Chapter 40

222 42 5
                                    

saeng-il chughahae 🎂🎁🎈 Alexa20619
Thank you for appreciating my story 😘

Last chapter na guys thank you at umabot kayo sa huling parte ng kwento ni Chase at Rogelle Paul

After this Epilogue na.....

------------*

Parang huminto yung mundo ko at literal na tumigil ang pagtibok ng puso ko, maging sa paningin ko ay parang nag slow motion ang lahat

Mula sa unti unti nyang pagbagsak ay kasama ako dahil hindi ko sya magawang bitiwan at tulala lang akong nakatingin sa kanya 

Ngunit isang sigaw ang nagpagising saken  mula sa pansamantala kong pagkawala sa sarili

"Chase sa harap mo!" Hindi ko na makilala kong sino ba yung sumigaw dahil parang may sariling utak yung kamay ko at dinampot yung baril na malapit saken at kahit nakaupo at hawak ko si Boss gamit ang isang kamay ko ay pinaputok ko yung hawak kong baril ng walang humpay sa taong nasa harap ko hanggang sa maubos ko ang balang laman nun at bumulagta ang wala ng buhay na si Melchor Mendez

Hindi ko ininda yung tamang natamo ko sa balikat mula sa baril ni Mendez

At hilam ng luhang bumaling ako kay Boss

"Plea-se s-top cr-ying" halatang hirap na ito sa pagsasalita ngunit pilit pa rin nitong inaabot yung muka ko at pinapahid yung mga luha ko

"Shhss! please don't talk ok? May parating ng tulong" pilit kong pinapatatag yung sarili ko

"J-ust do-nt f-orge-t tha-t" at nagsimula na syang umubo ng dugo

At sakto namang lumapit samin sila Sanjie

"C may parating ng ambulansya" pagpapalakas pa nito sa loob ko

"Don't talk please! May parating ng ambulansya! " Hindi ko na napigilang mapahagulgol

"Don't you dare leave me!" Banta ko pa sa kanya dahil patuloy pa rin sya sa pag ubo ng dugo sabay pikit

At narinig ko na ang malakas na tunog ng ambulansya

"Wag mo kong iiwan please? Hmmm? Please stay with me" umiiyak kong inilagay yung kamay nya sa muka ko ngunit kusa na itong lumaylay at unti unting nagdilim yung paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

--------------

Ingay ng mga nagkakagulong tao sa paligid ko ang dahilan kung bakit ako nagising ngunit hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko

"Lo, calm down sabi ng doctor stable naman ang lagay nya at wala tayong dapat ipag alala" boses ni Kuya Xavier

"Pero ilang araw na syang hindi gumigising pano ako hindi mag aalala?" Si Lolo na halata rin ang sobrang pag aalala

Pagmulat ko ay lahat sila ay nakatitig saken kaya kahit parang tuyong tuyo ang lalamunan ko ay nakuha ko pang mag biro

"Ano to family reunion?" tanong ko pa dahil kompleto ang buong angkan namin sa loob except sa parents ko na laging wala dahil tumutulong din sa mga lugar na talagang naghihirap kagaya ng africa

Nandun din ang TMA at halata ang lungkot sa kanilang mata ng tignan ko sila at dun lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyare

"Nasan sya?" Tanong ko

"Sinong hinahanap mo apo?" Takang tanong ni Lolo

"Love?Lyka?Sheena?Sanjie?Jeanzel? Ano! Bakit hindi nyo ko sagutin?!" Sigaw ko na ikinagulat ng lahat

"Chase sorry pero sabi nung doktor dead on arrival sya " malungkot na paliwanag ni  Lyka na ikinatigalgal ko

"No! No!Hindi pwede ! Hindi yan totoo" Sigaw ko habang naghehesterya dahil hindi ako makapaniwala kaya naman pinilit kong tumayo at tinanggal yung dextrose sa kamay ko

Lahat sila ay tinangka akong pigilan pero hindi ako nagpaawat at lumabas ako sa kwarto ko na parang batang hindi alam kung san pupunta habang patuloy na umiiyak

Napaupo pa ako sa sahig dahil sa panghihina at sinapo ng dalawang kamay ko yung muka ko at dun nagtuloy sa pag iyak

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Takang Tanong saken ng pamilyar na boses ni Boss kaya napatingala ako at hindi ako makapaniwala

"B-buhay ka?" Gulat kong tanong pero bigla kong naisip na baka minumulto lang ako ni Boss

"Hindi, kaluluwa ko lang to binibisita kita"seryosong sagot nya kaya pumalahaw na naman ako ng iyak

"Hoy ano ba! Pinagtitinginan na tayo oh! Malamang buhay ako, kita mong pareho tayong naka hospital gown" tarantang pag alo nya saken

"A-akala ko iniwan mo na ko" sumisigok ko pang sumbat

Kaya naman ng ilahad nya yung kamay nya saken ay agad kong yung tinaggap at niyakap sya ng mahigpit

"Ouch!ouch!" Daing nito kaya napahiwalay agad ako

"Sorry" tsaka ko lang naalala na nabaril nga pala sya sa likod
At noon ko lang napansin na kasama nya pala si Jake

"Andyan ka pala?"

"Ou para nga kong nanood ng drama rama sa hapon" napapailing pa ito

Hinatid nila ako sa kwarto ko samantalang lahat sila na naiwan sa kwarto ko ay tahimik lang na naka abang saken

"Lyka Mae!!!" Sigaw ko pagpasok ko sa loob kaya bigla syang nagtago sa likod nung apat

"Wala kang binanggit kung sino kaya akala ko si Melchor Mendez yung hinahanap mo" pagpapalusot pa nito

"Humanda ka talaga saken pag galing ko !"

"Kung makikita mo ko" pang aasar pa nito sabay kindat

Yung ibang kamag anak ko ay umuwi muna ngunit nag paiwan si Lolo

"Lolo are you mad at me?" Pilit kong tinitimbang yung sitwasyon

"Why would I?" Nakangiting tanong nito

"I know that you already know" napayuko na lang ako

"To be honest at first I was shocked like how the hell that happened but then after that I feel so proud of you" kita ko ang senseridad sa mga mata ni Lolo

"You saved a lot of lives and I'm more than happy and proud"

"Thanks Lolo your the best but please don't mention this to dad and mom?"

"Why?" Takang tanong pa nya

"I'm about to quit" nakatingin sya saken na tila nag aabang ng dahilan

"Because finally, I found the reason why" makahulugan kong sagot

Matapos naming mag usap ay nag paalam si Lolo na bababa muna dahil may bibilhin daw sya sakto namang pumasok si Rogelle Paul

"Oh? I think the reason you're talking about is here now" bulong saken ni Lolo bago tuluyang umalis

"Kamusta? Okay ka na ba?" Tanong nito pero patuloy lang akong nakatitig sa kanya

"Alam mo ba kung anong araw yung pinaka nakakatakot para saken?" Tanong ko sa kanya

"Ano?"

"Yung araw na sinalo mo yung balang para saken"

"Dun ko na realize kung gano kita ka mahal dahil mas natakot ako para sa buhay mo kaysa sa sarili kong buhay "

"Sabi ko mahal ko yung trabaho ko at hinding hindi ko to iiwan pero hindi ko akalaing mas mamahalin kita ng higit pa sa trabaho ko" nakatulala lang saken si Boss pero nag patuloy pa rin ako

"I think I already saved enough lives and I think it's time for me to choose my own happiness"

"That's why I'm choosing you" hindi ko mapigilang ma luha at ganun din si Boss na niyakap pa ko

"I won't promise you anything because they said promises are made to be broken, so just let me show you how much I love you"

"Do you believe in happy ending?" Nakangiting tanong ko

"Nah! Happy only no Ending"

And with that our love story begin.
It maybe not perfect but I'm happy just the way it is.



C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon