Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng sobrang kaba ngayong araw
Nandito na kami malapit sa lumang warehouse at naka standby na rin yung mga kasama namin
"Guys ito na yung hinihintay nating araw,kaya dapat tapusin na naten ang dapat tapusin" panimula ni Sheena
"Para sa VL!" Sigaw pa ni Lovelyn kaya nagtawanan kami
Sumapit na ang takdang oras kaya kumilos na din kami
May kanya kanya kaming pwesto at gaya ng plano kaming lima muna ang papasok at bibigyan na lang namin ng signal ang iba naming kasama
Naging maayos naman ang raid and rescue operation namin pero pakiramdam ko ay may mali
Nailigtas namin ang maraming bata na nakalagay sa container truck ganun din ang mga minor de edad na mga babae
May ilang mga droga ding nakompiska
Tumutulong ako sa pag aasikaso ng mga bata ng magsalita si Sheena sa kabilang linya na connected sa aming lahat
"Guys we have a problem, mukang nakatunog si Melchor Mendez that's why his on the run now but don't worry I'm trying my best to track him down"
Bumalik na naman yung matinding kaba na naramdaman ko kanina
Kaya hindi na ko nag dalawang isip pa na tawagan si Boss pero out of coverage area
Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko talaga sya ma contact
I even tried to call all his friends pero pare pareho sila ng sagot at yun ay hindi daw nila alam kung nasan si Boss
Then suddenly my phone ring and unregistered number appear
I try my best to keep myself calm as i answer the phone at piniling lumayo sa nakararami
"Do you know how much money I lost today?" Isang matandang boses ang narinig ko mula sa kabilang linya na kilalang kilala ko
"What do you want?" Diretsong tanong ko
"Wow! I like that! Your so straight forward" rinig ko pa ang halakhak nito
"You know darling that money is enough reason for me to kill this person in front of me"
"And why does it concern me?"
"Because you knew him so well,do I need to give you some clue?"
"I don't need a clue, what I need is a proof so stop beating around the bush" singhal ko dahil nagsisimula na akong mapikon
"Woah! Calm down baka pag ako yung nainis sumabog tong bungo ng fiance ng anak ko o mas tamang sabihing taong mahal mo?" At narinig ko na naman yung malademonyong halakhak nya
"I'll send you something and I hope you like it" at binaba nya na yung tawag
Mayamaya pa ay may natanggap akong multimedia message at kasunod ng isa pang message
Una kong binuksan yung MSS at picture ni Boss na duguan at nakatutok yung baril sa ulo nya ang bumungad saken kaya muntik ko ng mabitiwan yung cellphone ko
Parang dinaklot yung puso ko at nagkusang tumulo yung luha sa mga mata ko
Kahit nanginginig yung kamay ko at nanlalabo yung paningin ko dahil sa luha ko ay pilit kong binasa yung message
The clock is thinking my dear
Hurry up before he dies in my hands
But of course be obedient first
I just need You, meaning only You
No other person, just You to come here
And of course I'm not stupid enough to not know if you follow my condition
I already send some of my men there
So see you in a bit!XOXO
Xoxo? Ano sya bagets?
Sunod kong natanggap ay ang address na dapat kung puntahan, mabuti na lang at dinala ko yung motor ko kaya agad akong umalis at hindi na nag abalang magpaalam pa sa mga kasama ko
Mabilis kong pinatakbo yung motor ko dahil marami ng senaryong naglalaro sa isip ko at habang tumatagal ay hindi na ko makapag isip ng maayos na plano dahil kinakain na ko ng matinding takot para kay Boss mas matindi pa sa takot ko nung kinidnap nila si Blessie
Isa lang ang dalangin ko at yun ay mailigtas ko si Boss kahit ang kapalit pa nito ay ang sariling buhay ko
Nakarating ako sa isang abandonadong masyon na lalo pang nag mukang nakakatakot dahil sa sobrang dilim ng paligid at malayo sa bahay ng nakararami
Pinag aralan ko ang kabuuhan ng masyon at nag isip ng magandang plano
Hindi ako pwedeng sumugod ng basta basta dahil mag isa lang ako at kelangan ko ng ibayong ingat kung gusto kong makalabas kami ng buhay ni Boss
Dumaan ako sa likod at nakalock yung pinto mabuti at lagi kong dala yung mahiwagang hairpin ko
Dahan dahan akong pumasok sa loob at pinakinggan kung san nagmumula yung ingay
Nasa sala sila at mukang nagkakatuwaan at dun ko nakita si Boss na nakaupo sa isang silya habang may busal sa bibig at nakatali ang mga kamay at paa
Kahit medyo malayo ako sa pwesto nila ay kitang kita ko ang mga pasa at sugat sa muka ni Boss
Naikuyom ko na lang ang kamay ko dahil sa matinding galit at walang pag aatubiling binunot ko sa makabilang hita ko ang dala kong baril at pinaulanan sila ng bala
Siniguro kong walang nasasayang na bala dahil bawat tamaan ko ay tumutumba
Agad kong nilapitan si Boss at tinanggal ko ang busal nya sa bibig at tali sa kanyang mga kamay at paa
Kita ko ang pagod at panghihina sa kanya ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nya saken sabay pihit para magkapalit kami ng pwesto kasabay ng isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa aking pandinig
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...