Chapter 25

225 41 0
                                    

Chase POV

Nakarating din kami sa beach resort na pagdadausan ng team building ng company at pinagpapasalamat ko na wala namang aberya.

Agad bumungad ang ganda ng tanawin sa tabing dagat na animong nag aanyaya na magtampisaw sa asul na tubig subalit hindi yun ang ipinunta ko dun

Bumungad saken ang kasamahan kong si Sanjie sa front desk na nagpapanggap bilang receptionist

"Good Morning Ma'am and Sir Welcome to the Fortalejo's House and Beach Resort ! Do you have any reservation?" Mahinhin na pagbati nito sabay kindat sa gawi ko

Napairap na lang ako sa ire dahil katabi ko si Boss, assuming pa naman to baka akalain nya na sya yung kinikindatan ni Sanjie

"Reservation for the Sullivan Company Team Building" sagot ni Yvette

"Oh, our very special guest for today, this is all your card keys and let our staff assist you in all your needs" nakangiting wika ni Sanjie

"Excuse me miss pero tingin ko kulang ng isang card key" singit ni Yvette

"Regarding to that matter tama lang lahat yung bilang ng card keys because Ms Chase Arielle Fortalejo has her own room sa pent house, perks of being the one and only grandaughter of Mr Zandro Fortalejo "
Dirediretsong wika nito na ikinalaglag hindi lang ng panga ko kundi ng karamihan

"Ehem! Sanjie too much information" nakangiti ako pero alam nya na ang ibig kong sabihin

"Oopss ! I did say something wrong " dinaan pa ko sa pagpapa cute

"Absolutely and definitely yes " nakairap kong sagot sabay harap sa mga kasama kong tulala pa rin ang karamihan

"So guys you can proceed to your rooms and do what you need to do" utos ni Boss kaya nagsisunuran naman sila

"Thank you for saving my ass over there" sincere kong pasasalamat kay Boss pero inirapan lang ako sabay walk out

Tss problema nun ? Naitanong ko na lang sa sarili at nagpasya ng umakyat sa penthouse dahil alam kong kanina pa naghihintay ang mga hitad sa taas.

"Nakita mo na yung sinasabi ko sayo?" Nangingibabaw yung boses ni Lovelyn kahit nasa pinto pa lang ako

"Yes ! Ang hot at pogi nga nya " bungisngis ni Sanjie na ikinakunot ng noo ko,
Mukang si Boss topic ng mga to kaya bago pa nila matuloy ang kanilang pinag uusapan ay padabog akong pumasok at sumingit sa usapan nila

"Anong hot at pogi dun eh muka nga syang Albino gorilla" pagkontra ko

"Albino's are cute" sagot naman ni Lyka

"Eavesdropping aren't we?" Sheena said while giving me a teasingly look

"Sa sobrang lakas ng mga bunganga nyo rinig na rinig kayo sa hallway kaya wag kaung mamintang" irap ko na ikinatawa lang nila

"Defensive" sagot ni Jeanzel

"Tss ! Pwede ba maging maingat nga kayo pano kung may nakarinig sa inyo? Hindi dapat pinag uusapan yang mga ganyan dito" pagsusungit ko

"Hoy Unnie ! Hindi confidential yung topic namen wag kang OA" sagot ni Lovelyn sabay bato saken ng unan kaya ang ending na uwi kami sa pillow fight.

Matapos naming magkulitan ay nag usap na kami patungkol sa plano namen para sa kalaban kaya pumasok kami sa silid ko dahil dun lamang soundproof

"Mukang hindi ganun kadaling kalaban ang mga Mendez sa pagkakaalam ko ay tuso ang matandang Mendez ganun dun ang anak " panimula ko

"Kaya hindi tayo pwedeng pakampante lalo pa't narinig ko na meron silang plano" seryosong turan ko at seryoso rin naman silang nakikinig

"Well if that's the case tripleng ingat dapat tayo" sabi naman ni Jeanzel

"Ako ng bahala sa lahat ng monitoring at hackings sa files nila" si Sheena naman ang maaasahan pagdating dito

"Kami na lang ang i assign mo sa checking ng perimeter kasama ko si Lyka Mae at Sanjie" suhestyon ni Lovelyn

"Sige basta ha? Dapat aware tayo sa paligid at focus lang" dagdag ko pa

"Isuot nio yung mga ear gear naten then yung tracker naman ako ng bahalang ilagay kay Rogelle at Irene"
Pagtatapos ko sa usapan namen dahil nagriring na yung cellphone ko

"May unggoy na natawag !!!!
May unggoy na natawag !!!"  Lahat sila napatingin saken

"Wag kayong ano ringtone ko yan sa kanya para mabilis kong malaman kung kanino yung tawag" depensa ko

"So kung kanya ganyan ano yung samen?" Curious na tanong nila saken 

"Ah eh ano teka bababa na pala ako" sabay karipas ng takbo bago pa nila mahablot yung cellphone ko at malaman nila kung ano yung mga assign ringtone nila ayoko pa ma tegi

Lakad takbo ang ginawa ko kaya hingal na hingal ako pero walang tigil pa rin sa pag ring yung cp ko

"Tss! Napaka urgent ba para tadtarin nya ko ng tawag!" Pinandidilatan ko yung cp ko pero natawa din ako ng makita ko yung picture sa screen ang cute nung unggoy literal

Sinagot ko yung tawag tipong hindi pa ko nakakapag hello binugahan na ko ng apoy

"Asan ka na ba ha? Paimportante ka talaga ! Ikaw na lang wala dito ! Hindi pa tuloy kami makapagsimula! Ano sumagot ka! " sigaw nito kaya na iimagine ko na labas litid at luwa na yung mata nito kakasigaw

"Boss kumalma ka nga saglit lang ako nawala sa paningin mo miss mo na ako agad? Tsk tsk sinasabi ko sayo malala na y--" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko binabaan na ko tsk tindi ng sapak potek

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon