Nagsimula na ang aming team building at hinati kami sa 10 na grupo
Sobrang intense pero masaya naman dahil sports naman ang karamihan yun nga lang ng dumating na sa volleyball ay dun na nagkainitan sumali kasi yung mga tropa ni Boss dahil bored na daw sila ganun din yung mga karaykaray nilang kababaihan
Girls volleyball
Irene,Karen,Hanny,Allysa,Carol at Lena vs saming mga employee pero dahil nag inarte si Karen ay pinili ko na lang kunin si Lena at ipalit sa kasama kong si Brenda na may inis rin saken
Kaya ang set up namen
Ako, Lena, Yvette, Grace, Judy, at CelineMukang mapapalaban ako dahil panay irap saken nung mga babae sa kabila tsk kasuya buti pa si Allysa at Carol mukang ok lang sa kanila
Nagsimula na ang laro at ang mga hitad serve pa lang ng bola parang may gusto ng spiken ng muka
Hindi namen sila pwedeng maliitin dahil mukang mga pro tong mga bruha na to sa larong to
Hanggat maaari ay binabantayan ko si Lena na wag matamaan ng bola dahil napansin kong pinipunterya sya ni Karen tss bitter ang hitad sarap patamaan ng bola sa muka mamaya to saken
Naging mainit na ang laro naghahabulan lang kami ng score , ipinagpapasalamat ko na magagaling rin maglaro ang mga kasama ko
"20-20 yan ang score tie na kami kaya talagang kulang na lang mag super sayan ako inis na inis ako sa kabila
Suyang suya ako kay Karen , Irene at Hanny ano bang problema ng mga babaeng to bakit hindi na lang sila maging sport kung hindi si Lena ay ako naman ang punterya nila nakakabwesit
Natigil lang kami sandali sa laro ng umingay ang paligid dahil sa tilian ng mga kababaihan
Kahit ako ay na panganga ng makita ko kung sino ang mga parating
Like what the hell ? Anong ginagawa nila rito matching banner pa
"Go Chase baby !" Sigaw nila sabay buklat nung banner as in proud na proud pa sila
Nag request ako ng time out muna at nilapitan ko sila
"Anong ginagawa nyo rito? " usisa ko sa kanila
"Baby bakit ganyan ka samen? Ha? Kuya mo kami pinsang buo tapos kung makausisa ka parang hindi mo kami ka ano ano isusumbong ka namen kay mommy" arte ni Leo matching hawak pa sa dibdib na akala mo talaga nasaktan
Pano ba naman sampu silang pinsan ko na nandito yung iba wala dahil nasa ibang bansa para sa business
Leo, Xander, Xavier, James, Timothy, Peter, Sandro, Gabriel, Red at Blue
"Wala ba kayong trabaho? " tanong ko sa kanila
"Pina cancel namen lahat yung appointment namen your more important " sagot ni Peter kaya wala na kong nagawa
"Sino pa lang nagsabi sa inyo na nandito ako " tanong ko
Kumaway naman si Red at Blue na ngiting ngiti sila nga pala ang namamahala nitong resort
"Wag mo kaming ipapahiya baby ginawan ka pa namen nito" sabat ni James sabay taas nung banner nakisabay naman yung iba
Minsan gusto kong isipin na nabilang ako sa mga abnormal na pamilya pero sobrang swerte ko naman sa kanila dahil mahal na mahal nila ako
"Yung iba hindi makakapunta hindi raw sila aabot kahit mag plane kaya mag live na lang daw kami" sabi ni Timothy
Like seriously?
Iniwan ko na sila at bumalik na ko sa grupo ko para ituloy ang laro
Nagulat ako ng sumigaw si kuya Timothy sabay takbo sa grupo ko
"Lena !!!!" Niyakap nya si Lena
Ay may kaganapan na hindi ko alam
"Timothy" naiiyak si Lena sabay yakap kay kuya
"Ang tagal kitang hinanap bigla ka na lang nawala" si kuya na nakayakap pa rin kay Lena
"Sorry na bestfriend" sagot ni Lena na ikinagulat ko
So si Lena yung bestfriend ni kuya Timothy na iniyakan nya nung hindi na nya nakita
Hmmm what ang small world
Napatingin ako kay Jake at sobrang dark ng Awra nya kaloka someone is Jelous Hahaha
"Hoy tama na yan maglalaro na kami" pinaghiwalay ko na sila
Nagsimula na ulet yung game natatawa pa ko sa mga siraulo kong pinsan
"Go baby Chase spikan mo sa muka para sureball win na" sigaw ni James
Na ikinatawa ng karamihan
23-24 isa na lang panalo na kami
Sa dami ko ba namang supporter panong hindi ako gaganahan
Nakita ko ng tinira ni karen ng ubod ng lakas yung bola at tatama kay Lena kaya hinarang ko at inispike ko yung bola na tumama naman sa muka ni Karen
Hinimatay si Karen kaya agad na tinakbo ni Jake sa Clinic, nagkagulo na pero ang hindi ko inaasahan ay ang pamumutla ni Lena at unti unti nyang pagbagsak pero nasalo ko naman
Sobrang nataranta ako at mabilis kinuha ni Kuya Timothy si Lena na sobrang putla at walang malay
Tumuloy kami sa Suite ko at tumawag ako ng doktor gaya ng bilin ni kuya
Dumating ang doktor at sinuri si Lena
Habang kami sa labas ay naghihintay pansin ko ang pagkabalisa ni Kuya Timothy sa hindi ko mawaring dahilan
Lumabas na yung doktor at kinausap kami at nawindang talaga ako
"Dok kamusta si Lena?" Tanong ni kuya Timothy
"Alam mo ba kung anong sakit ni Lena Timothy ? Seryosong tanong ng doktor
"Yes dok heart disease" sagot ni Kuya na ikinagulat ko
"Hindi dapat napapagod si Ms. Walangsinasanto, alam naten kung gano katraydor ang sakit nya " dagdag ni Dok
"Wag kayong mag alala napagod lang sya kelangan nya lang magpahinga pero please wag nyo syang bigyan ng sobrang emosyon na makakapagtrigger ng sakit nya" paalala ng doktor bago umalis
"She's too good, Chase bakit si Lena pa?" Umiiyak na tanong ni kuya Timothy kaya niyakap ko na lang sya
"Everthings gonna be okay kuya manalig lang tayo sa Diyos" pagpapagaan ko ng kalooban nya
Alam kong matagal ng mahal ni kuya Timothy ang bestfriend nyang si Lena
Masyadong komplikado ang mundo
Nag ring yung cellpone ko at unknown number , biglang kumabog ng husto yung puso ko, nag paalam ako saglit kay kuya bago sagutin yung tawag
Kinakain ako ng sobrang kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan .
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...