Chapter 6

274 43 0
                                    

Rogelle Paul POV

Andito ako sa loob ng office ko habang tawa ng tawa dahil sa nakikita kong itsura ni Chase sa labas

Sabi na nga ba mapipikon yun eh pero dahil hindi naman ako ganun kasama ay binilhan ko sya ng pagkain

Yes! Pagkain pero wag kayong ano! Maawain lang talaga ako walang malisya yun tsaka pati rin naman yung secretary ko binilhan ko

So back to reality na tayo

Busy ako sa mga tambak na proposal sa mesa ko ng mag ring ang telepono ko

"Yes ?" sagot ko

"Sir andito po yung mga kaibigan nyo" sagot ng secretary ko

"Meron ba ko nun? " biro ko

"Sir wala po ba? " sagot nya minsan talaga slow tong secretary ko

"Sila JP ba yan? " tanong ko

"Yes sir" masiglang sagot nito

"Sige patuluyin mo na dito sa office ko" sagot ko

Ilang minuto lang ay pumasok na yung mga kaibigan ko

"Yow! " bati ni Jp kaya nag angat ako ng tingin kasama nito si Jake ,Ryan at Dave

"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito? " takang tanong ko

"Masama bang dalawin ka? " tanong naman ni Jake

"Really ?" hindi kumbinsidong sagot ko

"May chismis kasi kami sayo" singit naman ni Dave

"Bading talaga kayo! Kalalaki nyong tao tsismoso kayo! Oh ano nanyare? " sagot ko

"Lol! Kami pa talaga ha? " sabat naman ni Ryan

"Dami satsat kwento nyo na" reklamo ko

Sabay sabay naman kaming nagtawanan tsismoso talaga sila syempre ako curious lang

"Sayang hindi ka sumama samen nung nag Bar kami hindi mo tuloy nakita kung pano na knock out si Jp" pagkukwento ni Dave

"Napaaway kayo sa Bar? " tanong ko

"Nope! Good boy kami no! " tanggi agad ni Jake

"Eh bakit na knock out yan? " tanong ko habang nakanguso kay Jp na mukang nagdi daydreaming

"Ito ang nakakatawa pre hindi pa lasing si Jp nun" pagbibida naman ni Ryan

"Dami nyong pa suspense! " asar na sagot ko

"Ito na ito na leche naman halatang atat sa tsismis? " pambabara ni Jake

"Kasayaw kasi ni Jp yung sikat na model na si Ice Montefalco ng biglang dumating yung babaeng nakapajama" pagkukwento ni Dave matching serious face pa sya

"Babaeng nakapajama? Oh anong connect nun? " takang tanong ko

"Hindi pa kasi ako tapos mag kwento king ina mo naman kasi" reklamo ni Dave

"Ou na sige na tuloy mo na" sagot ko naman

"So ayun nga busy sa pagti take advantage si Jp dun sa model na halatang lasing na lasing nag biglang nahawi yung mga tao kasi dumaan yung babaeng nakapajama take note nasa kanya lahat ng atensyon hindi dahil agaw atensyon yung suot nya kundi dahil muka syang anghel na naligaw sa bar" animated na pagkukwento ni Dave

"Tapos? " curious lang talaga ako

"Tapos dumiretso sya kung san nakapwesto si Jp at yung model" singit ni Jake

"Tapos! Wag nyo kong bitinin" reklamo ko tapos tinawanan lang nila ako

Nang biglang magsalita si Jp

"Tapos hinatak nya yung model na kasayaw ko magrereklamo sana ako ng makita ko yung muka nya shit pre na love at first sight ata ako tapos nagulat ako nung in uppercut nya ko tapos biglang nagdilim ang paligid ko" nakangiting pagtatapos nito ng kwento

"Mukang ang lakas ng tama mo ah" pang aasar ko dito

Biruin mo isang babae ang nakapagpabagsak dito interesting

"Kailangan ko syang makilala pre" despiradong turan nito sabay yugyog saken

"Tigilan mo nga yung pagyugyog saken nabading ka na naman sa kagwapuhan ko" pang aasar ko kay Jp

"Kapal ha? Baka ako yung model saten? " hambog talaga tong si Jp

"Ako din may kwento" sabi ko at naging alerto naman yung apat king ina mga bading talaga to

"Sige pre ikwento mo na" atat na atat yung mga gunggong

"Naalala nyo yung McLaren P1 ko? " tanong ko

"Yung bago mong bili? " tanong ni Dave

"Wag mong sabihing bininyagan mo na yun? " nakangising turan ni Jp manyak talaga tong hayop na to

"Nakipagdyugdyugan ka dun? " isa pa tong si Jake manyak din mana kay Jp

"Siraulo kayo hindi! " asar kong sagot

"Eh ano? " tanong ni Ryan

"Ayun wasak na" walang emosyong sagot ko

"Binangga mo? " sabay sabay nilang tanong

"Syempre hindi! " angil ko sa kanila

"Pano nawasak? " takang tanong ni Jake

"Hinampas ng sledgehammer hanggang sa mawasak ng sobra" may panlulumong sagot ko

"Hala grabe! Kilala mo may gawa? " tanong naman ni Jp

"Gusto nyo makilala ?" nakangising tanong ko

Sabay sabay silang tumango

Pinindot ko yung intercom at nagbigay ng instruction sa secretary ko

"Yvette ipatawag mo si Chase at sabihin mong magtimpla sya ng Juice para sa lima at dalhin nya dito sa office ko" utos ko

"Yes sir" sagot nito

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon