Chapter 26

224 44 1
                                    

Pagdating ko sa seaside andun na nga silang lahat medyo nakaramdam din ako ng hiya konti nga lang

"Oh andito na si Chase" sigaw ni Jake

Tss! kelangan i mention ganda ko talaga paki connect na lang

"Tara na sa beach ng makapagsimula na !" Sigaw ni Boss, mukang mainit pa rin yung ulo haisxt

Bago pa ko maunahan ni Irene ay nauna na kong lumapit kay Boss sabay kalabit

"Boss " tawag ko sa kanya sabay kalabit pero dedma

Lumingon ako sa mga tropa nya pero puro kibit balikat lang ang mga sagot nila tsk mga walang pakinabang

"Boss! Uy! Boss!" Dedma pa rin napipikon na ko

"Sir Rogelle ito po pala yung schedule and activities  naten today " singit ni Yvette at pinansin sya ni Boss

"Thanks Yvette your such a big help di gaya ng iba dyan" wika ni Boss

"Boss tulungan na kita" presinta ko pero dedma pa rin

"Rogelle honey whats the plan today" malanding wika ni Irene sabay pasimpleng sagi saken

Kaya nagpanggap ako natumba tignan naten kong dedma pa rin ako

"Ouch" arte ko sabay pangingilid ng luha ko oh my pwede na kong pang famas insert evil laugh pero sa loob loob ko lang yun

Bumalik si Boss at nag aalalang lumapit saken

"Anong nangyare sayo?" Halata ang pag aalala sa boses nya

"Kelangan pa bang masaktan ako bago mo ko pansinin?" Naiiyak na ko seryoso bwesit na emosyon to

"Haisxt kasalanan mo naman eh" pabulong na sagot nito

Hindi ko alam kong anong sumapi sakeng espiritu pero niyakap ko si Boss

"Bati na tayo Boss? Please?" Parang batang ungot ko, yakap yakap ko pa rin si Boss hindi ko alam kung naririnig nya ba yung tibok ng puso ko dahil kahit ako ramdam ko yung lakas at bilis ng pagkabog nito

"Fine" labas sa ilong na sagot nito at tinayo nya ako sabay talikod

Ang pinagtataka ko kung bakit parang nagmamadali si Boss at panay kantyaw ang naririnig ko sa mga tropa nya

Samantalang sobrang talim naman ng tingin na ipinupukol ni Irene saken

Sabi nga nila if looks could kill 6 ft under the ground na ko

Rogelle Paul's POV

Hindi ko inaasahang yayakapin ako ni Chase kaya nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nag init rin ang magkabilang pisngi ko,syet lakas makabading.

Pagkatayo ko sa kanya ay tumalikod na ko bago pa nya makita ang reaksyon ko, napaka bully pa naman nun ngunit hindi ako nakatakas sa mga tsismoso kong mga kaibigan puro kantyaw sila saken mga siraulo, makakabawi din ako sa inyo

Nagseset up na kami ng mga gagamitin namen para sa team building ng lumapit ulet saken si Chase

"Boss!" Nakangiting approach nya saken

Hmmmm mukang may kelangan to saken kakaiba sya ngayon eh

"Oh?" Pasuplado kong sagot kelangan pakipot tayo mga tsong baka isipin nya easy to get ako

"May ibibigay kasi ako sayo parang advance gift ko sayo sa birthday mo ganern" nakangiti pa rin sya

"May sakit ka ba? O sinapian ka ng mabuting kaluluwa? " medyo alangan kong tanong

"Nope, I'm good" nakangiti pa rin ito

Medyo kinikilabutan na ko kasi hindi ako sanay na ganito sya mas prefer ko pang binubulyawan nya kaysa ganito pakiramdam ko ibang tao yung kausap ko

"Alam kong hindi ako naging mabuti sayo nung nakaraan" dagdag pa nito

"Nung nakaraan lang?" Paninigurado ko

"Fine!" Inis na wika nito sabay irap medyo na relief ako kasi ito talaga yung totoo nyang ugali

"Simula pa nung una ayan na ha?" Dagdag nito pero may kasunod pa pero pabulong " Ako pa nag adjust bwesit na to"

"Hindi mo talaga kayang maging mabait no? " pang aasar ko na din

"Mabait ako sa mabait" depensa nito

"Sige sabi mo eh" pinipigil ko lang matawa dahil nakikita kong napipikon na sya

"Wag na nga bwesit ka talaga " bulyaw nya

Kita mo to kanina mukang anghel ngayon naman anghel na may sungay na tsk tsk ang hirap talagang ispelengin

"Ano ba kasi yun" tss ako pa rin yung magpapakumbaba hay mukang nanganganib ako sa babaeng to

Nanganganib na maging under masyadong dominante

"Oh!" Sabay hagis ng kwintas na may music note

"Peace offering ko! Isuot mo yan ha? Kundi patay ka talaga saken" banta pa nito sabay walk out pero bumalik din agad

"Bakit hindi mo pa rin sinusuot ? Gusto mo pa talagang ako pag yung mag lagay sayo ? Para kang bading " nagtatalak na naman sya

Like hello mga bes di ba pwedeng ninanamnam ko muna yung sandali tipong pinaflashback ko yung nangyare tapos kikiligin ako

Panira talaga ng moment tong babaitang to

Hinablot nya yung kwintas sa kamay ko at pinatalikod ako

"Wag na wag mong huhubarin to ha? Kelangan araw araw mo tong suot" paulit ulit na bilin nya medyo nakakapagtaka pero pinabayaan ko na lang

"Yes boss" nangingiting sagot ko

Ang hirap pala .....










Ang hirap magpigil ng kilig
Ako na yata yung babae saming dalawa haisxt konti na lang alam kong aamin na rin sya
Hindi ako assuming !
Gwapo lang talaga


A.N
Sabaw....

Comment po kayo yung nakaka inspired para ganahan ako 😘
Salamat sa mga nagtyatyagang bumasa at ganun na rin po sa mga nag vote iloveyou guys 😘











C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon