalukot ng muka ko at nakaramdam ako ng pagkadismaya

"Tss! May tanong ako? " pag iiba ko sa usapan

"Ano? " sagot nito

"San nakatira si Jp? " seryosong tanong ko

Sandaling natahimik ang kabilang linya at inis na sumagot

"Edi sa bahay nya!" singhal nito

"Wala ka talagang kwenta kausap! Sige total ayaw mo namang sabihin ay ipapasok ko na lang tong lasing mong kaibigan sa hotel" akmang ibababa ko na ang tawag ng sumigaw si boss sa kabilang linya

"Hoy! Sandali! " sigaw nito at nakarinig ako ng lagabog na parang may nahulog

"Boss? Anyare? Buhay ka pa? " tanong ko sa kabilang linya

Puro mura lang ang narinig ko at biglang namatay ang tawag

Napakunot na lang ang noo ko sabay iling

"Kahit kelan talaga wala kang silbi" naibulong ko na lang ng biglang mag beep yung cp ko

1 message receive

From: Sugo ni Satanas 😈

Unit #304 Heaven's Condominium
Yan address ni Jp
Wait for me! I'll pick you up
Don't you dare escape!

To: Sugo ni Satanas 😈

Yeah! Yeah! Whatever! 😒
Bilisan mo baka hindi mo ko maabutan 😂😛

Biruin mo nga naman sa condominium na pagmamay ari pa pala namin nakatira tong monggoloid na to kaya pala sabi nya sa langit sya nakatira

Mabilis kong pinaarangkada yung kotse ni Jp dahil uwing uwi na ko at gusto ko ng magpahinga

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon